Kabanata 35
Singsing
"Ma? Ano 'yan?"
Lumapit ako kay mama habang nasa stand siya ng mga magazines. Narito kami ngayon sa National Book Store at may binibiling mga gamit.
"Hindi mo sinabing si Elijah pala ang cover boy ng Aprill issue ninyo." Parang dismayadong sambit ni mama at ipinakita sa akin ang magazine.
Ngumuso ako. "Para saan pa po, ma?"
"Nako ha," naningkit ang mga mata niya. "Ingatan mo ang puso mo anak, alam kong malakas ka. Pero boto parin ako kay Elijah. Gusto ko na magka-apo, 'nak."
Tinapik ni mama ang balikat ko at niyakap ang magazine habang papalayo siya. Napaawang naman ang labi ko. Anong sinabi ni mama? Gusto niyang... Magka-apo na?
Dios mio, mahabagin! Gano'n agad?!
Sinundan ko si mama at binayaran na ang mga pinamili namin. Hinatid ko siya sa café habang ako naman ay dumiretso sa school nina Arjon at Marlon para sunduin sila. Alam na alam ko ang schedule nila. Malamang, sa computer shop nanaman ang diretso nila ngayon para malipagpustahan sa mga kalaro nila.
Nakabusangot na lumapit sa akin ang dalawa. Mukhang nahihiya pa! Aba!
"Nakasimangot ka diyan?" Tanong ko at kinuha na ang mga bag nila para ilagay sa loob.
"Bakit kailangan mo pa kaming sunduin, ate?"
"Utos ni mama." Sabi ko. E totoo naman. Wala namang problema sa akin kaya sumunod ako.
"Tss. Utos? Sus, maniwala!" Inis na napakamot si Arjon sa ulo at sinumangutan ako.
"Ate, may date ako mamaya!" Sabi ni Marlon. Napatingin naman ako sa kanya.
"Date? Sino naman yung babae? Patingin nga ng picture!" Nilapitan ko si Marlon pero umilag siya.
"Arjon!" Tawag ng isang babae sa kapatid ko kaya natigilan ko si Marlon. Napatingin naman ako sa babaeng papalapit sa amin. Woah, ang ganda niya ha! Simple lang at may salamin.
"Klea?" Rinig kong sabi ng kapatid ko.
"Naiwan mo kanina sa Calculus class." Ibinigay ng babae kay Arjon ang isang scientific calculator. Napataas naman ako ng kilay.
"Thank you, Klea." Sabi ni Arjon. Si Marlon ay pinapasok ko na sa kotse at tinignan ang dalawa.
Tumikhim ako. "Jon."
Nilingon naman ako mg kapatid ko. "Ate ko nga pala, Klea." Parang nahihiya pang sabi nito ni Arjon.
Agad namang lumapit sa akin si Klea at nakipagkamay. "It's nice to meet you po. I'm Klea Suarez po." Matamis siyang ngumiti sa akin at inayos ang salamin niya.
"Ashley Zamora. It's nice to meet you too, Klea." Ngiti ko sa kanya. Nako, ang tagal kong hinintay 'to! Gusto ko yung ganito e, yung makikilala ko ang mga babae na may gusto sa kapatid ko.
"Ate, tara na!" Tawag ni Arjon na nakasakay na pala. Nagpaalam na ako kay Klea at sumakay na sa kotse. Tinignan ko naman ang dalawa na nasa likod. May mga gamit kasi ako dito sa passenger seat kaya doon sila sa likod.
Nilingon ko si Arjon. "Bakit ka namumula diyan, ha?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Mainit ang panahon."
"Nasa lilim tayo kanina at mahangin."
"Summer ngayon, ate."
"Ang ganda ni Klea, 'no?" Binuhay ko ang makina at tinignan sa salamin si Arjon. Sumimangot lang siya. Narinig ko namang tumawa si Marlon. Teka, parang may something!

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...