Chapter 19

1.2K 58 4
                                    

Gab's POV

Nanggagalaiti ako sa galit habang nakatingin sa napunit at butas-butas kong damit na halatang sinadyang sirain.

Nang ihampas ko ang kamay ko sa locker kong sinira, may nahulog mula dun at pagtingin ko, isa iyong gunting.

"Tsk! Talagang nag-iwan pa talaga sila ng ebidensiya ha?!"
singhal ko.

Hinalungkat ko ulit ang locker ko at nagulat ako ng makita ko ang maliit na box na nasa labas na ng bag ko.

H-hindi pwede.

Nanginginig kong kinuha ang maliit na box at binuksan.

Nanlumo ako nang makita ko ang kwintas kong halos nadurog na.

"Oh my God"
mahinang sambit ni Lea.

Halos nanginginig ako sa galit na hinawakan ng mahigpit ang damit at ang kwintas kong nasira.

"G-gab"
tumingin ako kay Lea at nakita kong hindi siya makapaniwalang nakatingin sakin.
"T-that scissor" napatingin ako sa sa gunting na hawak ko. "That's M-maxspauns"

Nagtiim ang bagang ko sa sinabi niya. Naikuyom ko ang kamao ko at halos gusto ko nang magwala sa galit.

"Gab!"
hindi ko pinansin si Lea at dire-diretsong lumabas ng locker room.

Wala na akong pake kung pinagtitinginan nila ako dahil sa sobrang dumi ng damit ko, magulong buhok at pawis na pawis.

Mabilis akong naglakad papuntang building namin.

"Oh my God! Look at her! She's so madumi!"

"Eeww!"

"What's new? Eh madumi naman talaga siya right?"

"Oh my God. She's so pathetic. Naka PE uniform pa siya. Hindi manlang siya nahiyang ibalandra ang sarili niya"

"Look! Mukhang galit na galit si warfreak girl!"

"Mukhang may susugurin nanaman siya ha?"

"Tara tingnan natin!"

Nang makarating sa classroom agad kong binuksan ang pinto ng pabalibag kaya napatingin sakin ang mga kaklase ko. Mukhang wala pa dito ang iba kong kaklase at yung teacher namin sa PE.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Maxspaun sa upuan niya na naka-airpods. Masama ang tingin na nilapitan ko siya.

"Uy Gab---"






*Smaaashhhhhhh*






Sinipa ko ng malakas ang mesa sa harap ng table ni Maxspaun at bumangga yun sa mesa niya dahilan para tumingin siya sakin na naka kunot ang noo.

"Bakit mo pinunit ang damit ko?!"
sigaw ko sakaniya.

"Oh my God!"

"What is she doing?!"

"OMG! Gulo nanaman to"

Kunot-noo siyang tumayo.
"What the hell is your problem?!"

"Tsk!"
Hinarap ko sakaniya ang napunit kong damit.
"Itong damit ko! Bakit mo sinira?!"

"Tss"
asik niya.
"Accusations again? And it's me again huh? Bakit ba ako lagi ang sinisisi mo kapag may nangyayari sayo?"

Nilabas ko ang gunting niya mula sa likod ko at tinutok ko sa mukha niya.

Never mess with an Enrile-MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon