Hoy Panget

7 0 0
                                    

HOY PANGET


"Hoy panget!" rinig kong sigaw ni Jeydon. Awtomatikong napatigil na ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Nung una, masakit kapag yan ang tawag niya sa akin lalo na't crush ko siya. Pero kalaunan ay nasanay na ako at inisip na yan na ang kanyang espesyal na tawag sa akin.

"Bakit? Anong kailangan mo?"

"Wala! Gusto ko lang makita ang panget mong mukha!! Hahahaha!" malakas na saad niya at humagalpak sa tawa. Namula naman ako at tumalikod sa kanya. Muli na akong naglakad.

"Luh! Ang suplada naman, akala mo maganda." rinig kong pahabol niya. Napansin ko na lang na sabay na pala kaming naglalakad.

"Hoy panget. Gusto ko lang sabihin na itigil mo na ang pagkakaroon mo ng crush sa akin." seryosong sabi niya na siyang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Tinitigan ko siya sa mata.

"B-bakit n-naman?"

Hindi ko napigilang itanong, kahit pa malapit na akong maluha. Mukhang sinagot na siya ng kanyang nililigawan. Kumpara nga naman sa aking pangit na babae, maganda ang kanyang nililigawan. Isang cheerleader at sumasali sa pageants sa school. Eh ako, pangit na nga, wala pang talent.

"May girlfriend na ako!" masayang sagot niya na siyang nagpayuko sa akin.

Naikuyom ko ang palad ko at pinipilit na ngumiti, "Pwede pa rin naman kitang gustuhin eh..." mahinang sabi ko. "Di naman k-kita... D-di n-naman k-kita aagawin..." Di ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"A-alam ko namang d-di... D-di kita maaagaw sa kanya..."

Naalala ko lahat ng ginawa ko upang mapansin niya. Mula sa pag-chat sa kanya upang kamustahin ang araw niya hanggang sa pagbibigay ko ng mga niluluto ko. Kahit nga 'di ako cheerleader, kapag may laro siya todo sigaw ako. Kahit pa tinatawanan niya lamang ako, sila ng mga tropa niya 'twing makikita ako, ayos lang sa akin. Ang mahalaga, napapasaya ko siya.

"A-ayos lang naman s-sa akin na m-magkagirlfriend ka.." humihikbi kong saad, "w-wag m-mo n-naman akong pigilang gustuhin ka..." pakiusap ko.

"No. Itigil mo na, Cristina."

Napahagulgol na lamang ako sa sinabi niya. Pano ko pipigilan? Masaya naman na ako sa ganito eh. Kinakausap niya ako, pinapansin.

"H-hindi naman ako manggugulo, Jeydon..."

Ini-angat niya ang aking mukha, ang kanyang palad ay nasa aking pisngi. Pinunasan niya ang luhang lumalabas sa aking mga mata gamit ang kanyang hinlalaki at tinitigan ako sa aking mga mata.

"I want you to stop liking me, because I want you to start loving me." seryosong saad niya. Napangiti ako habang may tumutulong luha sa aking mga mata. Hindi ako bobo para di ko maintindihan ang sinabi niya.

"Hoy, panget. Stop crying, please."

"T-totoo ba yung sinabi mo kanina?"

Bigla siyang yumuko para idampi ang kanyang labi sa aking labi.

"Opo. Wag mo na akong gawing crush, dahil gusto kong gawin mo na akong boyfriend."

Mas lalo akong naiyak dahil sa saya.

"B-boyfriend na kita? A-ako yung tinutukoy mong girlfriend?"

Tumango siya, naka-ngiti. "So stop crying, panget."

"Titigil lang ako pag di mo na ako tinawag na panget." naka-nguso kong sabi.

He wiped my tears and kissed my forehead. Niyakap niya ako, ang kanyang ulo ay nakasandal sa aking balikat. Bigla siyang bumulong, na siyang kumiliti sa akin.

"You're the most precious girl to me, for me. Mahal na kita, panget."

Niyakap ko siya pabalik.

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita Jeydon."

One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon