-Krystal-
I'm really thankful that Sandra came into his life.Nakita ko naman kay Ace kung gaank siya kasaya kapag kasama niya si Sandra.She lessen my guilt.
"Let's bury the past and live happily..Ace" I offered my hand
"Let's move on...Krystal" he took my hand
Bumalik na kami sa loob at nakita silang nakaupo sa sofa.Tumayo si Sandra para lapitan kami.Nakayuko siyang huminto sa harap ko
"I'm sorry for being greedy Krystal.I'm really so-"
Hindi na siya nakapagsalita ng bigla ko siyang yakapin
"Thank you Sandra" Hindi na siya nagsalita at niyakap ako pabalik
"Oy!Sama ako!" Sigaw ni Sabrina saka na yumakap sa'min
Nag stay muna kami sa condo ni Dean para magkwentuhan.Actually kinukwentuhan nila ako tungkol sa mga nangyari sakanila
"Si Sabrina ang nanligaw kay Wade" tumatawang sabi ni Sandra
"Oyy hindi kaya!Mukhang napilitan lang nga si Ace na ligawan ka e,baka daw kasi umiyak ka" Sigaw naman pabalik ni Sab
"Huwag kang maniniwala dyan Krystal" bulong sa'kin ni Sandra
"Kinuwento na ni Ace" bulong ko pabalik
"What?!" Napaharap lahat kami sakanya nang sumigaw siya "Ace kinuwento mo?"
"What?" Inosenteng tanong niya "That you confessed to me,first?"
"What the?! That's so embarrasing!" Sigaw niya pabalik habang sina Sabrina at Wade ay tumatawa na.
"Embarrasing? Hindi ko naman sinabi yung tungkol dun sa first kiss.Grabe wild mo-" hindi niya na natapos ang sinasabi niya nang takpan ni Sandra ang bibig niya.Mas lalo tuloy lumakas ang tawa nina Sab at Wade
It feels so good seeing them like this
Nagkwentuhan pa kami saglit bago na namin napag isipang umuwi.
Dumaretso na'ko sa banyo pagkauwi ko para maligo.Agad na'kong humilata sa kama pagkatapos at tinignan ang ceiling habang nag iisip.
"It's such a waste of time" I sighed.Bigla akong napatayo nang makaisip ng gagawin ko
I can't stand this anymore!Marami ng oras ang nasayang namin
Lumabas ako at pumunta sa harap ng pintuan niya.Huminga muna ako ng malalim bago ako nagdoorbell.Agad ding nabuksan ang pinto
Agad akong napaiwas ng tingin dahil naka sweatpants lang siya at walang suot na pang itaas.May twalya pa na nasa balikat niya,halatang bagong ligo
"May nakalimutan ka ba?" Tanong niya habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang twalya.
Damn he's so hot
"Wala.Uhm ano kasi...ano" hindi na'ko makagawa ng matinong sentence
"Why are you here?This late?" He asked raising a brow now.Agad ko siyang nilapitan para yakapin
"Can I uhm" I inhaled a lot of oxygen before continuing "Can I sleepover?" Tanong ko habang nakayakap pa rin sakanya
"Of course you can.I love your idea"
Nagpaalam muna siya na iinom ng tubig sa kusina pero pinapunta niya na ako sa kwarto.Hindi ko alam kung paano hihiga sa kama niya knowing na tatabihan niya ako mamaya