Binaling ko ang aking paningin sa labas ng bintana. Mas mabuti pang ako na ang umiwas para hindi ako lalong masaktan. Inaamin kong isa akong babaero pero minahal ko ng totoo si Savanna. Marami nga akong babae pero puro sa kama lamang, hindi ko naman minahal.
"Good morning class, we have a transferee. Ms please introduce yourself in front" dinig kong saad ni sir ngunit hinsi ko magawang tignan pa. Naaalala ko lang palagi ang mga nangyari sa amin ni Savanna. 'Wag green minded, ang mga masasayang nangyari sa amin ng mga panahong kami pa. Ewan ko ba ang bilis lang ng oras, parang kahapon lang masaya kaming kumakain, nagkwkwentuhan at mahal pa namin ang isa't isa.
"Hello, my name is Viviane Zyla Husson, 18" nabalik ang diwa ko ng marinig ko ang boses na 'yon. Kaya unti unti akong humarap at napatayo ang sa sobrang gulat. "What the fuck" sigaw ko dahil gulat na gulat akong nakita ko si baliw. Anong ginagawa niya dito, 'wag niyang sabihin na dito na siya mag-aaral dahil magiging hell talaga ang buhay ko.
"Mr. Martinez Go to my office now" galit na sigaw ni sir na nagparealized sa akin kung ano ang ginawa ko. Fuck ba't ba mahilig akong magmura. Dinig ko pa talaga ang tawa ng mga kaibigan ko. Tinignan ko naman sila ng masama. Tumatawa lang si Rey, Josh at Gio pero si John halatang nagulat, siguro 'di makapaniwalang si Viviane ang nakita niya.
Kinuha ko na lang ang bag ko at naglakad palabas ng room pero bago pa ako makalabas ay may binulong pa ako kay baliw.
"You'll pay for this" galit kong bulong at tuluyan ng lumabas para magtungo sa office ni sir. Kasalan talaga ng baliw na'yon kaya nandito ako sa office ni sir. Sobra pa naman 'yang magparusa dahil hanggang maghapon akong nandito.
Ilang oras na akong nandito sa office ni sir na nakatanaw sa bintana at tinitignan ang mga masasayang estudyanteng naglalakad. Napalunok na lang ako ng makita ko ang iba na may kinakain. Tinignan ko ang relo ko at shit break time na pala ngunit hindi parin ako makakalabas.
"Psst" tawag ng kung sino pero hindi ko nilingon kung saan galing dahil nasa pagkain parin ang aking tingin.
"Psst"
Hindi parin ako lumingon.
"Psssssssssssssssssssssst" this time lumingon na ako at nakita ko si baliw na may dala dalang pagkain pero sinamaan ko siya ng tingin dahil sakanya nandito ako. Lumapit naman siya dito sa bintana.
"Here eat this" sabi niya sabay abot ng pagkain pero hindi ko tinanggap. Kahit gutom na gutom na talaga ako. Galit ako sakanya dahil siya ang dahilan kung bakit ako nandito, dinadagan na naman niya ang record ko nadumihan pa talaga ang good record ko. "Sorry" bulong niya pero sapat na para marinig ko.
"Tss" 'yan lang ang naisagot ko. Dapat naman talaga siyang magsorry siya naman talaga ng may kasalanan. Sino ang hindi magugulat na bigla nalang sumulpot 'tong babae na ito. Basta nakakasakit sa ulo. Baliw pa naman 'to.
"Whaha bro kamusata ang buhay ng nasa selda" bigla nalang sumulpot 'yung apat. Tinawanan lang nila ako maliban kay John na nakakunot ang noo at nakatingin kay Viviane.
"Kanina pa ganyan siya bro" bigla naman akong napatingin kay Gio na nagsalita. Siguro nahalata ang pagtingin ko kay John na nakatingin parin ngayon kay Viviane na nakatingin sa akin at dala dala parin ang pagkain.
"Bro baka matunaw si Vivi niyan" biro ni Rey at tinapik ang balikat ni John. Napatingin naman kaming lahat sakanila ni Rey pati si Viviane ay nakatingin ngayon sakanila.
"Ahh Viviane, ikaw ba talag si Viviane Zyla Husson?" Parang 'di makapaniwalang tanong ni John. "Syempre siya 'yon bro" singit naman ni Gio. Tumango tango lang ang baliw.
"Kilala mo pa ba ako?" Nangunot naman ang aming mga noo sa tanong ni John. "Yes, you're John, Aisler's friend." Sagot naman ni baliw.
"No, I mean I'm John you're besfriend when we were kids" napanganga nalang kami lahat sa sinabi niya. Ano to drama na matagal silang hindi nagkita tapos ngayon nagkita na sila. Napairap na lang ako sa mga iniisip ko.

BINABASA MO ANG
I Kissed A Wrong Person
Teen FictionAisler Ehvan ay isang heart broken na playboy. Meron siyang isang babae na minahal mahigit sa tatlong taon ngunit siya ay iniwan ng walang dahilan. Sa 'di sinasadyang pangyayari ay makikilala niya ang babaeng magpapatibok ulit ng kanyang puso at ang...