CHAPTER 10

12 4 0
                                    

Kinabukasan,excited nanaman si ate na lumabas kami,kahit ang aga-aga pa. siya ata may gusto do'n e.

sabi ng nurse ay mamayang hapon idi-disinfect muna 'tong kwarto para masigurong malinis na..kumain muna kami ng tanghalian,bago umuwi si ate para magpalit at kumuha ng damit niya.habang wala pa siya ay natulog muna ako saglit.
____

"marisse gisisng na diyan..and'yan na yung mga maglilinis"narinig kong ani ni ate.

"hmmm"dumilat ako at tumingin sa paligid at nakitang nando'n na nga,at may nurse din na may dalang wheelchair. tumingin ako sa orasan at nakitang hapon na pala.mukhang napasarap ang tulog ko ah.

nagspray muna ako ng mouthwash bago ako inalalayan ng nurse na umupo sa wheelchair. lalabas muna kami dahil nga magdidisinfect sila,bawal kaming manatili dito sa loob, dahil 'pag na sprayan kami,baka mawala din kami.germs e,ok waley.

"ay, wala pa si liam?"naghihinayang na tanong ni ate nang makarating kami.

"aba ewan,bakit sa'kin mo tinatanong e magkasama lang tayo?"sagot ko"tsaka bakit ba hinahanap mo 'yon e hindi naman siya yung pinunta natin dito"patuloy ko.

"kunwari ka pa,e kanina ka pa nga tumitingin sa paligid e"nakangising pang-aasar niya.

"ano?!hindi ah"singhal ko.ba't ko naman hahanapin 'yon?

"deny pa more lil sis"

"baka naman ikaw ang may gusto do'n?"

"no way..ay teka,wala naman akong sinasabing gusto mo ah,ang sinasabi ko lang,kanina ka pa tumitingin sa paligid...ikaw ha,napaghahalataan ka na"sumingkit ang mata niyang nakatitig sa'kin.--oo nga no,ba't 'di ko naisip 'yon?

"e..kasi lagi mo naman ako inaasar sakanya diba?bakit hindi ba 'yon yung ibig mong sabihin?"depensa ko.

"hindi"

"tsaka gusto mo naman talaga siya diba?sinabihan mo ngang pogi e"natatawang patuloy niya.

"anong--oo nga pogi siya pero hindi naman ibig-sabihin no'n na may gus-"

"talaga pogi ako?"

"ay,anak ng pating!--"nagulat ako dahil biglang may nagsalita mula sa likod ko.dahan-dahan akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makita si liam!

"ah--k-kanina ka pa diyan?"kinakabahnag tanong ko at napaiwas ng tingin dahil sa hiya.naku huwag naman sana niyang narinig lahat.

"hmm..hindi naman"ani niya na kunwari nag-iisip pa."narinig ko lang lahat"patuloy niya. ay loko tsk.

narinig kong bumungisngis si ate at halatang piniligilan ang tawa kaya napalingon ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"what?"pigil ang tawang tanong niya.

"kanina mo pa ba alam?"naiinis na tanong ko. umiling siya pero hindi na niya nakayanan ang kanina niya pang pinipigilan na tawa.

"BWAHAHAHAHA" tawa niya at nakisabay na rin si liam at para silang baliw na tawa ng tawa samantalang ako ay masama pa rin ang tingin sakanila.

parang gusto ko nalang lamunin ako ng lupa ngayon dahil sa kahihiyan! baka isipin nanaman nitong lalaking 'to na may gusto ako sakanya kahit wala naman talaga.

"tch tch,sinasabi ko na nga ba,may lihim kang pagtingin sa'kin"mayabang na sambit niya.

"ang kapal mo!"singhal ko.

"pa'no ba yan,si ate kath yung crush ko"nakangising patuloy niya na alam ko namang nang-aasar lang siya,pero bakit parang kumirot yung dibdib ko at biglang nanghinayang.bakit ba ganito yung nararamdaman ko,hindi ko maintindihan..hindi ko naman siya gusto pero bakit parang umaasa ako na ako ang pangalang babanggitin niya--

"enebe"malanding sabi ni ate na natatawa.

"ate,b-baka tapos na sila,gusto ko ng magpahinga"nauutal na ani ko at naramdaman ko nalang na may luha ng tumulo sa pisngi ko kaya patago ko itong pinunasan.

"teka,umiiyak--"natigil din siya sa pagsasalita nang mabilis akong umalis,dahil na alis ko na ang lock ng wheelchair kaya mabilis ko 'yong pinagulong gamit ang kamay ko at hindi ko alam kung pa'no ko 'yong pinagsabay dahil hawak ko pa sa isa kong kamay ang dextrose.

agad din namang sumunod si ate sa'kin at siya na ang nagtulak ng wheelchair hanggang sa makarating kami sa room. nung nakahiga na ulit ako sa hospital bed ay hindi pa rin ako kumikibo,pumikit ako at nagkunwaring natutulog pero nagulat ako nang magsalita si ate.

"ah marisse,anong nangyari?s-sorry..."
sambit ni ate. dumilat naman ako at tumingin sakanya.

"binibiro ka lang ni liam e,pinlano namin 'yon,nakasalubong ko siya kanina sa hallway nung papunta ako dito."patuloy niya.

"e?"

"oo nga"

"b-bakit?"tanong ko

"anong bakit?"

"bakit gano'n ate,nung sinabi niya na ikaw ang gusto niya,bakit parang kumirot at parang may bumara sa dibdib ko?hindi ko maintindihan"

"naku,sis iba na 'yan,tinamaan ka na sakanya"

"ano?bakit?..paano?"naguguluhang tanong ko.

"ayy ewan ko,hindi naman ako yung nakakaramdam diba?pero kapag ganyan,sigurado akong gusto mo na siya.."sambit niya."yiii,congrats hahaha"patuloy niya na parang kinikilig pa.

"h-hindi,'yon?magugustuhan ko?ew."pagdadahilan ko

"hay sis,tama na ang pag de-deny,niloloko mo nalang yung sarili mo e,basta kahit anong mangyari,support lang ako hihi..sige na magpahinga ka na muna."ani niya at lumabas.

humiga na ako at kahit na anong pikit ko ay hindi ako makatulog.iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.pa'no nga kaya kung totoo yung sinasabi ni ate?na niloloko ko nalang yung sarili ko kung itatangi kong wala akong gusto sakanya. pero ilang araw ko palang siyang nakakasama at hindi ko pa siya gano'n ka kilala,siguro naa-attract lang ako sakanya,siguro 'crush' pa lang..pero bakit andaming siguro?bakit hindi ako sigurado?

kung makakasama ko ulit siya at makikita,baka do'n ko na masisisiguro yung totoong nararamdaman ko. pero bakit parang gusto kong umiwas?pero may parte sa'kin na gusto ko siyang makita.

naguguluhan na ako..andaming tanong sa isip ko,masyado na akong nag oover think..tapos si ate,pipilitin na niya ako lagi na lumabas para makita namin siya at maka-usap.

hay,bahala na nga kung anong mangyayari,gusto ko nalang talaga ngayon ang gumaling na para makalabas na ako,at bumalik na sa normal kong buhay.

~♥~

Love with sacrifice(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon