FIFTEEN

520 18 1
                                    

SHE can smell coffee. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Alex. Isang nakangiting mukha ni Toni ang agad sumalubong sa kaniya.

She loves waking up like this. "Good morning, handsome," bati nito kasabay ng matamis nitong ngiti. This is her new favorite morning breakfast—Toni's sweetest smile, maybe with a kiss perhaps?

Tila narinig nito ang nasa isip niya at bigla na lamang itong yumuko at hinalikan siya sa labi. "I haven't washed my mouth," bigla niyang sabi.

Tawa lamang ang isinagot ng dalaga. Bumaba ito sa kama. "Anong oras na?" tanong niya nang makitang sarado pa ang mga kurtina sa bintana.

"Almost ten."

"What?! Oh shit!" Napabalikwas siya ng bangon. She's cursing under her breath when she made her way to the bathroom.

She is late for work. Wait, her phone... Where is her damn phone?

Pagkatapos maghilamos at magsipilyo, lumabas siya ng banyo. Nakabukas na ang mga kurtina at bintana. Tirik na tirik na ang araw sa labas. Dali-dali niyang kinapa sa bulsa ng suot na jeans kahapon ang mobile phone niya.

Napamura uli siya nang hindi ito mabuksan. Low battery.

Nilapitan siya ni Toni at iniabot sa kaniya ang coffee mug. "Magkape ka muna," anito.

"I'm late for work. Super late," aniya nang tanggapin ang mug at humigop ng kape. Napa-hmmm siya sa sarap. This will add to the list of her new favorites today.

"Can you tell them na you won't be able to go to work today dahil you've missed your best friend and you need to spend a lot of your time with her?"

Napatingin rito si Alex at di niya mapigilang di mapangiti. It warms her heart to just look at her with those puppy eyes, begging her to say yes. But she needs to go to work today.

Humakbang siya at hinalikan ito sa noo. This is her new hobby, kissing her forehead lovingly. "I'm sorry to disappoint you, baby, but I really need to go to work today."

Ahhhh... She loves calling her "baby." San ba galing ang pagiging romantiko niya today?

Nag-blush ito, at nagulat siya. "You're blushing," aniya, but she can't hide her feelings too. Kinilig siya sa nakitang pamumula ng mga pisngi nito.

"Baby, I like it," anitong napakagat labi pa.

Napalunok ng laway si Alex. She wanted to be the one to bite those lips. "Kailangan ko na talagang mag-ready at baka mawalan pa ako ng trabaho," aniyang pinipigilan ang sariling huwag magpadala sa bugso ng damdamin.

Tumango ito. "Give me your number para matawagan kita at ma-text."

"Wala pa akong nabiling SIM card."

"I will leave my number to you. Message me kapag nakabili ka na. Promise me."

Tumango uli ito.

Nilagay niya sa loob ng paper bag ang mga damit na suot kahapon at lumabas na sila ng kuwarto nito. Walang tao sa sala nang sila ay bumaba.

Humalik uli sa noo ni Toni si Alex bago siya bumalik sa kabilang bahay.

Nagmamadali na siyang pumasok sa gate at naabutan niya sa hardin ang ina. Namimitas ito ng tanim nitong rosas. "Good morning, Mom," bati niya rito.

Ngumiti ito nang makita siya. "Good morning, anak. Tumawag nga pala si Nicole."

Napahinto siya. Oh shit.

"Di ka raw niya ma-contact kaya tinanong sa akin kung alam ko ba kung nasaan ka," anang ina.

Lumapit na siya rito. "Anong sinagot niyo sa kaniya, Mom?" tanong niya.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon