Chapter Nine

132 7 0
                                    

Attack

My mother is more than a mother. She's too observant in many things, especially to me. Too observant that sometimes it scares me.

Binagabag ako ng sinabi ni nanay tungkol sa sakit ko. Am I missing something? What didn't I noticed? Hindi ko maintindihan.

Kinapa ko ang mga braso ko. Wala namang maiitim na lumalabas, walang sumasakit sa dibdib o ulo ko. Matagal nang wala akong may nararamdaman.

Hindi ako mapakali sa harap ng salamin sa kwarto ko. I've been checking my face, my teeth, my back. Kumakain na silang lahat sa labas pero nanatili ako rito.

My mother's words made me worried all of a sudden. Gumapang ang kaba sa dibdib ko at tinitigan ang sariling repleksyon ko.

Matagal ko ng isinantabi sa isipan ko ang sakit ko. Most days, I live like I don't have it but now, I'm anxious. Mikyoxema is still a deadly and untreatable disease.

Kahit anong gawin ko, hindi ko na iyon maalis pa sa katawan ko. Death is my only way out of it. Kahit anong pilit kong mamuhay ng normal wala pa ring silbi iyon, walang saysay.

A tear fell from my eye. It's not worth it. Everything I did wasn't worth it.

Nakakahawa pa rin ako, hindi dapat nilalapitan, nakakamatay. Umiling ako sa sarili ko at pinunasan ang luhang lumabas.

A knock on my door interrupted me. Inayos ko ang sarili ko at huminga ng malalim bago pumunta sa pinto.

Tumambad sakin ang mukha ni Worth nang buksan ko iyon. Umawang ang baba ko.

He's still wearing his face mask and purple gloves. Nakabihis na siya ng puting long sleeves at black joggers. Mukha na siyang matutulog.

"It's dinner. Why are you still here?" Seryoso ang mukha niya.

"Uh.." Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ayokong sumabay sa kanila kasi madami sila. I think my presence would scare the others. Ayoko namang mailang sila sakin.

"I.. I'm not hungry," palusot ko.

Tumaas ang kilay niya. His staid gaze lingered on my face. Hindi ko matignan.

"Bakit.. nga?"

Mabilis kong kinigat ang dila ko para pigilan ang ngiti. Oh, my god. He sounded adorable with his trying voice.

"Cute," I murmured. Umiling ako para alisan ang boses niya sa isipan ko. "Worth, bumalik ka na doon. I'm sleepy.."

I stretched my arms and pretended like yawning. Tinignan ko siya. Nakataas lang ang kilay niya sa ginagawa ko.

"You're not comfortable with us." sigurado niya saad.

Bumuntong hininga siya. "Many years of just you and your mother, I won't expect you to be comfortable with us but atleast, try. You can't even face us, how can you face the rest of the world?"

Bumaba ang tingin ko sa mga gloves ko. I sighed heavily.

"It's not like that, Worth," I almost whispered.

Umangat ako ng tingin sa kanya. "What if they don't like me?"

His face softened and smiled a bit. Inangat niya ang isang kamay niya at maingat na pinasadahan ang pisngi ko. He slightly brushed my cheek.

I noticed he likes doing that.

"They will, once they get to know you. How innocent and brave you were, sweet rose." he said like he knew a long time ago.

See You Soon, Soldier (Ambience Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon