Chapter One

90 7 4
                                    

“Kailan ka ba magkaka-girlfriend ulit?”

Napatigil ako sa pag-aayos ng necktie sa biglang tanong ng mama ko, thinking about it more made me smile, realizing these were the words she asked me two years ago.

TWO YEARS AGO

“Kailan ka ba magkaka-girlfriend?”

“Ma!” angal ko. “Pwede ba?!”

Lumabas ako ng bahay tsaka sumakay ng bus papuntang School. Hindi naman ako bakla. Sa lahat lang kasi ng ayaw ko e yung pinag-uusapan ang lovelife ko.

Pagdating ko sa entrance ng college ko, sumalubong agad sa akin si Sheila, ang girlfriend kong sexy at—

BREAK NA TAYO, MANLOLOKO KA! Sabi mo pinsan mo lang si Cindy, eh bakit may pa- I love you forever and always honey pa kayong nalalaman, ha? Sinungaling! Magsama kayo!

Sigaw niya sabay tapon ng cellphone sa akin at nagsimulang mag-martsa palabas. Shit na. Paano niya nalamang— Tiningnan ko ang mobile phone tsaka ko nakita ang text messages.

From: Couz_Cindy (1st message)

I love you forever and always, honey. I miss you na talaga. Bisita ka naman minsan. <3

 

From: Couz_Cindy (7th message)

I can’t wait to text na. Umuwi kana kasi para magtawagan tayo. I miss your voice. L

 

From: Couz_Cindy (9th message)

I love you. I love you. I love you! Text ka na, wala kasi ako class eh.

 

Nak ng pitong baka naman oh. Sabi ko naman sa babaeng ‘to na wag muna magtitext ngayon. Binulsa kong cell phone tsaka hinabol si Sheila. At nagsimulang magdahilan.

“Babe, pinsan ko lang talaga yun. Pinaglalaruan ako.”

Sabi ko at nagpacute na rin. Napatigil siya, ngumiti at nilingon ako. Sabi ko na nga ba, di ako matitiis ng babaeng ‘to. Hinawakan niyang mukha ko sabay haplos at bumulong.

“Sinong niloko mo?” Tinulak niya ako at sinipa ang kanang paa ko. “Pinsan mong mukha mo! Nakakahiya ka! Yan ang bagay sa ‘yo.”

Bago ko pa man din siya mahabol, biglang nag-vibrate ang phone ko.

1 new message received
From EC_Zach Torres

Gov., san kana? May natitira ka pang hindi na pipirmahang passbook ng mga students.

Matapos kong mabasa ang mensahe’y tumakbo na ako sa Student Executive Council Office. Bahala na yung babaeng yun, marami pa naming babae diyan eh.

“Good morning, Governor !”

Bati ng secretary, tumango lang ako at umupo na rin katabi niya.

“Ba’t ngayon ka lang?”

Tanong ni Ferrer, sasagot na sana ako ng may magandang dilag naka-short ang naglapat ng kanyang passbook sa table.

“Hoy!” siko sa akin ni Zach “Anong ginagawa mo?”

Patuloy kong tinititigan ang malahulog ng langit na biyaya. “Na-appreciate ko lang ang blessings ng may kapal.” wika ko.

“Gov.” Napalingon kaming lahat sa bagong dating sa office “Pinapatawag ka ni Dean, pumunta ka raw sa Gymnasium. ASAP.” hikawos na sabi nung lalaki. If she asked random student to call me, then this must be important.

Tumayo ako at kinuha ang mga papers. I was reading the documents ng may babaeng lumapit sa akin sabay hablot sa Student ID ko.

Ah ikaw pala yun.

Pahayag nung babae at nilagpasan ako. Shit. Naunahan akong dumiskarte. Alam na niyang pangalan ko, ngunit ang kanya, di ko man lang nalaman, di ko pa na-mukhaan! “Hoy, miss! Ang daya! Anong pangalan mo!” Hinabol ko siya ngunit di ko na siya makita.

 

FREAKachu~

Our Failed TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon