Chapter 1

0 0 0
                                    

(knock-knock-knock)

"Sasha!" sigaw sa'kin ni mama mula sa kusina.

"Ma bakit po?"

"Halika ka muna dito. May sasabihin kami ni papa mo."

"sige po! Pupunta na!" inayos ko muna kwarto ko tsaka lumabas at dumiretso papuntang kusina.

"oh ma? Bakit po?" umupo ako sa harapan nila tsaka hinintay magsalita si mama.

"napag desisyonan namin ni papa mo na sa probinsya ka mag aaral ng grade 7 mo."

"bakit ma? Biglaan naman po yata desisyon niyo!?"

"kasi ang lolo mo nagka sakit raw. Diabetes. Ayun na hospital daw noong nakaraang linggo pero nakauwi na raw kanina. Gusto kasi ng lolo mo na doon na tayo tumira pansamantala habang nagpapa galing siya."

May bahid ng pag aalala at lungkot sa mga mata ni mama. Hindi ko rin naman siya masisisi, papa niya yun. Na iintindihan ko naman na sobra ang pag aalala ni mama ngayon kay lolo lalo na ngayon na may sakit si lolo.

"sige po ma. Kung yun po desisyon niyo. Payag po ako." matapos ko sabihin yun, nakita kong naging panatag ng konti ang mama.

Matapos kaming mag usap. Pumasok na akong muli sa kwarto ko at nag impake. Sabi kasi ni mama na bukas na daw alis namin, lalo nat 1 araw ang biyahe pauwing probinsya. Sa leyte kasi nakatira sila lolo. Taga Tacloban kasi sila mama kaya naman bukas ng madaling araw kailangan namin bumiyahe.

*FAST FORWARD*

"Hay at last touchdown Tacloban!" Grabe sobrang nakaka pagod ang biyahe. Buti nalang at nakarating na kami.

"Oh nak! Tara na! At nang makapag pahinga na rin tayo sa bahay ng lolo mo."

"Opo ma!" Kinuha ko na maleta ko at sinundan sila mama.

Naghintay kami ng mga 5 minuto sa pila ng mga multicab. Paano, kailangan kasi raw mapuno mun bago umalis. Kaya ayon medyo natagalan kami. Sobrang ini pa ng panahon kaya medyo nahihilo na ako.

Matapos ng mahigit isang oras na biyahe mula Abucay Terminal-San Jose eh nakarating na din kami sa bahay nila lolo. Nagulat pa nga ako kasi pag dating namin doon nakahiga ang si lolo tapo yung papa niya na may konting sugad lang noon ngayon eh lumaki na at na ngingitim. Parang na aagnas na yung part na yun. Gusto ko mang mag inarti ay di ko nagawa kasi mas na aawa ako kay lolo. Sa kalagayan nito.

Ayon na nga nag kwentohan muna kami nila lolo pagkatapos ay pumasok na ako sa kwarto na ibinigay sakin ni lola.

"Grabe sobrang nakakapagod talaga ngayong araw na ito. Makatulog nga muna." Humiga ako na ako sa higaan at di namalayan na nakatulog agad.




xxxxxxxxxxxxxxxxx
Hello everyone 😊 pasensya na po kayo kung medyo konti lang update ko sa first chapter. Bago lang po kasi ko sa pag gawa ng wattpad story. Kaya sana po basahin niyo po mga susunod kung updates. Papagbutihan ko po sa mga susunod na chapters para po patuloy kayong magbasa sa kwentong ginawa ko. ❤ -xoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Her SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon