KADILIMAN, Nakaupo lang ako sa sulok, nakayakap sa mga tuhod, umiiyak, nahihirapang huminga, nasaan ako?
*iiinnkkk*
m-may liwanag, napatingin ako sa pinang galingan nun, pintoan, may nagbukas ng pintoan, para akong nakakita ng pag-asa, nakahinga ako ng maayos.
*foot steps*
m-may pumasok, makakalabas nak-
*BOGSH!*
Napatayo ako, h-hindi, b-bakit sumara? parang tuluyan nakong nawalan ng pag-asa, napa upo ako, natulala, at maya mayay napaiyak ng sobra.
"S-sino ka?"
*Tahimik*
M-may tao, y-yung pumasok kanina, nabuhayan ulit ako ng pag-asa, napatayo ako.
"T-tulungan mo k-ko"
"W-wag kang lumapit!! S-sino ka?! "
Yung boses nya, b-bakit pamilyar ang boses nya? sino tong kausap ko? w-wala akong makita.
May tinutok syang ilaw sa muka ko, napatakip ako sa mukha ko.
" Sino ka?! Bakit ka nandito?!! "
Nasisilaw parin ako, dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa mukha ko, napatingin ako sa babae, hindi ko sya masyadong makita dahil nasisilaw parin ako sa liwanag, maya mayay parang nasanay ako, napatingin ako sa, m-mukha nya, gulat, b-bakit? A-anong nangyayari? makikita mo rin sa mukha nya ang pagka gulat, p-paanong? b-bakit, k-kaharap ko ngayun ang, S-sarili ko?