Chapter 1

38 1 1
                                    

Hello wattpad readers!!

Sana magustuhan niyo itong isusulat kong story!

Ang Story na to ay tungkol sa isang tinderang na inlove sa customer na hindi niya inaasahang magkakagusto din sa kanya ang lalaking customer.

Nagbago ang lahat simula nung silay nagkakilala.

Dear Diary,

Isang malakas na "Tiriring" "Tiriring" "Tiriring" ang gumising at nagputol ng napaka gandang panaginip ko.

Hayss. Buset tong impaktang alarm clock na to oh! Grrr.

Hays nang magising ako, agad kong tinignan ang orasan at 5:30 am na. Kahit ayaw pa ng sexy body kong tumayo, ay pinilit ko pa rin kasi may klase pa ko mamayang 7.

Tinanggal ko ang kumot ko at umupo muna tsaka pinatay ang electric fan. Habang nakaupo ako sa kama ko,

Naisip ko ung panaginip ko kagabi na tila ayaw ko ng magising. Aahaha.

Pano ba naman kasi! Ang pogi ng lalakeng bumili sakin knina!! Sheet! Tapos nagkatitigan kame at tinanong niya ang name ko.

Syempre ako nman tong si pakipot effect, kunyari iniirap irapan ko siya na kunyari hindi ako interested sa sibasabi niya pero deep inside gusto ko na siyang sagutin ng "I DO"(feeling ikakasal agad agad?!) este gusto ko nang sabihin ang name ko.

Napansin pala niya na umirap ako,

Patay shet.

Bigla niya kong sinabihang "d wag kala mo naman kagandahan" sabay alis.

Nanghiniyang ako ng pagkakataon na yun.

At habang nanghihinayang ako, ay biglang tumunog tong impaktang alarm ko.

*end of my dream*

Back to the topic tayo.

So ayun naligo na ako at pinrepare ang school uniform ko.

Nga pala ako si Grace, working student ako.

Scholar ako sa Yancy Academy. Isa sa mga sikat na school sa Pinas.

Nag papart time job ako sa isang mini grocery malapit sa school ko.

At ako'y nangungupahan lng sa boarding house ni tita Gina.

Maganda naman ang pakikitungo sakin dito ni tita kaso pag dating sa bayaran ng rent,tubig,kuryente ay nawawala ang pagiging tita niya sakin.

Kung tatanungin mo kung bakit ako nangungupahan at nag papart time job, ay dahil namatayan ako ng parents 3 years ago dahil sa car accident, nahulog ang sinasakyan nilang kotse sa bridge habang bumabyahe sila upang sunduin ako sa aking school.Tila binagsakan ako ng langit at lupa ng mabgyari yun. Araw araw kong sinisisi ang sarili ko kung bat sila namatay.

Wala na akong ibang kamag anak na malalapitan kundi si tita gina nlng.

Natapos na kong maligo at makapagprepare ng things ko for school.

Bumaba ako ng hagdan at agad akong niyaya ni tita na kumain muna ko bago pmsok.

Pag tapos ko kumain, agad na kong umalis ng bahay.

At nag tricycle papntang school.

Kasalukuyan ako nasa senior highschool magtatapos na this year.

Nang makarating ako sa room namen. Agad akong pmnta sa upuan ko at inilabas ang books na kailangan for our first subject.

Hay nako aral aral nanaman!

Katamad!

Kinakausap ko ang sarili ko dahil wla akong kausap.

Maya maya pa

"Oi oi oi"

sabay kalabit sakin nang paulit ulit.

Sino nman tong impaktong to ang aga aga nanggugulo.

Nakatilikod ako ng ginagawa niya iyon.

Nang nilingon ko nang may iritang iritang muka, si tristan pla un.

As usual ganyan naman lagi ginagawa niya e hahaha

Nga pala si Tristan isa siya sa mga kaibigan ko dito sa school. Palabiro at walang ginawa kundi tumawa.

Pano ba nman kasi lagi niya kong ginugulat sabay tatawanan ka hahahahaha baliw kasi tong mokong na to.

" ano nanaman ba??!!"

Iritang irita kong sagot.

"May knock knock ako!!"

Sagot niya

Agad napakunot ang ulo ko sabay sabing
"Pake ko?!"

Sabay talikod

Hindi niya ko tinigilan sa kakakulit hanggang mag "who's there" ako

So ayun pagbibigyan ko.
"Oo na!! Who's there?"

"SHEEP"

Sabi niya

"SHEEP WHO?"

Agad na sagot ko.

"Ay SHEEP!!"

Sabay kamot sa ulo niya.

ME-----> ̄︿ ̄

Ang korni korni tlga niya azar.

Natapos ang araw ko sa school ng maayos nman.

Agad akong dumeretso sa trabaho ko.

Agad akong nag check in at isinuot ang uniform ko para sa trabaho.

Habang nagtitinda, naboring ako kasi wla gaanong bumibili.

So umupo muna ako at naglikot ang mata ko,

*habang naglilikot ang mata ko

HAHAHAHHAH!!
HAHAHAHAHA!!

Tumatawa ako na parang baliw hahaha pano ba nman kase nakakita ako ng saksakan, nung bata kasi ako dahil sa sobrang panonood ng TOM and JERRY, nagawa kong kumuha ng bumbilya at isinaksak ang daliri ko sa saksakan dahil akala ko iilaw ung bumbilya hahaha! Ayun nanginig ako sa kuryente at nangitim ang daliri ko hahahaha!

Palakas ng palakas ang tawa ko at nagmumuka na kong baliw.

HAHAHAH!

D ko tlga mapigilan ang sarili ko pag naalala ko un.

"Pst!" "Psst" "Pssst"

Nagulat nlng ako at pinagtatawanan ako ng lalaking bibili.

O.o nagulat ako at nilapitan ang customer at tinanong kung anong bibilin

Pag kalapit ko o_O

tinuro turo ko siya at biglang...

O.o

Sana po nagustuhan niyo!! :)) yeaah hahahahah

I'll be posting the next chapter maybe tomorrow. :)))

Leave a comment please :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Diary ng TinderaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon