•CHAPTER 6•

285 18 4
                                    

Kieffer POV

Iniwan ko agad ang aking mga kaibigan sapagkat nawala sa aking isipan na puntahan sya sa kanilang silid.

Dali dali akong pumunta sa classroom nila. May nakakabanggaan ako pero hindi ko na iyon inaabalang pansinin sapagkat nagmamadali ako. Takbo lakad na ang ginagawa ko para mabilis kong mapuntahan sya.

Nang matahak ko ang kanilang classroom ay luminga linga ako para hanapin sya pero nabigo ako dahil kahit isang tao ay wala akong nakita.

Kaya dali dali naman akong pumunta sa parking lot baka doon sya naghihintay. Nang makapunta ako doon ay tama nga ako andoon sya sa gilid ng kotse ko nakatayo at halatang naghihintay talaga sa akin.

"Babe sorry". Bungad ko sa kanya at siniil sya ng halik.

"Saan ka galing??". Kunot noong tanong nya.

"Kumain lang kami ng mga kaibigan ko". Sagot ko.

"Kumain?? Eh ako tinanong mo ba kung kumain na ba ako?? Well,hindi ko na nagawang kumain dahil kakahintay sayo na nagbabaka sakaling sunduin mo ulit ako". Sarkastikong sabi nya.

Damn it! Kieffer...

Bakas sa mukha nya ang inis pero mababasa mo sa mga mata nya ang lungkot.

Ang tanga ko sa part na yung taong pinakamamahal ko nagawa ko pang hindi sunduin kanina.

"Sorry babe... kumain ka na ba??".

"Alangan namang mabusog ako ng walang kain kain".

'Oo nga naman! Tsk... kieffer umayos ka nga'

"Sorry na babe. Saan mo gustong kumain??". Tanong ko na may halong paglalambing.

"Kahit saan". Sagot nya at nagpaunang pumasok sa loob ng kotse.

Wala na akong nagawa kaya dumiretso na ako sa driver seat at bumaling sa kanya ng tingin.

"Babe sorry andame ko lang talagang inasikaso kaya hindi ko nagawang puntahan ka. Promise babawi ako sayo mamatay ka man".

"Anong sabi mo??". . Galit na may halong inis na tanong nya.

"Di joke lang babe mamahalin pa kaya kita. Sorry na babe".

" tsk! Oo na! Ikaw pa hinding hindi ka matitiis ng isang keanna esquavil". Natatawang aniya.

"Oo naman at alam ko naman yun babe na hinding hindi ako matitis ng isang keanna Esquavil----Asthrethea".Sabi ko at mabilis syang siniil ng halik at agad naman akong humiwalay at nakangiting humarap sa kanya.

"I love you babe". Usal ko at hinalikan sya sa noo.

" i love you too".. Sagot nya"tara na nagugutom na ako". Nakangusong sabi nya pa.

"Saan mo ba gustong kumain??". Tanong ko sa kanya.

"Kahit saan basta makakain lang". Sabi nya at nagmaneho naman agad ako.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing maglalambing sya sa akin hindi ako medyo nakakaramdam ng kilig at isa yun sa kinaiinisan ko.

Minsan naiisip ko na lang na baka sya lang ang kadapat dapat kiligin sa aming dalawa.

Maganda si keanna at sexy. Pero ang panget lang sa kanya ay ang pagiging selosa pero tanggap ko naman iyon dahil isa yun sa mga dahilan kung bakit ko sya minahal.

Maya maya pa ay huminto agad ako sa isang restaurant. Ang restaurant na ito ay nangangalang 'Sabores Mexicanos' na matatagpuan dito sa laguna.

Umikot ako papunta sa passenger seat at ibinaba si keanna. Naglakad kami papasok sa loob ng resto.

My Husband (ONGOING)Where stories live. Discover now