Chapter 2

297 20 0
                                    

—ALTHEA POV—

Kinabukasan nga ay agad na tumawag si Lawrence sakin, sinabi niya na may kung sino ang pumatay sa daddy niya. Para hindi halata ay nakiramay ako sa pamilya ni Lawrence.

“Salamat sa pagpunta.” malungkot na pagkakasabi ni Lawrence sakin.

“Kaibigan kita, kaya natural lang pupunta ako. Ano daw bang nangyari? Nahuli na ba kung sinong gumawa nito sa daddy mo?” malumanay na pagkakasabi ko.

“Nakita na lang daw na tadtad ng saksak at tama ng baril si Daddy sa isang madilim na bahagi ng parking lot. Hindi pa malaman ng mga pulis kung sino ang may gawa nito sakanya. Pero may nakita silang marka sa pisngi at katawan ni Daddy. Letter A.” sagot ni Lawrence.

“Ganun ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa daddy mo.” sarcastic kong pagkakasabi.

“Hindi kaya may lihim na galit ang gumawa nito sa daddy mo? Pero sa tingin ko naman napakabait ni Tito, kaya sino naman magiging kaalitan niya diba?” sambit ko.

“Hindi ko rin alam, pero yun din ang tinitignan ng mga pulis. Hindi kasi ako lumaki sa daddy ko kaya hindi ko pa siya ganun masyadong kakilala.” sagot naman ni Lawrence.

“Ok.” tipid na sagot ko, saka pasimpleng ngumiti.

——

Halos isang buwan matapos ang ginawa kong pagpatay ay nagsimula na naman ako humanap ng mga ibedensya na makapagtuturo sakin kung nasaan ang iba pang mga kasamahan ng pumatay sa mga pamilya ko.

Pauwe na ako galing sa hide out ko ng makabangaan ko sa paglalakad ang isang babae.
“Sorry.” mahinanon na pagkakasabi niya.

“It's ok. I'm sorry too.” nakangiting pagkakasabi ko.
“By the way, I'm Eunice.” pagpapakilala niya.

“I'm Althea.” sagot ko naman.
“Ngayon lang yata kita nakita dito sa subdivision. Are you new here?” tanong ni Eunice sakin.

“Ah, matagal na ako dito. Pero hindi kasi ako masyado lumalabas ng bahay.” sagot ko.

“Ah ganun ba. Ngayon lang kasi kita nakita, kaya akala ko bagong lipat ka lang.” nakangiting pagkakasabi ni Eunice.

“I have to go, let's meet some another time.” nakangiting pagkakasabi ko saka umalis.

—EUNICE POV—

“Sinong kausap mo?” seryosong tanong sakin ni Jio.

“A new friend.” nakangiting pagkakasabi ko.

“New friend. Bakit ganyan ka sa iba, samantalang sakin noon ang sungit mo tinatanong ko lang naman yung pangalan mo.” kunwareng nagtatampong tanong ni Jio.

“Selos ka naman? Kahit naman makipag kaibigan ako sa kanila. Ikaw parin naman mahal ko.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig kay Jio, agad naman ako hinagkan ni Jio sa pisngi.

—ALTHEA POV—

Nang makauwe ako sa bahay, agad nga ako tinawagan ni Stephanie.

“Alam mo bang kanina pa kita tinatawagan pero naka-off yata yang phone mo.” bungad ni Stephanie.

“I'm just kinda busy, pero bakit ka nga pala napatawag?” tanong ko.

“Wala lang, gusto lang kita kamustahin. Madalang kana lang kasi mag message sakin eh, kaya naisip ko na tawagan ka. Gaano ka ba kasi ka-busy?” sagot naman ni Stephanie.

“May mga inaasikaso lang ako kaya hindi ako makapag message sayo. Ok naman ako dito, eh ikaw? Kamusta ang love life mo with Jefferson?” sagot ko.

“Ah ganun ba, well ok naman din ako. Ok lang din kami ni Jefferson. Kinakamusta ka nga pala ni Mommy at Daddy, kailan ka daw uuwe dito.” sagot naman ni Stephanie.
“Kapag ok na. Uuwe din ako d'yan.”

——

Ang pagkikita nga namin ni Eunice sa subdivision ay nasundan pa ng magkita ulit kami sa isang coffee shop.

“Althea, right? It is good to see you.” nakangiting pagkakasabi ni Eunice.

“Yes, It's nice to see you too.” sagot ko naman.

“By the way, Althea, this is Jio my husband.” nakangiting pagpapakilala ni Eunice sa lalaking kasama niya.

“And Jio, she's my new friend Althea.” dagdag pa ni Eunice.
Ngumiti na lamang ako.

——

To make it short, Eunice and I became friends for some reason. She even invited me sa bahay nila.

“Mommy sino siya?” tanong ng isang batang lalake kay Eunice.

“Kaibigan siya ni Mommy, just call her Tita Althea.” nakangiting pagkakasabi ni Eunice.

Nang makita ko ang batang lalake ay 'di ko maiwasan na malungkot bigla ko naalala ang nakakabata kong kapatid na noon ay kasama ng mommy at daddy ko na pinatay din.

“Althea, are you ok?” tanong ni Eunice.

“I'm ok, naalala ko lang yung little brother ko. Ganyan edad siya noong pinatay siya.” malungkot na pagkakasabi ko.

A/N: If you want to know Eunice Delos Reyes-Ocampo,read “My Cousin is a Mafia Boss”

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon