❗Read at your own risk
Tahimik ang buong bahay at tanging si Krypto lang ang nagtitiyagang humiga sa kama habang ginagamit ang kanyang telepeno. Hindi niya alintana kung madilim ang paligid dahil nakatutok lang ang buong atensyon niya sa kanyang pagtitipa.
"Bakit ba ang bagal nilang sumagot? Nakakainis naman! Hindi naman mabagal ang wifi ngayon, " inis na sambit ni Krypto.
Saglit na ipinatong niya ang kanyang telepono sa gilid ng kama bago i-unat ang braso. Kinurap-kurap niya rin ang kanyang mga mata para luminaw ito dahil kanina pa siya walang tigil sa paggamit.
"Nakakainis naman ang mga gag*ng 'yon! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapasa sa akin 'yong sinasabi nilang hubad na katawan ng mga babae. Alam ko naman na maraming nagkalat ngayon subalit nanggaling pa sa pribadong site 'yon, " inis na sambit niya.
Nagtanggal siya ng pang-itaas na damit at basta na lang itong inihagis sa kung saan. Siya lang naman ang nag-iisang tao sa loob ng silid kaya't hindi na niya alintana na maghubad.
"Mga g*go! Pinapaasa lang ba nila ako sa mga litratong ipapasa nila? Ayusin lang nila, makakatikim sila sa'kin kung magkataon, " giit nito at bahagyang umupo bago muling kuhanin ang kanyang telepono.
Tumunog ang kanyang telepono at halos mapangiti siya sa mga nakikitang larawan. Hindi na niya mapigilan ang sarili at kaagad na nagtanggal ng pang-ibabang saplot.
"Ito ang sinasabi ko. Kung kanina pa nila ipinasa, mas maaga sana akong natuwa. Nakakaakit ang mga babaeng 'to, halos perpekto ang hubog ng kanilang mga katawan, " nasisiyahan niyang sambit.
Bahagya niya pang pinalakihan ang larawan hanggang sa malinaw nang nakikita ang hinaharap ng babae. Ang una niyang tinitignan ay isang amerikanang nakangiti at bahagyang nakahawak ang kanang kamay sa kaselanan habang ang kaliwa naman ay nasa bibig.
"Tang*na! Kapag nakaharap kita, sisiguruhin kong magiging akin ka. I-uungol mo ang pangalan ko, " nakangiti niyang sambit bago hawakan ang pagkalalaki niya.
Hindi na niya napigilang pasiyahan ang sarili gamit ang kanyang kamay. Pasalampak siya humiga sa kama at tinitigan ang puting kisame.
"Mukhang kailangan ko ng babae ngayon. Hindi ako makakatulog kung walang babaeng magpapaligaya sa'kin, " sambit niya habang patuloy pa rin sa ginagawang pagpapaligaya sa kanyang sarili.
Kaagad siyang tumayo at sinimulang pulutin ang kanyang mga saplot sa sahig. Isinuot niya ito bago kuhanin ang telepono sa kama at tuluyang lumabas sa kaswal niyang silid.
"Masyadong nakakabagot sa kuwarto ko. Kakaunti lang ang mga gamit at higit sa lahat, walang babae na magpapaligaya sa'kin, " giit ni Krypto bago bumaba ng hagdan.
Tahimik pa rin ang paligid at natitiyak niyang tulog na ang kanyang mga magulang, maging ang mga katulong nila. Hindi na siya nag-abalang buksan ang ilaw dahil mas magtatawag lang ito ng pansin at mahuhuli siyang lalabas ng bahay.
"Nararamdaman ko na matinding saya. Ang kailangan ko na lang hanapin ay susi ng kotse ni Tatay. Saan niya ba 'yon nilalagay?" bulong niya sa kanyang sarili.
Nagpalinga-linga siya sa paligid at lumapad ang kanyang ngiti dahil sa nakita. Nakapatong lang sa aparador ang ang susi kaya hindi na siya nahirapan sa paghahanap.
"Ito ang buhay. Ang sarap talagang maging bata, nagagawa ko ang lahat ng aking gugustuhin, " sambit ni Krypto bago tuluyang buksan ang pintuan ng kanilang bahay.
Akmang maglalakad na siya papunta sa sasakyan nang mapansin ang isang liham sa kanilang halamanan. Hindi niya sana ito papansinin subalit nagtatalo ang kanyang isipan at parang may kung ano rito.
"Nakakainis naman! Bakit ba pinalaki akong may pakialam sa mundo? Siguraduhin lang ng liham na 'to na may importanteng nilalaman, sinasayang niya ang oras ko, " inis niyang sambit.
Unti-unti niyang nilapitan ang liham at kaagad niya itong kinuha. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na buksan ang envelope para basahin ito.
"Kamusta, aking kaibigan? Batid kong pinapahalagahan mo ang iyong buhay kaya nais ko itong kuhanin. Palagi akong nasa tabi mo. Binabantayan ang mga bawat galaw mo." Basa niya rito at sa halip na makaramdam ng anumang takot ay inihagis niya na lang ang liham.
Inis siyang humakbang para pumunta sa kotse. Ang tanging nasa isipan niya lang ngayon ay ang mga magagandang babae na magpapainit sa gabi niya.
"Walang k'wentang liham, sinayang lang ang oras ko. Mas mabuting umalis na kaagad ako rito dahil baka may magising at maudlot ang lakad ko, " bulong niya at kaagad na binuksan ang pintuan ng kotse.
Akmang papasok na siya sa loob ng kotse subalit naramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. Sinubukan niyang sulyapan ang paligid subalit tanging kadiliman lang ang nakikita niya.
"Krypto, kung ano-ano na lang ang naiisip mo. Makaalis na nga, siguradong hinihintay na ako ng mga babaeng magpapaligaya sa'kin, " nakangiting sambit niya.
Tuluyan na niyang ipinaharurot ang sasakyan at madali niya naman itong nagawa dahil walang gate ang kanilang bahay.
Ang hindi alam ni Krypto ay kanina pa may nagmamasid sa kanya sa hindi kalayuan. Nakangiti ito ng nakakaloko bago pumasok sa sasakyan niya.
"Gaya ng sabi ko, hindi kita titigilan. Palagi akong nasa tabi mo. Binabantayan ang bawat galaw mo, " sambit niya at nag-iwan ng nakakalokong ngiti.
Pinaharurot nito ang sasakyan niya at agad na hinanap ang sasakyan ni Krypto. Sumusunod lang siya sa likod ng sasakyan nito para hindi gaanong mahalata na sumusunod siya.
"Sige lang bata, magpakasaya ka. Sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon, titiyakin kong magpapakilala ako sa'yo, " nakangiting sambit niya habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Tahimik na binabaybay ni Krypto ang madilim at tahimik na kalsada. Pasado-alas onse na rin ng gabi at bibihira na lang ang mga nagdaraang sasakyan sa kalsada.
"Hindi na ako makapaghintay. Siguradong nagkakatuwaan na naman ang mga gag*ng 'yon. Hindi man lamang nila ako niyaya, " bulong niya sa kanyang sarili.
Kaagad niyang ibinalik sa kalsada ang kanyang atensyon at napansin niyang kanina pa may sumusunod na sasakyan sa kotse niya. Ipagsasawalang-bahala na lang sana niya ngunit hindi talaga ito lumilihis ng daan.
"Sino naman ang taong 'yon? Sinusundan ba niya ako?" nagtatakang sambit niya.
Iniliko niya ang kanyang sasakyan sa isang kanto at do'n naisip na dumaan. Napangiti na lang siya nang mapansin na wala na ang sumusunod sa kanya.
"Akala mo ah? Hindi mo ako maiisahan pagdating sa pagmamaneho. Pinanganak akong likas na matalino, " pagmamalaking sambit niya.
Napangisi na lang ang lalaki sa ginawa ni Krypto. Hindi alam ng binata na planado niya ang lahat.
"Maligayang pagdating sa lugar na magiging huling hantungan mo. Sisiguraduhin kong masisiyahan ka, " nakakalokong sambit niya bago lumiko sa kantong tinahak kanina ni Krypto.
BINABASA MO ANG
Hunter's Mail ( COMPLETED)
Misteri / Thriller|COMPLETED | R18 | MATURE CONTENT| Ang buhay ng tao ang higit na mahalaga. Lahat ay nakahandang itaya para sa buhay na hinahangad nila. Ano ang gagawin mo kung may natatanggap kang hindi inaasahang liham? Paano ipagtatanggol ang iyong sarili sa ta...