His Birthday

1 0 0
                                    

So Chris really love kpop and kdrama. Hindi mawawala sa everyday routine niya ang panonood sakanila.

His birthday was just around the corner, And I already think of what gift I should give. A concert ticket and the latest version of lightstick ng twice.

Bago pa man maging kame fan na talaga siya. Actually nagpanggap pa nga akong fan ng twice para mapansin niya and luckily napansin nga niya ako.

I supported him sa pagkabaliw niya sakanila pati na sa ibang girl group. Kayalang minsan nakakaselos talaga dahil parang mas gusto pa niya yon makita kesa sakin. Mas may atensyon siya doon kesa sakin.

But eventually nasanay nalang ako at naintindihan ko na dapat hayaan ko siya sa gusto niya dahil girlfriend niya lang naman ako. I'm not saying it in a bad way. Natuto kase ako at mas gumanda ang relasyon namin. Nawala din ang selos ko.

Dahil bukod sakin at sa kpop crushes niya wala na siyang ibang babae kinakausap dahil mahiyain siya at introvert. Ganun na siya bata pa lang kame kaya wala talaga akong problema sa babae sakanya.

Ang problema ko lang ay ang ugali niya. Kung ano ang nasa isip niya yun na talaga yon! Final na, hindi na mababago. Iiyak kana lang talaga minsan pag salunggat ang gusto niya sa gusto mo, na mandalas mangyari samin.

Dumating ang araw bago ang birthday niya sinabi ko sakanya na magdadate kame sa MOA hindi siya pumayag! E ako na matigas ang ulo pinilit ko. Pumunta ako ng MOA ng magisa at sinabi kong. "Andito na ko, San kana" Nagbakasakali ako na magbabago ang isip niya dahil mahihiya siya sakin kase ang layo ng binyahe ko. Pero ang loko! Sineen lang ako at hindi talaga pinuntahan! Umabot ako ng alas dies ng gabi don kakahintay sakanya pero hindi talaga sumipot!

Nagalit ako sakanya at nagtampo. Saktong umulan pa nung pauwi na ko eh wala pa naman akong dalang payong. Ang ending umuwi ako sa condo ko ng basa.

Pagpasok ko sa loob naabutan ko siya sa sofa nanonood ng kdrama. Lalo akong nainis! Grabe walang puso!

Padabog kong sinara ang pinto. Napalingon siya at agad na tumayo. Tumingin ako sa mukha niya at mas lalo lang akong nainis dahil parang wala lang sakanya ang nangyari sakin. Tinulungan niya kong mag hubad ng sapatos pero sinapa ko lang ang kamay niya.

Hindi talaga ako nananakit ng tao physically dahil hindi maganda sa pakiramdam ang makasakit. Ngayon ko lang siya ginantihan ng pisikal at nagsisi agad ako pero hindi ko pinahalata.

"Tabi" Malamig na sabi ko nang subukan niyang kunin ang bag ko.

"Akin na" Mas Malamig na sabi niya. Chris being himself walang kung anong ekspreyon ang muka niya lagi naman ganon yon pero napaiyak ako ngayon.

"Damn you" Nanginig ang boses ko ng sabihin ko yon. Muka lang walang epekto sakanya yon pero alam kong natamaan siya Don deep inside. Hindi lang talaga expressive ang pogi niyang muka.

Fuck seriously?! Galit ka sakanya tas pinuri mo pa! Baliw na baliw tol?

Binilisan ko ang lakad ko papuntang kwarto para kumuha ng damit at towel.
Sunod ay pumunta na ako sa banyo.

Habang nagliligo ay napapaluha ako dahil sa Inis sakanya. Plano ko pa naman na saktong twelve ng gabi ko sakanya ibibigay yung regalo ko. Pero dahil masama ang loob ko sakanya ibibigay ko yon sakanya ng Galit ako. What a memorable birthday for him.

Natapos ako sa pagligo at maga ang matang nag skincare routine. Natawa nalang ako sa kadramahan ko.

Parang biglang nawala ang inis ko kay Chris dahil sa mukha ko. Sobrang laughtrip ng mukha ko tangina.

Pigil ang ngiti akong lumabas ng banyo. Sa sala naman ay naghihintay si Chris na matapos ako.

Binilisan ko ang pagbihis para masakto pa ng alas dose ang pabigay ko sakanya. Limang minuto bago mag alas dose. Tumayo muna ako sa harap ng pinto para mag hintay ng Limang minuto. Nang mag 11:59 na ay lumabas na ako. Hawak ang paperbag at cake dahan dahan akong naglakad para hindi mahulog ang cake.

Nang makita niya ako ay kumanta na ako. " Happy birthday to you... Happy birthday to you.. Happy... Birthday... My love... Happy birthday to you..." Ngumiti ako nang makalapit ako sakanya. "Make a wish..."Pumikit siya at Ngumiti pinagsaklop ang kamay."Blow the job" nakangising sabi ko. Pero walang paring reaksyon ang loko.

"Thank you... Did you just prank me or what" Kinuha niya ng cake at nilapag yon sa coffee table. Tinago ko muna ang paper bag sa likod ko.

"Galit talaga ako kanina. Pero dahil mahal kita at patay na patay ako sayo. Pinatawad agad kita. Isa pa birthday mo" Tinagilid niya ang ulo niya halatang duda sa sinabi ko.

"I'm sorry then" Tumayo siya at pumunta sa kusina para kumuha ng tinidor.

"Bat isa lang?" Tanong ko dahil isang tinidor lang ang Kinuha niya.

"Tinatamad akong maghugas" Sabi niya at nagsimula ng kumain. Sinusubuan niya tuloy ako.

"Here" Tinapat ko sa mukha niya ang paper bag.

"Hmm.." Kinuha niya yon at Tumingin muna sakin bago buksan.

"Oy gago seryoso to" Natawa ako sa reaksyon niya. Magkaiba kase sa sinabi niya ang reaksyon niya.

"Nagustuhan mo?" Nakangiting tanong ko. Binitawan niya yon tsaka yung tinidor. Humarap siya sakin at marahas na hinablot ang balikat ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Thank you... I'm really sorry for today" Sinserong sabi niya. I'm happy that he's happy. Yun lang naman talaga okay na ko. "I know you know me... But still I'm sorry. I may look like nothing but I'm really happy to be with you...i feel contented and high" Ramdam ko ang pisngi niya kaya alam kong nakangiti siya ngayon.

"hahaha dami mo namang sinabi. Kiss lang okay na" Asar ko sakanya. "Bitaw na nangangalay nako" Tinapik ko ng mahina ang likod niya.

Pero imbis na humiwalay sakin ay dinaganan niya ko at napahiga kami sa sofa. "Wow speed" Natatawang sabi ko. Natawa rin siya at dahan dahang nilapit ang mukha sa mukha ko.

Pumikit ako at nag hintay ng himala. Sa noo ko lang naramdaman ang halik niya.
"Silly girl" Sabi niya tsaka umalis na sa ibabaw ko. Mabilis akong bumangon para batukan siya ng mahina.

"Nananakit kana ngayon ah" Asar niya.

"Ewan ko sayo baliw!" Ganti ko.

Buong gabi hanggang madaling araw ay nagasaran kami. Hanggang sa makatulog kami sa sofa.

The end--------

To make a relationship healthy and strong you both need to know and understand each other. Yung tipong pag nag away kayo ay aakalain ng iba na hiwalayan na ang sagot pero ang sagot niyo doon ay space at understanding. I'm not an expert in love but I can say that trust and respect is the superior thing you must have in order to be happy and contented ^-^



My boyfriend is a kpop addict(One shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon