Work of fiction
Do not take it seriously."Remember me, always"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko dahil sa boses na iyon. Napatingin ako sa orasan at nakita kung mag aalasingko na ng umaga. Malamig pa ang hangin ngunit tagaktak na ang pawis sa noo ko.
Bumuntong hininga ako at agad na inaalala ang napanaginipan ko. It seems so real. Na para bang nandon talaga ako.
Matagal ko nang napapanaginipan ang ganon. Minsan nga nadede javu pa ako dahil may part sa panaginip ko na iyon ang nagkatotoo.
But the thing is, ngayon ko lang napanaginipan ang pagkamatay ng lalaki na iyon. I think his name is Jhon Amser, or short for Jam? Hindi ko alam kung bakit nasa subconcious mind ko ang pangalan na iyan. I don't know any Jhon Amser. At ang weird dahil di ko kaagad natatandaan ang mukha niya. Kahit ilang beses ko na siyang napanaginipan.
Pero tama naman ang pangalan ko sa panaginip ko na iyon. I am Jinkz Isabelle.
Umiling iling ako at agad nalang naghanda para pumasok sa school. I did my usual routine at off to go na ako.
Pagkarating ko ng paaralan agad akong sinalubong ng kaibigan kung si Pria. Actually we have a big circle, but Pria is my home friend. At kahit may boyfriend yan, di parin yan nawawalan ng time sa akin, or sa amin. Such a great fam.
"Ji! Goodmorning!" She greeted me with a smile o her face kaya ganun rin ako. Tinignan ko naman ang jowa niya na si Alex na nasa gilid niya at tumango ito sa akin kaya sinalutan ko lang.
Umupo na ako sa tabi ni Pria at agad dumada. Nagkwento siya kung saang mall na naman sila nag date ni Alex and such.
"OH MY GOSH!"
Napatingin ako sa pintuan dahil sa ipit na sigaw ng mga kaklase ko. At doon ko nakita na may pumasok na isang lalaki na matangkad at naka black long sleeves.
"Hala? Pumasok siya?" Narinig kung tanong ni Alex.
"Malamang babe. Kita mung nandyan diba?" Sagot ni Pria sa kanya.
"Ikaw talaga babe, binabara mo ako palagi." Alex.
Napangiwi nalang ako dahil sa ka cheesy-han nilang dalawa. Pero di ko matanggal ang tingin ko sa lalaking yun na ngayon ay naka upo na.
"Pria, sino yan?"
Lumaki naman ang mga mata ni Pria at maarteng napatakip ng bibig. "Really Ji? Di mo siya kilala?"
"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"
"Ay truth! Well. Siya si Jude"
Halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa pagkunot ng noo ko habang tinitignan ang lalaking naka itim.
"Hoy. Kanina mo pa siya tinitignan ha. Crush mo ano?" Agad akong napatingin kay Pria dahil sa sinabi niya. Inirapan ko lang siya at inilingan.
"Transferee ba natin yan?"
"Ay loka ka talaga. Hindi nu!"
"Eh, bakit ngayon lang yan pumasok? One month na ang nakalipas since the opening of classes di ko yan na kita, ever.."
Napasandal nalang ako sa upuan ko at nilagay ang palad ng kamay ko sa aking pisnge upang mag isip kung nakita ko na ba ang lalaking yan o hindi pa.
"Ay truth! Once a week lang yata yan pumapasok eh. At kapag pumapasok naman siya, absent ka namang loka-loka ka."
Agad niya akong binatukan kaya binatukan ko rin siya pabalik. Akala mo ha!