I tied my hair at pumasok sa fence, ready na akong manghuli ng uulamin. My eyes were fixated on one chicken, malusog! Ikaw na ang kakainin ko hahahaha!! I was laughing evilly on my mind ng sinimulan ko nang hulihin ang manok. He was super fast kaya naman ay nagkadapa dapa ako habang hinuhuli siya. Plus I smell like the poop of the chickens kasi naman! I'm hungry pagbigyan niyo na po ako at nang makahuli ng isang manok para gawing tinola. Lord wag niyo naman sana ako pahirapan! I prayed to god, at sinimulan ko na ang pag wre-wrestling sa mga manok.
The chicken ran to the corner so I trapped him. Yum! Foodie, naglalaway na talaga ako. I grabbed the chicken forcefully, nagwawala na lahat ng manok sa hawla ng mahuli ko ang munting kaibigan nila. I was smiling wickedly habang tangan tangan ko ang manok. Sa wakas may ulam narin ako mwahahaha! When a voice stopped me.
"What are you doing to Gabby?" He sounds quite angry. Gabby who? Napatingin naman siya sa hawak hawak kong manok. The chicken? May pangalan tong manok na ito? Kinuha niya mula saakin si 'Gabby' at ibinalik sa hawla. Napapaluha nalang ako, goodbye tinolang manok huhuhuhu.
"Alaga mo yun?" I asked, pero sinungitan nia lang ako. I was about to follow him ng bigla nalang siyang nawala sa aking paningin. Saan kaya nagpunta yun? Weird!
So hindi ko pala pwedeng ulamin ang mga manok anong kakainin ko? Send help! Upon walking I stumbled into a garden. Yasss lots of vegetables pwede na ito. Kinuha ka naman ang ampalaya, siguro magnanakaw nalang ako ng itlog mamaya. Kinuha ko ang ampalaya ang good thing walang Raguel na biglang sumulpot para agawin ang ampalaya gaya ng ginawa niya sa manok.
Malaki nga ang bahay wala namang stove, wala ring ref, as in?? Marmol naman siya at hinid gawa sa kahoy ang sahig pero di talaga kompleto ang kagamitan.Itinabi ko muna ang mga ampalaya at nagtungo sa kakahuyan, ito ata ang sinasabi ni Raguel na kakahuyan. I was busy picking up dry twigs ng makarating ako sa may sapa. The water was clear as a crystal! Hindi ko alam na meron pa palang ganito akala ko lahat ng sapa sa pilipinas ay polluted na.
Nakakainganyong maligo ang sarap kasing tingnan ng tubig. I went to drink some water and cool! Mas masarap pa to kesa mineral water, manamisnamis kasi yung tubig. Should I go skinny dipping? Wala naman kasing ka tao tao dito. Mukha namang safe, napalingon lingon ako sa paligid para masigurong walang tao. Malamang ghorl! Ilang milya kaya ang nilakad mo para makarating dito at isang haunted house pa ang madadatnan mo epal ng utak ko. Dali dali kong hinubad lahat ng damit ko at naligo na sa ilog. Ambaho ko na pala kakahuli ng manok na hindi naman pwedeng kainin! I was enjoying myself, kinakanta ko pa ang igiling-igiling habang nag kukoskos ng mga libag, nang may narinig akong mga yabag ng paa. May tao? Putspa! Anong gagawin ko? Feel na feel ko pa naman ang pag kukuskos ko dito. Agad akong lumubog sa tubig para itago ang hubad kong katawan. Ini-ahon ko ang ulo ko parang secret agent lang sa pelikula para tignan kung sino ang dumating. Nabato ako ng magtama ang mata namin, yang napaka among mukha na yan nakakalusaw. Jusko! Tuksooo~~ Layuan mo ako!!~~
I saw Raguel napalunok ako at nataranta. Nakita kong napakunot ang noo niya ng makit niya ang mga damit ko. I got flustered nang makita kong isa isa niya iyong tinignan at kinuha.Muntikan na akong mahimatay when he lifted my panties at wirdo itong tinignan. Ngayon lang ba ito nakakita ng panty? Jusmeyo marimar! When his eyes landed on me napasigaw nalang ako, "Ahhhh!! Hoy i-ibaba m-mo yan!" I can feel my cheeks burning. Inilapag niya nalang ito na parang wala lang at nagsimula ng maglakad papaalis. Hiyang hiya talaga ako sa sarili ko. Ba-bakit ba kasi niya ginawa yun?!
God this is embarrassing! Dali dali akong umahon at sinuot ang damit ko useless para parin akong basang sisiw. Kinuha ko ang kinulekta ko na tuyong kahoy at umuwi na sa creeping bahay ni Raguel. I was humming while walking in the forest at mukhang malapit ng magdilim. Pero dahil sa kabobohan ko hindi ko na alam kung saang parte na ako ng kagubatan naglalakad. Wala naman kasing palatandaan puro puno lang naman ang nakikita ko.
Naririnig ko ang mga huni ng ibon sa mga kahoy na parang inaasar pa ako dahil hindi na ako makauwi. Diyos ko po, ito na ba talaga ang buhay ko? "Hoot, hoot, hoot." Tunog ng isang kwago na tinitignan ako. "Ano? Mang aasar ka kasi hindi na ako makabalik? Eh kung gawin kitang barbeque diyang kwago ka?" Sabi ko habang dinuduro duro ko siya ng kahoy. Lumipad naman papaalis ang kwago pero hindi ko alam kung bakit may biglang pumatak sa ulo ko.
I went to touch my hair and eww!! Dinumihan ako ng langgam na may malaking mata. Di nagtagal ay kumalimlim ang kalangitan. The sun was able to set and here I am in the middle of nowhere. What a day talaga! Mabilis akong naglakad habang hinahanap ang daan papauwi ng biglang kumidlat. Hindi naman ako takot sa kidlat pero tingin ko ay may umaambang pag ulan and I can't stay here!
Dali dali akong kumilos pero mas lalo pa ata akong naligaw. Biglang lumakas ang ihip ng hangin at dumagondong ang napakalakas na kulog. Iniinis ata ako ng tadhana. The next thing I knew it was raining hard at hindi ko na makita kita ang daan. I was so scarred, my stomach is already grumbling asking for food pero wala talaga akong maibigay. I feel so fucked up!
Para akong tanga na nag lalakad dito, "Aww." I yelped in pain ng matisod ako. I know hindi naman ako ganito katanga pero as in zero visibility na ang nakikita ko. Not long when was walking biglang kumidlat at tinamaan mismo ang kahoy na nasa harap ko. I was frozen! The heck? Mamamatay na ba ako dito? I couldn't even move an inch, my feet were glued on the ground. I was effing shocked because of what happened! The burning tree fell in front of me but it wasn't able to hit me.
I just watched it falling, hindi ako nakagalaw. My knees turned wobbly as I fell on the ground shaking. Little did I know I was asking for help. "Please help me!" "P-please h-help." I was badly crying. "R-Ravael." I was calling for my husbands name countless times. "Ravael." How dumb I was? Walang tutulong saakin there is no Ravael to help me anymore.
There I lost hope. I was sobbing waiting for someone to help me. Gusto ko mang tumayo but I can't feel my legs para siyang namanhid at nanghina. Pinunasan ko ang luha ako tho hindi naman iyon makikita kasi umuulan parin. I was waiting for my death when a hand was lend on me.
Inangat ko ang mukha ko, "Y-you're here." I uttered. He just smiled and then he started to carry me."Ravael."
BINABASA MO ANG
Fallen
FantasyLosing everything was painful for Vanya, her husband just died in a plane crash. She was kicked out of her own house. She has nowhere to go to until he found Raguel. A man who was the exact replica of his husband. Little did she know that Raguel has...