Pera Lang Ba?

0 0 0
                                    

"Mr. Yu, pasensya na po. Php700,000 pesos na po ang naiipong bill para sa treatment ng anak nyo. Kailangan po nating makaipon pa ng PHP1.4M para sa darating nyang operasyon. Hangga't hindi po mabayaran ang utang ninyo, hindi po natin maitutuloy ang treatment nya."

Ito ang mga katagang sinabi ng nurse kay Dwayne na nakaupo malapit sa kama ng kanyang anak na si KC.

"Babayaran ko ito ngayong araw." sabi nya sa nurse.

"Naku, tawagan nyo na po ang misis nyo at ititigil na po namin ang gamot kung wala pa ring bayad mamayang hapon", sagot sa kanya ng nurse.

Hindi naniniwala ang nurse na makakapagbayad si Dwayne sa laki ng utang nito. Sinong magtataka kung pati ang asawa nyang si Tanya ay walang bilib sa kanya?

Lahat yata ng gastusin nitong nakaraang taon ay si Tanya rin ang sumagot. Kahit sino yatang naging asawa nya ay ganito kahirap na buhay ang kahihinatnan. Napakawalang kwenta ang tingin kay Dwayne ng karamihan.

Pagkalabas ng nurse, dito na makikita ang labis na pag-aalala ni Dwayne para sa anak nya.

Saan nga ba sya kukuha ng mahigit dalawang milyon?

Nagastos na nilang mag-asawa ang lahat ng pera nila para gumaling si KC. Nakautang na rin sila sa lahat ng taong kilala nila na pwedeng mautangan.

Ibang klaseng pagkamiserable ang naramdaman ni Dwayne habang hinahaplos ang mukha ni KC. Three years old pa lang ito pero anlaki na ng ipinayat nito simula ng magkasakit.

"Naniningil na ba talaga sila?" Nagtanong si Tanya pagpasok nya ng pinto.

Napakaganda ni Tanya. Bagama't nagkaanak na ay kitang kita pa rin ang magandang hubog ng katawan. Sa tangkad na 5'7" talagang lumulutang ang kanyang matangos na ilong, namumulang mga labi, at ang kinis ng kanyang kutis.

"Oo, hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan ko." Ito ang tungo ni Dwayne. Sabay napasunod ang tingin nya sa lalaking nasa likod ni Tanya.

Ito si Mel Tan, nasa thirties nya. Kita sa kanya ang pagmamalaki sa kanyang mga narating.

Kilala sya ni Dwayne. Sales manager sya sa Delta Electronics at boss naman ni Tanya. Si Tanya ay saleswoman dito samantalang si Dwayne ay isang pipitsuging security guard sa parehang kumpanya.

Alam ni Mel na kasal na si Tanya pero hindi nya mapigilan ang pagnanasa rito.

Dahil hindi pa naman sumosobra si Mel. Sinasawalang bahala muna ito ni Dwayne.

"Php2.1M yon, Dwayne! Sino namang makakapagpautang sa'yo non?", mapanlait na tanong ni Tanya.

Bago magkasakit si KC, lubos ang paniniwala ni Tanya sa "power of true love". Pero nitong nakaraang taon, nagbago na ang pakikitungo nya sa asawa. Sa hirap ng buhay, walang kwenta ang true love na yan.

Nanahimik na lamang si Dwayne. Marami syang kaibigan pero wala ni isa dito ang mayaman. Nautangan nya na nga ata halos lahat ng mga ito.

"Tanya, hayaan mo na ko magbayad. It's just a small amount of money for me." sabi ni Mel na nakataas ang kilay kay Dwayne.

"Hindi ko kayang gawin yan." Kahit kailangan nila ng pera, alam ni Tanya na hindi gagawin ito ni Mel nang walang kapalit.

"Concerned din naman ako kay KC. Let me pay for it.", nakangiting sinabi ni Mel.

"Di mo kailangang maconcern kay KC. Umalis ka na dito." galit na sabat ni Dwayne. Alam nya ang gustong mangyari ni Mel.

"Hindi mo ba kailangan ng pera?!" sagot naman ni Mel na may halong pang-iinis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Don't Know You AnymoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon