[A/N: First story ko po ito =) Sana po magustuhan niyo ^^ This is dedicated to me, ahm gumagawa lang ako ng sarili kong love story ... meron kasi akong minahal noon ngayon wala na siya sakin ... siguro yung naudlot naming love story ay dito ko na lang itutuloy sa ginawa kong ito ... siguro dito na lang kami magkakatuluyan at magiging forever ... ENJOY READING !!! :-)]
-
"Rain of Love ('Til They Take my heart away)"
by: Hearthrob26
[Jeremy's POV]
"'Wag mong hawakan ang kamay ko.. Pinagtitinginan tayo ng mga tao.." Halos pabulong na sabi ni Ela sa akin. Simula ng dumating ang magulang niya ay lagi na lang siyang curious sa mga matang nakatingin sa amin. Ayaw sa akin ng papa ni Ela pero yung mama niya ok lang kaya yung mama ni Ela ay walang magawa sa kagustuhan ng papa ni Ela. Dati-rati naman ay wala siyang pakialam. Siya pa nga ang madalas na humawak sa mga kamay ko kahit na sa harap ng maraming tao. Ngayon, ay may takot sa kanyang mga mata na ngayon ko lang nakita sa kanya.
"Jeremy! Ano ba?!" Sinigawan niya ako nang makalagpas na kami sa kumpol ng mga estudyanteng nasa tapat ng gate. Hinila niya pabalik ang kamay niya at tinignan ako ng masama.
"Halika, punta muna tayo ng mall." Sabi ko sa kanya sabay akmang hahawakan ko ulit ang kamay niya.
"Tama na Jeremy! Ayoko na! Alam na nila ang tungkol sa'tin." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Sumeryoso ang tingin ko sa kanya at sabay sabing, "Oh 'di okay. At least, wala na mangungulit pang manligaw sayo dahil alam na nilang tayo." Tapos nginitian ko siya. Nag-lakad na ako at nakapagtatakang sumunod naman siya sa akin.
"Jeremy ayaw sayo ng papa ko.." Mahina niyang sabi. Maya-maya ay tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya.
"Ayaw ko din naman sa papa mo eh.. 'Di ako pumapatol sa matanda lalo na sa lalaki pa Ela. At saka hindi ako bading at saka isa pa, ikaw lang ang loves ko.." Ngumiti ako sa kanya na natawa ng konte at hinawakan ko ulit ang kamay niya. "Tara punta na tayo ng mall.. Libre kita ng fries.. Tapos mag-laro tayo ng arcade.. 'Diba magaling ka sa.." Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko kaso, bigla naman siyang sumigaw.
"Ano ba Jeremy! Ayoko na! Maghiwalay na tayo!" Sigaw niya sa akin. Napatigil ako sa sinabi niya dahil nagulat ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na ang kinatatakutan kong sabihin niya. Ayoko, ayokong mag-hiwalay kami..
"Ah.. Edi sige.. U.. Uuwi na 'ko.. Kita na lang tayo bukas. I love you.." Hinalikan ko siya sa pisngi at pagkatapos ay nag-lakad na palayo. Ayokong ipakita sa kanya na nahihirapan ako, ayokong makita niya ang muntikang mga luhang hindi na mapigilan pa sa pag-patak.
Mahal na mahal kita Ela.. Kaya kong balewalain ang lahat ng sakit para lang sayo at sa mga kagustuhan mo. Kaya kong tiisin ang lahat para sayo. Ikaw lang ang una at huling babaeng mamahalin ko. Pangako.
-
Kahit na sinabi na sa akin ni Ela na ayaw sa akin ng papa niya ay hindi pa rin ako titigil sa pagpapakita sa kanya na mahal ko siya. Hindi ako makikipag-hiwalay sa kanya dahil hindi ko kaya. Hindi ko siya kayang mawala sa akin.
Tinext ko siya kinaumagahan. The usual thing I do before getting up every morning..
To: Bibigurl Ela <3
Good morning Bibigurl. =)
To: Bibigurl Ela <3
I miss you :-(. Kita na lang tayo sa school ha?
BINABASA MO ANG
Rain of Love ('Til they take my heart away) [One part long story]
Non-FictionMakakaya mo bang mag-hintay sa iyong minamahal? Kahit anong mangyari hihintayin mo ba ang iyong mahal? Basahin ang naiibang kwento ng pag-ibig na ito ... dahil ang mainipin ay makakayang mapag-hintay dahil sa pagmamahal. Dahil sabi nga nila love is...