Chapter 4

178 15 1
                                    

—ALTHEA POV—

—3weeks later—

Kasalukuyan akong nasa Casino upang abangan ang pagdating ni Arthur at Gregorio. Nang bigla ko makita si Hector.

“Ayos ba 'tong porma ko?” nakangising tanong niya sakin.
Aminado naman ako na gwapo talaga si Hector at may makisig na pangangatawan pero hindi ko talaga siya gusto. At sobrang naiinis ako sakanya.

“Anong ginagawa mo dito?” inis na tanong ko kay Hector.

“Para may look out ka. Isa pa, hindi mo kabisado ang ugali niyan ni Arthur at Gregorio. Pasalamat kana lang sakin kasi kahit lagi mo 'ko pinagbabantaan na papatayin mo 'ko andito parin ako sa tabi mo.

“Magaling kang mang-hack diba?” nakangiting pagkakasabi ko.

“Expert ako d'yan bakit?” agad naman na sagot ni Hector.

“I-hack mo ang CCTV sa buong Hotel at Casino na 'to ng walang nakakapansin. Maya maya sisimulan ko na ang plano ko.

“Yun lang pala eh, no problem.” nakangiting sagot ni Hector.

Ilang sandali pa ay nakita ko na nga sa loob ng Casino ang target ko na si Arthur. Pero wala si Gregorio.

“Bakit siya lang yung nandito?” tanong ko kay Hector.

“Baka nag go-golf. Mahilig din kasi sa sports si Gregorio.” sagot naman ni Hector.

Maya maya pa ay inayos ko na ang sarili ko. Papunta na san ako sa kinaroroonan ni Arthur ng makita ko si Lawrence.

“Althea? Anong ginagawa mo dito? Kailangan ka pa natuto mag casino?” nagtatakang tanong sakin ni Lawrence.

“Ah sinamahan ko lang yung boyfriend ko.” pagsisinungaling ko sabay hila kay Hector.

“Boyfriend? Seryoso? Akala ko ba hindi ka naniniwala sa romantic relationship. Kaya nga hindi kita nililigawan eh. Tapos may boyfriend kana?” nagtatakang pagkasabi ni Lawrence.

“I mean, boy friend. Kaibigang lalake.” agad na sagot ko.

“Ah akala ko, boyfriend talaga.” natatawang pagkakasabi ni Lawrence.

“Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“May ime-meet lang ako, friend ng daddy ko.” nakangiting pagkakasabi niya.

“Ok.” tipid na sagot.

Ilang sandali pa ay nakita kong paalis na sa kina-uupuan niya si Arthur kaya agad akong nagpaalam kay Lawrence.

“By the way, magre-rest room lang ako.” pagsisinungaling ko.

“Ok, take your time.” sagot naman ni Lawrence.

Agad ko nga sinundan si Arthur hanggang sa makarating kami sa isang pasilyo na wala masyadong tao.

“Hi, can I ask a favor?” mapang akit na tanong ko kay Arthur.

Tinitigan ako ni Arthur mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay ngumisi siya sakin bago siya nagsalita.

“Yes miss beautiful, how can I help you?” nakangising tanong niya.
“Medyo nahihilo na kasi ako. Hindi ko mabuksan yung room ko.” pagsisinungaling ko.

“Saan ba ang room mo?” tanong niya.

“Sa room 306.” sagot ko at umarteng kunware ay nahihilo.

Agad nga kinuha sakin ni Arthur ang susi ng hotel room ko. Nang mabuksan ito ay agad akong inalalayan ni Arthur na makapasok sa loob ng room ko.

Inutusan ko siyang i-lock ang pinto, hindi siya nagtaka kung bakit at agad naman niya ni-lock ito.

Nakangising siyang pinagmamasdan ako.

Nangmakalingat siya ay mabilis kong kinuha ang kutsilyo sa ilalim ng unan ko  at agad na sinaksak sa leeg niya pagkatapos ay agad ko 'tong binunot. Parang gripong sumisirit ang dugo sa leeg ni Arthur. Hindi pa ako nakuntento at pinutol ko ang dalawang braso niya gamit samurai, binaril ko ng limang beses ang ulo niya hanggang sa magkalat sa sahig ang utak niya. Pagkatapos ay minarkahan ko ng letrang A ang hita niya gamit ang blade.

Nang matapos kong gawin yun ay ka-agad din akong lumabas ng kwarto.
Saka ako dumiretso sa parking lot kung saan nag iintay si Hector.

——

“Good Job.” nakangising bati ni Hector ng sumakay ako ng kotse.
Pagkatapos ay dumiretso kami sa Cassa Dollente kung saan nag iintay si Jio.

<Cassa Dollente>

“Anong balita?” agad na tanong ni Jio.

“Sa tingin ko ay nagkita na si Arthur at si Satanas.” nakangising pagkakasabi ko.

Agad naman ako inabutan ng Wine ni Hector.

“2 out of 10.” nakangising pagkakasabi ko.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon