—ALTHEA POV—
4AM na ng makauwe ako sa condo unit ko, nagulat nalang ako ng makita ko si Stephanie sa condo unit unit ko.
“Surprise!” masayang pagkakasabi ni Stephanie.“Anong ginagawa mo dito?” nagtatakang tanong ko.
“Nagbabakasyon? Teka bakit parang 'di ka naman yata masaya na nandito ako.” sagot ni Stephanie.
“Hindi ka man lang nagsabi na uuwe ka, edi sana nasundo kita sa airport.” seryosong pagkakasabi ko.
“Eh gusto nga kasi kita i-surprise. Akala ko naman matutuwa ka na nandito ako pero parang hindi naman.” malungkot na pagkakasabi ni Stephanie.
Agad naman ako lumapit sakanya.
“Of course, I'm happy to see you.” nakangiting pagkakasabi ko kay Stephanie saka siya niyakap.
——
Kinabusakan....
Nagising ako dahil sa sunod sunod na pang ring ng phone ko. Nang tignan ko ito, nakita ko ang mga message ni Lawrence. Nakikipag kita siya sakin sa lugar kung saan madalas kami mag meet up.
Agad nga ako umalis at nakipag kita kay Lawrence.
“Hi, anong meron at nakipag meet ka?” bungad ko.
“May gusto lang kasi ako itanong sayo.” seryosong pagkakasabi ni Lawrence.
“Tungkol saan?” seryosong sagot ko.
“Tungkol sa nangyari kagabi sa Casino. Bigla ka kasi nawala matapos may makitang bangkay sa isang hotel room doon.” seryosong pagkakasabi ni Lawrence.
“So, anong gusto mong palabasin ngayon? Gusto mo bang itanong sakin kung may kinalaman ako?” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Meron nga ba?” agad naman na sagot ni Lawrence.
“Are you kidding me?” natatawa kong pagkasabi.
“May nakitang marka sa katawan ni Tito Arthur, katulad yun ng markang nakita kay Daddy. Kaya sa tingin ko iisa lang ang pumatay sa kanila. Letter A, initial name ng serial killer na pumatay sa kanila. Hindi ba't Althea ka.” seryosong pagkakasabi ni Lawrence.
“Yan lang ba ang evidence mo para sabihin sakin na ako nga ang pumatay sa daddy mo at sa tito Arthur mo? Kasi kung Oo, kahit sampahan mo pa ako ng kasong murder at kahit kumuha ka ng magaling na abugado, hindi ka mananalo.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Lawrence, hindi lang ako may initial na A sa pangalan. Hindi ba't Angelo Lawrence ang totoo mong pangalan? Baka naman ikaw ang pumatay sa sariling mong ama maging sa kaibigan ng daddy mo.” nakangising pagkakasabi ko.
Nakita ko ang tila panlilisik ng mata ni Lawrence ng mga sandaling yun dahil sa galit.
“Bawiin mo yang sinabi mo. Dahil hindi ko magagawa yun sa sarili kong ama.” nanggigigil niyang pagkasabi at mabilis na tinutukan ako ng baril.
“Sige, iputok mo. Barilin mo 'ko. Patayin mo yung taong lagi nasa tabi mo kapag may problema ka.” sarcastic na pagkakasabi ko.
Nanginginig ang mga kamay ni Lawrence habang unti unti niyang binababa ang baril na hawak niya saka siya napaluhod.
Agad ko pinulot sa lupa ang baril na nabitawan niya binalot ko sa panyo ang kamay ko, saka ko binaril sa ulo si Lawrence pagkatapos ay pinahawak ko sakanya ang baril niya.
Iniwan ko rin ang suicide note sa bulsa ng jacket niya, nakasaad doon na siya ang pumatay sa sarili niyang ama at sa kaibigan nito na si Arthur.
Pagkatapos ay agad din akong umalis.——
“Ibig mong sabihin pati yung anak ni Rodolfo na kaibigan mo pinatay mo rin?” gulat na reaction ni Hector ng magkwento ako sakanya.
“Anak siya ng isa sa pumatay sa pamilya ko. Wala akong ititira sa kanila. Dalhi hanggat nabubuhay sila, hindi rin mawawala sa alaala ko ang sinapit ng pamilya ko.” seryosong pagkakasabi ko.
“Kaya hindi ako titigil hanggat 'di sila nauubos.” dagdag ko pa.
—2weeks later—
After nila Rodolfo, Arthur at Lawrence. Ang naging next target ko naman ay si Gregorio.
BINABASA MO ANG
Althea's Revenge
AcciónAtlhea's family was brutally killed when she was six years old. After 22years, she's back to take revenge. Will she succeed?