Nastea's POV
sa tingin ko parang may nangyayari na hindi ko alam. yung parang out of this world ka. btw. hanggang ngayon tinitignan ko ang mga kilos ni mhyko at nakita ko eh lagi syang pagod at wala sa mood nitong mga nakaraang araw. parang hindi syang mhyko na kilaa namin na laging masaya at energetic. hay ewan! yan kasi ang favor saken ni trish. ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanila... hanggang ngayon nakikisama pa rin ako kay mason at claire pero feeling ko hindi si claire ang hinahanap namin. dahil yan kasi sa stupid na bracelet na yan!. nagsasayang ata kami ng oras. kailangan ko gumawa ng next move... makatulog nga muna ako...
Mhyko's POV
"haayyy!! napagod ako sa training ko kanina kay miguel.."
pagpasok sa kwarto ko.
"huh?! bakit andito si nastea? "
lumapit ako sa kanya.
hay! ang ganda-ganda talaga ng love ko...<3
ilalapit ko sana ang mukha ko sa mukha nya na---
"Vic...tor..." sabi ni nastea
"hanggang ngayon ba, sya pa rin ang nasa isip mo? don't worry. ibabalik ko ang lahat sa dati at maaayos natin lahat ang mundong ito at ang witch world" - sabi ko
Issabelle's POV
pagkatapos ng insidenteng noon, pumunta na kami ni mama sa isang boarding house namin sa tagaytay, sabi ni mama hindi daw ako makakapasok sa school, magbabakasyon lang daw muna kami, si mama bigla na lang syang nag-iba, sabi nya wag ko daw kokontakin ang mga kaibigan ko.bawal din ako lumabas ng bahay at ang tingin nya sa akin ay kakaiba. parang hindi "nanay" ang kasama ko dito sa bahay. lalo pa ako nagdududa sa mga kinikilos ni mama, pagbaba ko galing sa kwarto ko para kumuha ng pagkain sa ref at may kinakausap si mama sa telepono.
"oo nasa kwarto sya, natutulog."
"wag kang mag alala, hindi ko hahayahang umalis sa paningin ko."
"soon you see her soon. pero tandaan mo yung kapalit na gusto ko."- sabi ni mama
lumabas na ako sa pinagtataguan ko
"ma, sino yang kausap mo?"
halatang nagulat si mama at agad nyang binaba yung phone. "oh anak, andyan ka pala"
"ma, sino yung kausap mo?"
"ah, wala yun, bakit hindi ka pa natutulog? gabi na ah, may lakad pa tayo sa susunod ng mga araw"
"lakad? uuwi na po ba tayo?"
"eh, hindi pa"
"eh pano po yung school?"
"hayaan mo na muna yang eskwelahan na yan"
"hindi po ba natin sasabihan si miguel sa lakad natin?"
"sinong miguel?"
"si miguel capopez po, mama ano pong nangyayari sa inyo? gusto nyo po ako na po ang magsasabi sa kanya?" tapos aabutin ko sana yung phone nang biglang nyang hinablot
"hindi! wag!"- sigaw ni mama
"huh? bakit naman po?"
"a-ako na ang magsasabi sa kanya, siga na umakyat ka na at matulog."
"sige po..." - sabi ko habang paakyat ng hagdan.
- SCHOOL -
"ms. sanvictores, how many times do I have to tell you that sleeping in my class is probihited!"
naku naman oh, ngayon pa nadetention, epal kasi...
"ms. sanvictores, why are you still doing here? "
oh! ambilis mawala ng mga estudyate ah.
"proceed to room 402 for your detention."
"ok po mr.clark"
soo.dumeretso ako sa room 402, ang weird ng hallway dahil walang tao,super tahimik at teka 3:21 pm pa lang pero madilm sa labas..pagkapunta ko sa room 402 bigla akong niyakap ni...
ni miguel, teka na-detention ba din sya?
"thank goodness, you're okay "- sabi nya
"huyy! hindi ako makahinga!" tinangal ko yung pagkakayakap nya sa akin. " OA ka naman mag react"- sabi ko
at nakita ko si mhyko na papalapit sa amin
" hi mhyko" bati ko sa kanya
"andito pala kayong dalawa, miguel, bilisan mo ang pagtatanong mo, meron na lang tayong 4 minutes" sabi ni mhyko
nagulat ako nang hinawakan ni miguel ang magkabilang kong balikat "issa , kailangan mo aalahanin kung nasaan ka ngayon" sabi nya
"huh?,anung nasaan ako? nandito ako sa school"
"no, I mean. saan ka galing bago ka nakapunta dito sa school?"
"teka! wala naman ako sa school infact nagbabakasyon ako kasama si mama,pero bakit ako nakapunta dito sa school" sabi ko
"exactly! issa, listen to me nananaginip ka lang,pero kailangan mong sabihin sa akin kung nasaan ka ngayon" sabi ni miguel
sinabi ko sa kanya ang hitsura at details ng boarding house namin ni mama.
" saan yun miguel?" tanong ni mhyko
"I know where it is" sabi ni miguel
"miguel, ang weird ni mama, hindi nya akong pinalalabas ng bahay tapos kinuha nya yung phone ko. miguel anong nangyayari" pagsusumbong ko kay miguel
"miguel, one minute." warning ni mhyko
"issabelle, makinig ka sa akin, paggising mo, idikit mo ito sa pinto at sa mga bintana mo, kahit anung mangyari wag na wag kang lalabas ng kwarto mo okay?" sabi ni miguel tapos binigay nya sa akin ang mga maliliit na papel na may simbolo.
"I see you soon" sabi ni miguel
"teka miguel anong nangyay---"
at nagdilim ang paningin ko
------------------------------
at nagising ako, nandito ako sa kwarto ko. ibig sabihin panaginip lang pala yun!
(A/N: hayy! naku issabelle.. ang engot mo.. kasasabi palang ni miguel na nananaginip ka lang tapos sasabihin mo panaginip pala yun.. naku!!>_<.. pasensya na po kayo readers ah.. masyado kasi engot si issa -_- ok back to story!)
at sa pagkakatayo ko may hawak akong maliliit na papel na may simbolo at natandaan ko ang sinabi ni miguel at may naririnig akong mga footsteps sa baba.
"teka nasaan ba yung scotch--AYUN!"
at dali-dali kong idinikit ang mga papel sa pinto at sa mga bintana ko
"bilisan nyo na! kunin nyo si issabelle sa itaas!" sabi ng lalake
"alam ko andyan ka, kaya kung ayaw mong masaktan, sumama ka sa amin" sabi naman ng lalake 2
<BOOOGGGSSHHHH!!>
sinipa nya yung pintuan.
"ahh! may spell hindi akong makakapasok!" sabi ni lalake 2
"damn!, akala ko ba hindi marunong mag cast ng spell ang babaeng ito! tawagin mo si janus sa baba, dali!"
sabi ni lalake 1
"miguel,mhyko tulungan nyo ako, natatakot ako" naiiyak na sabi ko
-to be continued- :)
-End Of Chapter 12-
sorry po ah. dahil hindi ako nakapag update noong weekend. gomen !
well. thank you sa mga nagbasa at nagbabasa at magbabasa pa lang ng story ko.. kung medyo corny nga lang.. huhuhuhu! again! arigato! (thank you!)
BINABASA MO ANG
Alternate Universe (complete)
Teen Fictionmeet issabelle, a girl living a boring and invisible life. but her life changed because of a dream. a dream in where she met... the blackstars. they are not your ordinary teenagers. they have extraordinary powers. issabelle is one of them... but s...