+Kabanata 1+

1 1 0
                                    

+Pagpapahiya+

"Sorry Lyca, hindi ko naman intensiyon na mag-away kayo ni Dangelo" naiiyak na paliwanag ng dalaga habang binubuhusan ng mga iba't ibang inumin ng grupo ng mayayamang bully sa paaralang iyon.

Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa loob ng cafeteria. Nagkumpolan ang mga istudyante habang pinapanood ang pangbubully ng isa sa mga anak ng may ari ng paaralan na si Lyca. Naisin man ng iba na awatin ito ay mas lamang sa kanila ang takot na baka patalsikin sa paaralan o ang maging target ng mga ito. Kung ano anong pagkain at inumin ang nasa katawan ng istudyanteng napagdiskitahan ng mga anak ng may ari ng paaralan.

"You're such a slut! How dare you to flirt with my boyfriend!" Isang panibagong malakas na sampal ang tumama sa mukha ng babaeng nakaupo sa sahig habang nakayuko at di makatingin dahil sa matinding hiya.

Tanging hikbi lang ang nagawa ng kaawa awang babae habang tinatanggap ang pananakit ng mga ito sa kanya. Mas pinili niya nalang ang tumahimik at iiyak ang sakit na kanyang nararamdaman. Wala siyang ibang magagawa kundi ang tanggapin ang lahat ng yun'.

"Listen everyone! This b*tch is a slut so you better watch your boyfriend bago niya agawin sa inyo" Maraming bulong bulongan ang naririnig ng dalaga sa paligid at tanging hiling lang niya ay ang makaalis sa lugar na yun' ora mismo.

May ibang naawa sa kalagayan niya pero walang ni isang sumubok na tulungan siya. May iba ding kinukuhaan siya ng mga pictures habang tuwang tuwa sa sinapit niya.

"Yan ang bagay sayo! Saktan mo pa yan girl hindi pa sapat yung ginawa mo sa panlalanding ginawa niya sa boyfriend mo" sulsol ng kaibigan nitong si Ysabelle habang may hawak na camera na nakatutok sa kaawa awang dalaga.

Aktong sasampalin na ulit ni Lyca ang kawawang dalaga. Pero may isang kamay ang pumigil dito at tinignan siya nito ng diretso sa mata. Nagulat ang mga istudyanteng na nasa paligid dahil sa pagsulpot ng isang babaeng nakauniporme at pinigilan ang masamang balak ni Lyca. Napaawang lang bibig ni Lyca dahil sa pagsulpot ng di kilalang babae. Maging ang grupo nito at ang mga istudyanteng nasa paligid ay gulat na gulat dahil may naglakas loob na pigilan si Lyca.

Nanatiling nakaawang ang labi habang tinitignan ni Lyca ang babaeng biglang dumating mula sa kung saan. Habang pinupulot nito ang mga gamit na nagkalat sa maruming sahig. Marahas na hinablot ni Lyca ang kamay ng dalaga at sinadyang ibaon ang mahaba niyang kuko sa braso nito pero wala ni anong sinyales ang makikita sa mukha nito na nasasaktan. Mas lalong diniinan niya ang pagbaon ng kuko sa braso ngunit nanatili pa rin itong kalmado habang nakatingin sa kanya. Ramdam na niya ang madulas at basang likido sa kamay niya pero wala man lang nagbago sa ekspresiyon ng dalaga.

Dahil sa matinding pagbaon ng kuko ay dumugo ang braso nito at kusang dumaloy hanggang makaabot sa daliri nito at tumulo sa sahig. Blankong tinignan ng dalaga ang sariling dugo na pumapatak mula sa kamay niya. Mabilis na inalis ni Lyca ang kuko sa pagkakabaon ng makita niya ang dugo na unti unting bumabalot sa buong kamay nito.

"Kilala mo ba ako? Im-" bulyaw nito na agad na pinutol ng dalaga.

"Lyca Kassandra Garcia, may 50 percent share ang pamilya mo sa paaralang ito at isa ang pamilya niyo sa may pinakakilalang hotel sa bansa" Walang emosyon na sabi nito.

"Kung ganon kilala mo na pala ako? At alam mo na din kung sinong kinakalaban mo?" Mataray na sabi niyo at ngising tumingin sa dalaga.

"Oo kilala kita. Sobrang kilala" blankong sagot nito.

Ngumisi si Lyca at maarteng nilagay ang buhok sa likod ng tenga na siya ding ginaya ng mga kagrupo niyang nasa likod.

"Isang anak mayaman na walang laman ang utak. Tanging pera nalang ang dahilan kung bakit nakakapasa taon taon. Isang spoiled brat at walang ibang alam kundi ang manghinge ng pera sa magulang at waldasin para sa party at shopping. Sa madaling salita walang kang kwenta" Dugtong ng dalaga saka tinulungang makatayo ang kaninang istudyanteng napagdiskitahan ng grupo nila Lyca.

Naging malakas ang bulong bulongan at napahiyang tumingin si Lyca sa paligid dahil sa sinabi ng dalaga.

"Sino ka ba sa akala mo para kalabanin ako?" Matapang na tanong ni Lyca pero mapapansin ang tono ng kanyang pananalita ang pag-aalanganin dahil sa unang pagkakataon ay napahiya siya.

Lumapit ang dalaga kay Lyca at marahang napaatras si Lyca dahil sa narinig niya mula sa dalaga.

"Handa mo bang ibuwis ang buhay mo para malaman kong sino ako?" Bulong nito sa kanyang tenga na nagpatindig sa balahibo niya at hindi niya maipagkaila sa sarili ang takot na kanyang nararamdaman.

Mabilis na tinalikuran ni Lyca  at nagmartsa papapalayo sa lugar na iyon at mabilis din naman siyang sinundan ng mga kaibigan niya. Hindi niya lubos akalain na may isang taong maglalakas loob na ipahiya siya sa harap ng maraming tao.

Binalingan ng tingin ng dalaga ang istudyanteng nakaupo pa rin sa sahig at patuloy pa rin sa panginginig dahil sa takot. Inangat nito ang tingin sa kanya at makikita sa mata nito ang matinding lungkot at konsensiya.

"Gagawin nila sa'yo ang ginagawa nila sa'kin. Sorry kase dahil sa'kin mapapahamak ka" bahagya itong yumuko at pansin sa mga balikat niya ang paggalaw at indikasyon ng paghikbi.

Pinatayo niya ito at inalalayan para makatayo ng matuwid dahil nanginginig ang tuhod nito.

"H'wag kang mag-alala simula ngayon wala ng mananakit sayo Justine" Nagtatakang tumingin si Justine sa dalaga animo'y nagtataka kung paano nalaman ng isang estrahera ang isang  tulad niya.

"May suot kang ID" maikli nitong sagot dahil alam nitong nagtataka si Justine kung bakit kilala niya ito. Tumango lang si Justine at tinanggap ang sagot nito sa kanya.

"Bago ka dito, hindi ba?" Tanging tango lang ang sinagot nito saka pinulot ang bag sa sahig.

"Ahh... Anong pangalan mo? Wala ka kasing suot na ID kaya-" nag-aalalangan na tanong ni Justine na mabilis na pinutol ng dalaga.

"Mania. Mania Grace Sison" sagot nito.

The Murder's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon