Prologue

167 17 9
                                    

Prolouge

"Dalian mo, Alli! Kapag tayo hindi umabot, ililibre mo talaga kami,"  mariing sabi ni Lind habang mabilis na naglalakad at hindi inaalis ang mahigpit na pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"'Wag mo kasi akong hilahin, parang mauubos ang suwelas ng sapatos ko sa'yo eh," sabi ko sabay tapik sa kamay niyang nakahawak sa akin.

Napansin kong bahagyang bumagal ang paglakad niya kaya napanatag ako.

Atat na atat siyang pumunta ng gymnasium, hindi para maglaro kundi para sumilay sa mga varsity players. They're having a meeting for the upcoming sports event in our district.

And since I am a part of the journalism club, I was assigned to jot down information and collect photos for the University paper. At nang malaman ni Lind na pupunta ako roon, nag desisyon na siyang hindi um-attend ng klase niya ngayong hapon at iniwan si Rio at Thorrie roon.

Pagkapasok namin sa gymnasium ay nagsasalita na si Coach. Pumwesto kami ni Lind sa ikalawang row sa likod ng mga basketball players. Ilang minuto pang nagsalita si Coach bago niya inanyayahan ang officers ng sports club at ang mga players na kakatawan sa bawat sports ba mayroon ang school.

"I'm requesting the presence of the sports club's officers and the representatives," he said authoritatively.

Kasabay ng pagtayo ng ilan ay tumayo na rin ako at nagpaalam kay Lind. Napatingin ang ilan sa akin, marahil ay inakala nilang isa rin akong representative.

When I arrived near the court's barrier and the seats, I saw my other club mates. Iniayos ko ang camera sa anggulong kita ang bawat atletang tinatawag ni Coach.

"Tyron Valderama," tawag ni Coach sa Captain ng soccer team sanhi upang magkaroon ng sigawan mula sa mga nanunuod.

Fan girls.

Inayos ko ang camera at ng makuntento sa anggulo nito ay agad ko siyang kinuhanan ng litrato. Tatlong litrato ang nakuha ko bago muling tinawag ni Coach ang iba pa na siyang agad ko ring kinuhanan ng litrato.

"Darth Fuentes," Coach called my cousin, he's the captain of the baseball team.

I saw him walking from his sit towards the middle of the court where he stood just beside  Tyron. Hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong reaksyon, hindi na talaga siya nagbago.

Napailing na lang ako sa naisip ko bago muling itinuon ang atensyon sa pagpi-picture.

Ilan pa ang tinawag ni Coach kaya't naisipan kong tingnan kung maayos ba ang mga picture na nakuha ko. Kumawala ang isang maliit na ngiti sa aking labi ng makuntento sa aking nakita.

But I was shocked when I hear screams from those girls that are watching upstairs. It was louder than the screams and cheers I heard for the previous athletes.

"Haiden Podresa." Napa-angat ang tingin ko ng marinig ang pangalang binaggit ni Coach.

A guy wearing an orange printed-shirt, pair of white jersey shorts and gray Nike shoes. Mayroon pa siyang headband na kulang black na humawi sa buhok niyang maaaring humarang sa kanyang mukha. I can now see his  aquiline nose, his perfect jaw, a pair of gray eyes and his kissable lips.

Out of a sudden, I felt my heart beating fast. It was like everything around us moves slowly and only the two of us are here.

Gosh, I can't take my eyes off of him. He's really handsome!

I just stared at him at watch every step and movements of him but again, I was surprised when his eyes met mine, my system is panicking…

Kitang-kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Dali-dali kong ini-iwas ang tingin ko sa kanya at tumikhim para pakalmahin ang sarili.

Napayuko ako dahil ramdam ko ang pangi-nginit ng pisngi ko. Kung ano-ano pang pumapasok sa isip, nakakahiya…

Nabalik ako sa realidad ng sikuhin ako ni Jaimee, kaya't napalingon ako sa kanya.

"Hoy! Na-picture-an mo ba? Tinitigan mo lang ata eh!" tanong niya sa akin na may halong pang-aasar.

Then realization hit me, kaya nagmadali akong ini-ayos ang camera na hawak ko at ipinwesto para kuhanan siya ng litrato.

After adjusting the lens and looking for the best angle of him I clicked the shutter button twice. Hindi ko na muling hinayaang magtama ang aming tingin kaya't mabilis kong ibinaba ang camera at tiningnan ang mga picture.

Tila may nagbara sa aking lalamunan ng makita ang kanyang mukhang aking nakuhanan, he's really something.

Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinititigan ang mukha niya mula sa screen ng camera. Ngunit napa-angat ang aking tingin ng  may humarang sa liwanag ng ilaw na mula sa itaas ng gymnasium.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo roon. Nagsalubong ang aming tingin bago siya nagsalita.

"I am handsome, right?"

@ellavendel

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon