Chapter 1

129 11 14
                                    


Chapter 1

It's been months since that scene in the gymnasium happens, madalas ko pa rin siyang nakikita pero ipinagpapasalamat kong hindi kami nagkakasalubong at nagkakausap.

Ramdam ko pa rin ang hiya hanggang ngayon dahil halos lahat ay nakita ang nangyaring paglapit sa akin ni Haiden. The other players even teased us like we're done sort of a couple.

And hindi lang 'yon, his fan girls are glaring at me whenever we crossed ways. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin, matagal na akong nailibing.

That is also the reason why I created a dummy account where I can freely like react or even comment on his posts without them knowing that it's me. Ayoko na ng karagdagan pang issue sa buhay, nakakasakit lalo sa utak.

Ngunit may mga pagkakataong hindi rin ako makuntento sa patingin-tingin sa mga posts niya, minsan ay nanonood ako ng practice game nila nang hindi pinahahalata sa iba pang naroroon.

"Aren't you going to buy your food, Alli?" Rio asked.

It is already lunch break and the four of us are now in the cafeteria. Nauna ng bumili ng pagkain si Lind at Thorran, kaya't naiwan kami dito ni Rio. Malamang ay may pinag-uusapan sila kanina at sadyang hindi ko lang narinig dahil busy ako sa pag-che-check ng accounts ni Haiden.

"I'm not hungry," I simply answered and focused on scrolling.

Narinig ko pa ang pagdaing ni Rio na sana daw pala ay nagpabili na lang siya kay Lind at Thorran para hindi na siya pipila. Hindi ko na narinig ang iba niya pang sinasabi dahil naagaw ng isang post sa page na Revellion Secret Files ang aking aking atensyon.

Revellion Secret Files
33 minutes ago

"HAIDEN JAYTEN PODRESA, THE CAPTAIN OF REVELLION TIGERS CAUGHT KISSING THE MAYOR'S DAUGHTER, LEI AVIONE VENTURA.

2.5k reacts | 1.7k comments | 873 shares

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang mabasa ko 'yon. I suddenly want to be mad at him na kunwari ay may care siya sa feelings ko. Napabuntong hininga na lamang ako at napailing.

I was about to turn off my phone when someone snatched it away from me. Sinundan ko ng tingin kung sino mang pashnea ang dumagdag sa pagka-inis ko.

Si Thorran, ang baklang 'to talaga!

"Ay 'teh, kaya pala ganyan ang nguso niyang si Alli. Nabasa pala ako swiss miss tungkol sa kanyang crushie," wika ni Thorran gamit ang nanunuyang tono.

"'Yung sa anak ba ni Mayor? Ay pak, nagselos 'ata ang walang karapatan," natatawang sabi ni Lind at nakipag-apir pa kay Thorran.

"True, bakit kasi hindi ka na lang doon kay Zack. Fafa din naman 'yon," nakangising sang-ayon ni Thorran sabay about sa akin ng cellphone ko.

Napairap na lang ako at hindi na nagsalita pa dahil alam kong marami na namang masasabi ang mga 'to. Kapag sa tsismis napaka dami nilang say pero kapag nag recitation parang mga walang dila. 'Tsaka ayoko ng madagdagan ang mga pamimilit nila sa akin na patulan si Zack.

"Ay, sis, mataray. Umiirap si Allidaire Ysobel, chakang 'to," puna ulit ni Thorran na tinawanan naman ni Lind.

Imbis na mainis ay kinuha ko na lang ang fries niyang wala pang bawas at 'yon ang kinain dahil hindi nga pala ako bumili ng lunch.

"'Teh baki-" hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng magsalita ako dahil nakutuban ko na kung anong sasabihin niya.

"Shh, 'wag kang maingay at kumain ka na lang d'yan. Bayad mo na 'to sa pang-iinis mo pa lalo sa akin," simpleng sagot ko sabay subo ng fries.

His Best Angle (Angle Duology Book 1) | ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon