Kabanata 36

709 12 44
                                    

Kabanata 36

Delivery

"I'm still your fiancé, Ash. Hindi tayo naghiwalay!" Umigting ang panga niya.

Sumandal ako sa headboard ng kama ko habang siya naman ay nakaupo sa dulo ng kama at magkasalubong ang kilay. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan. Wtf? So ano? In three years, hindi ko alam na fiancé ko parin pala siya?

"Hindi ka ba galit? Ha? Sa akin?" Nagsalubong ang kilay ko. Iniwan ko siya nang walang pasabi, kahit pa na nangako ako sa kanya.

He looked away. Napalunok naman ako. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya ngayon. Hindi siya umimik. Ang bigat ng dibdib ko ngayon. Umaapaw ang halo-halong emosyon.

"Eli," I sighed. "Hindi mo ba naiisip na lagi tayong pinaghihiwalay?"

He looked at me. He's hurting, I know. "Susuko ka na ba? Ayaw mo na?"

Napalunok ulit ako nang marinig ko ang sinabi niya. Susuko na nga ba ako? Pakakawalan ko na ba siya? Napailing ako sa loob-loob ko. Hindi ko alam. Nakayanan kong wala siya nang ilang taon, pero makitang ganito siya? Namumula ang mga mata niya. I saw him wiping his tears. Damn, hindi ko kaya.

"I can't stay mad at you, baby. But you're hurting me big time.." Mahina niyang sabi. I want to tell him that I'm hurting too. All these years, I blamed myself.

My tears fell as I looked at him in his eyes. Tahimik ang paligid at ang mabigat na paghinga lang namin ang maririnig bukod sa iilang insekto dito sa labas.

"Don't leave me again, baby. Don't break your promise for the second time.." Lumapit siya sa akin at yumakap.

Wala akong masabi. Hinayaan ko siyang yakapin ako nang mahigpit habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Naririnig ko kung gaano kabilis ang pagtibok ng puso niya. Para ba ito sa akin? Kasi kung oo, gano'n din ang puso ko para sa kanya.

"I'm anxious, Eli. Ayokong masaktan ulit nang grabe. Pagod na pagod na ako.." My lips are quivering.

Dapat ba akong mapanatag? This is making me anxious. Habang tumatagal, nago-overthink ako lalo. Paano kung may mangyari nanaman na hindi maganda? Kakayanin ko ba?

"Mahal na mahal kita, Ash. Sobra." He pulled away and cupped my face using both of his hands. "I understand why you left me. It's reasonable, okay? But this time, we'll make this relationship work. Baby?"

He wiped my wet cheeks. Nangingibabaw ang pag-asa sa puso ko. Gusto kong umasa ulit, na magiging maayos na rin ang lahat. Sana wala nang humadlang pa.

Marahan akong tumango. Hinila niya ulit ako para sa isang yakap. Hindi ako kampante. Walang kasiguraduhan na magiging maayos nga ang lahat.

*

It's a rainy Sunday morning, hawak ko ang mug na may lamang hot chocolate. It's my first day of my period, so I decided to relax here at home. Malakas ang ulan sa labas habang nagso-scroll lang ako sa IG ko. Kita ko ang mga posts ng dati kong mga kaklase. Ang iba sa kanila, successful sa buhay at may anak na. I wonder if Jaja's still here. Maybe she's in the same company with me amd living her life to the fullest while she still can.

Patuloy lang ako sa pagscroll hanggang sa nakita ko ang isang naka-multiple post ni Tak na photo nila ni Elijah. Nakasandal sila sa sa glass railings at mukhang nasa mansyon sila. They're both wearing costumes, si Tak ay ninja habang cowboy naman si Eli. Sa pangalawang photo ay nakasakay sila sa likod ng pick-up. Ang pangatlo naman ay ang childhood photo nila. Sa sobrang cute nila ay natawa na lang ako. Eli looks foreign with his light brown hair. Habang si Tak naman, sobrang singkit ng mata.

Elijah (Vonriego Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon