Monday na naman ngayon. Kainis!! At late na naman akong gumising.
Nakita kong nagtatakbuhan ang mga kapatid ko sa kusina. Nag-aagawan ng tinapay. Ang ingay-ingay na naman nila. Nakakabadtrip!
Nakita ko namang nagluluto si Mama ng pritong isda. Isda na naman. Araw-araw walang palya, isda ang ulam namin.
Si Papa naman nasa dining area, nagbabasa ng dyaryo tapos hihigop ng kape tapos babalik ulit sa pagbabasa. Kapag naubos na yung kape niya saka pa siya tatayo at papasok sa trabaho.
Hindi nalang ako nag-agahan. Kinuha ko ang backpack ko sa kwarto at agad na lumabas ng bahay.
*
7:11 a.m.?
Nakng! Lagi nalang! Takbo-lakad na nga yung ginawa ko tapos late parin?
Every 10 minutes humihinto dito sa sakayan ang bus na dumadaan sa school na pinapasukan ko. Along the highway lang ang school ko. 20 minutes ang biyahe kung bus at 30 min naman kung tricycle.
At heto na naman ako sa halos araw-araw kung ginagawa tuwing maghihintay sa bus, nakasandal sa poste ng ilaw habang nakasaksak ang earphones sa tenga.
"RIO!! OMG RIO MY LABS!"
*Sigh*
Kahit naka-full volume pa ang music ng cellphone ko, rinig na rinig ko parin ang sigaw na may kasamang tili ni Lindy.
Si Lindy, yung babaeng nakakarindi ang boses. Classmate ko siya since nursery hanggang ngayong 4th year highschool. Magkababata, magkapitbahay at magbestfriends rin kami. Para narin nga kaming magkapatid dahil magkamukha na raw kami.
Tinanggal niya ang earphones sa tenga ko at kumapit sa braso ko.
"Na-miss mo ba 'ko Rio my labs? Kasi ako, miss na miss na miss raise to infinity and beyond ang pagkamiss ko sa 'yo" sabi niya tapos nagpout pa.
Tumayo yata yung mga balahibo ko nang tiningnan ko siya.
"Baliw! Kahapon lang tayo huling nagkita kaya hindi kita mami-miss. At hindi kita kailan man mami-miss--" sabi ko sabay tanggal sa kamay niyang nakakapit sa 'kin.
Bumusina naman ng malakas yung paparating na bus kaya hindi siguro niya narinig yung dugtong ng sinabi ko.
Padabog siyang sumakay ng bus at umupo sa may unahan. Pagsakay ko naman, wala ng mauupuan at puno na sa unahan kaya no choice ako kundi standing position dito sa likuran kung saan uso ang talbugan.
Nakng bus naman oh!
*
"Wow Mr. Rio The Great! Ang galing talaga ng talent mo. Ang galing galing! Eksaktong 7:40 ka nakapasok ng classroom oh. Hanga talaga ako sa 'yo. Blah blah blah"
Ang dami pang sinabi si ma'am. Actually kabisado ko nga ang litanya niya. Eh araw-araw ako nali-late, so araw-araw rin siyang naglilitanya.
Si Lindy naman dumeretso yata sa SSG office nung nakapasok siya sa school, nauna kasi siyang bumaba ng bus kaya 'di ko siya nakasabay.
Wala namang bago sa araw na 'to. Puro discussion lang tapos recess tapos discussion ulit tapos lunchbreak tapos discussion blah blah nakakaantok at nakakasawa.
Nakakasawa? Oo nakakasawa! Sawang-sawa na 'ko sa buhay ko. Araw-araw walang pagbabago. Araw-araw parehas lang ang mga pangyayari. Araw-araw sila lang ang mga karakter ng storya ko.
Biro lang. Hindi ako magsasawa sa buhay kong 'to.
Wala akong pakialam kung hindi ako makakain ng mainit na tinapay sa umaga. Nag-aagawan sa umpisa yung tatlo kong kapatid pero natitigil rin naman dahil binibigay ko sa kanila yung para sa akin. Nababadtrip lang naman ako dahil alam naman nilang madami pa tapos nag-aagawan parin.