A/N: Maraming salamat sa mga nagbabasa at sumusubaybay sa aking kuwento. Sobrang pasasalamat ko sa mga readers na nailagay na sa kanilang library o kaya reading list ang kuwentong ito. Salamat din ulit kay AnaDumaguete sa pag-vote. Salamat spicehotgirl25! Salamat rin kay Joycerafol30! Ayos lang pong mag-comment! :)
...Di ako makapaniwala sa mga sinabi ni Seth kagabi. May topak ba lahat ng members ng M6? Requirement ba nila yun para makasali sa grupo? Dapat bipolar para maging part ka? Lahat sila may mga saltik. Pero hindi ko pa rin maitatanggi gusto ko pa rin si Seth. He is strong but can still be very gentle. But what can I do he feels that I'm too perfect for him? Perfect nga ba ako? Bakit ba sila ganyan?
"Hey your mind is drifting far away. Saan na narating mo?"asar ni Sam. Hay naku! Sinundo nga pala ako ni Don Juan aka Sam. "Ha? Wala iniisip ko lang kung kailan matatapos itong pagpapanggap natin?" sagot ko. "Matatapos lang kapag napaniwala na natin sina Jet at Paul. Mahirap kumbinsihin ang mga yun eh." sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan. "Ah okay. Paano pala natin gagawin ung break-up scene?" tanong ko. "Artista ka diba? Ang magaling na artista hindi na kailangan ng script. The words will come out naturally especially if you imbibe the role." mapang-asar na sagot. "Ayoko masyadong i-feel ang role. Mahirap na." pabulong kong sagot. "Mahirap na ano? Mahirap na tuluyan kang mahulog sa akin?" sabi niya na nakatingin sa aking mata tapos kumindat pa. Piningot ko naman siya. "Aray! Sadista ka pala? You know hindi naman malabong mahulog ka sa akin ng tuluyan eh." pang-aasar pa niya. Di ko na lang siya pinansin. Ayokong patulan ang mga tulad niya. Tumingin na lang ako sa bintana.
Maya-maya habang nakatigil ang sasakyan dahil pula ang ilaw sa traffic light, kinuha niya ang kaliwang kamay ko. Pilit ko hinahatak pabalik pero masyado siyang malakas. Hinalikan niya ang kamay. Na ikinagulat ko. "Don't worry Celest. I won't let you fall cause no one will catch you. Di kita type. Ayokong idagdag ka sa koleksyon ko ng mga babaeng napaiyak ko. Sabi ng ni Seth you deserve more." sabi niya habang hinalikan muli ang kamay ko. Di ulit ako umimik. Pero pakiramdam ko ang init-init na ng mukha.
"Let's go." aya niya. Tumango ako. Nasa campus na kami. At katulad kahapon sabay kami at ngayon nakakawit ang braso niya sa bewang ko. Di ako sanay na may lalaking ganito kalapit sa akin maliban na lang sa 3 kapatid kong lalaki. "Smile." bulong niya. Ngumiti naman ako.
Sam's POV
Syet! Nag-iinit na ako. Actually, kanina pa nga sa kotse. May kakaibang bango itong si Celest. Baka nga attracted na siya sa akin, nag-rerelease na kasi siya ng phermones eh. Kapag hindi siya tumigil baka magsisi siya at gumawa pa siya ng deal with me. Kapag di ako nakapagpigil sisiguraduhin kong mapapasaakin siya ang problema tulad ng iba di ko siya masasalo. At ayokong mangyari yun...."So, sweetie may game kami ngayong umaga. Excuse kami sa klase. Papakabait ka ah. Akin ka lang." si Sam habang hinalikan ako sa noo, ilong at mabilis na smack sa labi. Ginawa niya yan sa harap ng S6 at ng M6! Oh my! Anong sasabihin ko? Ang first kiss kinuha na niya. Lumunok muna ako bago nakapagsalita. "Sure, sweetie. Lagi naman akong mabait eh. Galingan mo sa game. Pasensya na wala ako doon para i-cheer ka. Kaya heto para ganahan kang maglaro may papabaon ako sa iyo-" sabi ko at hinalikan ko siya sa labi smack lang din naman. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Ganti lang yan sa ginawa niyang panggugulat kanina. Two can play the game, ika nga nila. Ningitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "Bye sweetie." pa-cute kong sabi. Halatang di pa siya nakakarecover sa ginawa ko. Wala na akong paki kung pati ang S6 at M6 nagulat sa ginawa ko.
Sam's POV
Priceless! Look at her she is red as a tomato. I'm sure it was her first kiss. Tignan ko nga kung gaano siya kagaling umarte. Makarecover kaya siya o kailangan ko pa siyang tulungan?Lumunok siya then "Sure, sweetie. Lagi naman akong mabait eh. Galingan mo sa game. Pasensya na wala ako doon para i-cheer ka. Kaya heto para ganahan kang maglaro may papabaon ako sa iyo-" sabi niya ng bigla niya akong hinalikan sa labi smack lang naman. Nagulat ako sa ginawa niya. Si Celest, gagawin yun? Not in a thousand years. Para siyang si Alex. Maria Clara siya diba? Hindi ko alam ang gagawin ko. "Sure sweetie. Lahat ng three points na magagawa ko para sa iyo lahat yun." un na lang sinabi ko.
Hinatak na ako ni Johann sa pamamagitan ng pagkawit ng braso niya sa leeg ko at sinabi niya "Tara na loverboy. Magagalit na si coach."
Alex's POV
Hindi na virgin ang lips ni Celest! Wah! There is something fishy! Hindi hahalikan ni Celest si Sam!Stacy's POV
Finally, a POV! Dalaga na si Celest! Wala man lang tongue movement sayang.Talya's POV
Oh my innocent eyes! Itong si Sam at Celest dapat pa talaga sa harap ng maraming tao.Iris' POV
Mali ito. May mali sa reaction ng mga mukha nila.Paul's POV
Naku Sam subukan mo lang lokohin si Celest! Babalatan kita ng buhay at ipapakain ko sa iyo 10 bola ng basketball...."Bakit ganyan kayo makatingin? Masama na pa lang magkalovelife ngayon? Si Stacy nga ang dami ng naging boyfriend pero hindi kayo ganyan makatingin sa kanya." sabi ko habang sinisita ang mapanuri nilang tingin sa akin. "Hep! Nadamay na naman ako. Ang mga boys ang lumalapit sa akin at hindi ako. Mabuti nga ikaw may lovelife na noh..." sabi ni Stacy. Natawa na lang ako kay Stacy. Wow! This is it! Mapangatawanan ko na talaga ang pagiging gf ni Don Juan.
Comments? Votes?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...