CHAPTER TWO

124 4 8
                                    

Ang tamad na Author: Pasensya na po kayong lahat. Mahirap kapag work from home halos walang break time at nawala na yata ang essence ng tinatawag na weekend so ayun, pasensya na po hehe. I'm happy with this actually, I hope you are too. God bless! Let us stay at home and be safe with our love ones. Thank you :)



INIRAPAN ni Patricia ang kaibigang si Lana. Alam niyang natatawa ito at nagpipigil lang base sa tuloy-tuloy na pagkurap nito ng mga mata habang pinakikinggan nito ang panenermon ng mommy niya sa kaniya.


Bakit ba kahit tumanda na siya ay parang nagbabalik siya sa pagiging isang teenager habang pinapagalitan siya ng mommy niya? Ganoon yata talaga ang pakiramdam ng kahit na sino tuwing makakatikim ng sermon mula sa magulang.


"You did not even tell us that you will crash down with your friend. We were worried that you got into an accident. If Lana did not call me last night to tell me that you're blind drunk to even bother to call us and tell us that you're actually back and you're staying with her, we wouldn't know would we?" Nakataas ang isang kilay at nakapamewang ang ina niya sa harap niya habang pinapagalitan siya. Hindi siya umimik ng titigan siya nito ng mabuti. She knew from experience that her mother will have to say everything she had to say and after that she will gradually calm down and she would get her chance to sweet talk her into forgiving her.


"You and your father will be the death of me." Parang nauubusan ng lakas na nagpakawala ito ng hininga saka siya muling pinakatitigan. "How have you been?"


Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na siya. Alam niyang tapos na ito sa panenermon kaya nilapitan niya ito saka niyakap at hinalikan sa pisngi. "I'm okay, mom. I told you the cold wind; the smell of spring and the colors of autumn are good for my soul. I've also acquire a ton of experience and ideas that I think I can use to help dad with the business. Where is he anyway?"


"May biglaang lang kailangang puntahan. Akala kasi namin ay mamaya ka pa uuwi kaya umalis na muna s'ya. Mayamaya lang din ay darating na 'yon. He told me that he will bring some associate over for dinner kaya ikaw Lana, dumito ka na muna ha."


"Of course, tita malakas kayo sa 'kin e." Kinindatan siya ng bruha niyang kaibigan bago lumapit sa pwesto nilang mag-ina. "So tita, ano pong lulutuin n'yong pagkain?"


Naiiling na natatawa siya sa tinuran ng kaibigan habang ang mommy naman niya ay tumawa lang ng malakas. "You really like to eat my cooking kahit noong mga bata pa kayo ni Patricia ano? Buti at hindi ka nananaba dahil sa appetite mo na 'yan."


"It is my miracle tita. Buti na rin po since I really like to eat."


"Sino ba namang pastry chef ang hindi mahilig kumain?" Nakahalukipkip na tanong niya sa kaibigan.


Lana shrugged then parang bata na hinila ang mommy niya papunta sa kitchen para magsimula na raw magluto. "I'm good with sweets kaya mas madalas na hinahanap ko ang mga savoury dishes. Marunog din naman ako magluto ng mga savoury pero hindi gano'n ka-perfect katulad ng kay tita."


"Ku, ikaw na bata. Binobola mo pa ako, pakakainin na nga kita." Halata sa mukha ng mommy niya na natuwa ito sa sinabi ng kaibigan kaya mas ginanahan itong magluto.

Begin Again (ANAC book 2-on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon