DEL MONTE

3 1 0
                                    


DEL MONTE

-a one shot story

Piana's POV

"Uyy Best!"

"Ano na naman yun Pinya?"

"Ano ka ba. Piana. Hindi Pinya."

"Oh ano nga yon? Namimili pa ako ng bibilhin natin eh."

"Andun si Troy oh!"

"Ah yung crush mo?"

"Oo nga. Troy Pascual. Ayun oh. Namimili dun sa may beverage section."

"Oh ano naman?"

"Pupuntahan ko. Babatiin ko yieeee."

"Oh sige go. Huwag kang babalik dito na parang pinagbagsakan ng langit ha. Advice ko lang."

"Oo na."

Lumapit ako sa beverage section, kung nasaan si Troy. May kinuha akong isang bote. Hihi.

"Troy!" yiee! ang pogi talaga.

"Uy Pia! Nandito ka rin pala." shemsss yung ngiti.

"Oo. Pansin ko kanina ka pa nandito." Kanina pa~ kanina pa kita tinititigan~ mwehehehhe.

"Oo eh. Hindi kasi ako makapili." nahihiya niyang sabi. Enebeeee.

"Eto na lang." sabay lahad ng kanina ko pang hawak na bote.

"Del monte juice?"

"Ako si Del Monte. And I'm good for your heart." Napaamin pa nga ako. Hayaan na. Good for heart pa nga.

"Del monte?"

"Oo. Del Monte is my last name."

"Ahhhhh okay. HAHAHAHAHAHA!"

"Bakit ka tumatawa?"

"Seriously Pia? Ilang beses ko na narinig yan."

"Ah sige."

Paalis na ako nang humabol siya, "May aaminin ako sa'yo."

"Na ang corny ng sinabi ko?"

"You're bad for my heart, actually."

"Kalimutan mo na lang sinabi ko. Nilalait mo pa ako."

"Makinig ka kasi muna. You're bad for my heart kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Samahan mo ko sa ospital. In love na ata ako."

"Huh?"

"Hays. Di mo parin gets? Sasamahan kita sa EO, para makita mo nang malinaw ang nararamdaman ko sayo."

Loadingggggggg

Processingggggg

"Huh?"

"Fit n Right kasi tayo sa isa't-isa."



"Fit n Right kasi tayo sa isa't-isa."

"Fit n Right kasi tayo sa isa't-isa."

"Fit n Right kasi tayo sa isa't-isa."

Tinuro ko siya. "Ikaw, may gusto" tinuro ko sarili ko, "sa akin?"

"Hay nako. Nagets mo rin."

"Ah may gusto ka sakin....MAY GUSTO KA SAKEN?!"

Tinawanan niya lang ako. "Oo nga! Ang cute mo pag slow ka HAHAHAHAHA"

Hala cute daw ako.

Gusto niya ako.

Nicrushback ako ng crush ko.

Gusto niya rin ako.

KYAHHHHHH!

"HOY! PINYA! Tulala ka dyan."

"Huh?"

"Ano na namang iniisip mo? May hawak ka pang del monte juice."

"Huh? So..."

"Ano bang nandyan sa kokote mo ha? By the way, nandyan si Troy."

"Eh?! Nasaan?"

"Ayun oh. Nakangiti sa'yo. Lumapit ka na. Paalala lang, ikaw na easy to get na babaeng ka. Huwag masyado mag-assume ha."

"Thanks sa advice best. Babye best!"

Nakita kong napailing na lang siya. Okay lang na iwanan ko yun, pagkatapos naman namin mamili, magiging chaperon pa ako sa kanila ni Rein.

"Hi Troy!"

"Hi Pia!"

"Ano yang hawak mo?"



"Ah fit n right. Apelyido mo diba ang Del monte?"

"Oo."

"Pero soon to be Pascual."

"Huh?"

"Fit n right kasi tayo sa isa't-isa."



END

DEL MONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon