+Palpak Na Plano+
Napaawang ang labi ni Lyca sa narinig niya mula dean. Hindi niya lubos akalain na magiging ganito siya ngayon, sa pangalawang pagkakataon ay napahiya siya sa loob lang ng isang araw. Gusto niyang magwala dahil sa inis na nararamdaman. Nilingon niya si Mania na ngayon ay blankong nakatingin sa kanya habang si Justine naman ay patuloy pa rin sa hikbi.
Inalalayan ni Mania na makatayo si Justine mula sa pagluhod. Mapait na ngumiti si Justine sa dalaga saka tinanggap ang alok nitong tulong sa kanya. Marahang nilapit ni Mania ang labi sa tenga ni Justine saka mahinang bumulong.
"Don't you still believe me huh?" Ani nito saka ngumisi.
Malakas na binalibag ni Lyca ang mga ibang gamit sa lamesa ng dean at masamang tinignan ang mga ito. Hindi niya matanggap na napahiya siya sa mismong harap ng mga taong dapat siya ang nagpapahiya. Binalingan niya ng tingin si Mania at marahas na hinablot ang braso nito.
"Huwag mong ubusin ang pasensiya ko baguhan baka ibaon ko ulit ang kuko ko sa braso mo" may pagbabantang sabi nito sa dalaga. Hinigpitan niya ang hawak nito at buong lakas niyang diniin ang daliri niya sa sugat nito at saka ngumisi ng nakakaasar.
Ngumisi si Mania sa kanya at nilabanan ang tingin nito. Masakit ang pagdiin at pagbaon ng kuko nito sa braso niyang may sugat na likha din nit kanina, pero pinilit niyang maging kalmado at huwag ipakitang nasasaktan.
"Ang pasensiya ko ang huwag mong uubusin Lyca Kassandra, dahil kapag naubos na ang pasensiya ko hindi kuko kundi kutsilyo ang itatarak ko sa lalamunan mo" aniya at tumawa ng mahina.
Nanlaki ang mata ni Lyca sa narinig at maharas na binitawan ang braso ni Mania. Ramdam niya ang kaba na nasa dibdib niya, hindi niya alam kung bakit natakot siya sa sinabi nito dahil kusa niya nalang itong nararamdaman.
"Pinagbabantaan mo ba ako?" Bakas ang mukha nito ang pagkagulat at pagkatakot dahil sa sinabi ni Mania.
Marahang tinapik ni Mania ang balikat nito at saka umiling iling. Hindi niya lubos maisip sa simpleng sinabi niya ay agad itong matatakot. Malayo sa inaasahan niya.
"I'm not threatening you, I'm just warning you" aniya saka tinalikuran ang dalaga.
Tinulungan ni Mania na maglakad si Justine palabas ng opisina nang maalala niyang may munti pala siyang regalo para kay Lyca. Sinenyasan niya si Justine na tumayo muna sandale bago siya bumalik sa harap ni Lyca. Kinapa niya ang bulsa niya saka inabot ang isang maliit na kulay pulang kahong.
"Muntik ko ng makalimutan, may pinapaabot ang kaibigan mong si Vince sa'kin" nag-aalangan pang tinanggap ni Lyca ang kahon nang marinig niya ang pangalan ng dati niyang nobyo.
Tinalikuran na siya ni Mania at tuluyan ng nilisan ang opisina.
KINABUKASAN ay naging usap usapan ang nangyari sa cafeteria at ang mga naging eksena dito. Nilalakbay ni Mania ang hallway papunta sa classroom niya, marami siyang naririnig sa mga istudyanteng nakakasalubong niya sa hallway at palihim siyang ngumingiti dahil dito. Magkaklase sila ni Justine maging sila Lyca at ang mga kaibigan nito. Masaya siya sa mga nangyayari dahil umaayon lahat sa plano niya.
Ngiting binungad ni Justine si Mania ng makita niya itong papalapit na sa classroom nila. Masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay may kaibigan siya, matagal na siyang nag-aaral sa Grascia University pero ngayon lang siya nagkaroon ng kaibigan.
"Good morning Mania!" Masiglang bati nito sa dalaga. Ngumiti ito sa kanya ng hindi umaabot sa mata pero hindi niya nalang ito pinansin.
"Mukhang pera"
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Mistero / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...