A/N: free to comment guys! HAHAHAHA
+Mania's Power+
Nakaupo sila sa ilalim ng malaking puno na malapit sa soccer field ng paaralan. Tahimik na pinagmamasdan ng dalagang si Justine ang bagong transferee na nagligtas sa kanya mula sa grupo nila Lyca. May parte sa kanya ang masaya pero hindi niya maiwasang makonsensiya dahil sigurado siyang magiging katulad niya din itong pagdidiskitahan ng mga nang bully sa kanya. Masiyadong makapangyarihan ang pamilya ni Lyca maging ang mga kaibigan nito samantalang siya ay hamak ng scholar lamang sa paaralan ng mga 'to, at ayaw niyang patalsikin siya sa paaralan dahil ito nalang ang natatanging paraan niya para makapagtapos. Gustohin niya mang malagay sa tahimik ang buhay niya pero alam niyang hindi madaling makuha yun' lalo na't ngayon mas naging mainit ang dugo nito sakanya dahil may nagboluntaryong tao para iligtas siya.
"Tapos mo na ba akong kilatisin?" Walang emosyong ani Mania habang walang reaksiyong tinignan ng deritso si Justine sa mata.
Tinignan ng mabuti at inosesa ni Mania si Justine batid niyang mabait ito at matalino. Alam niyang scholar ito sa paaralan na pinapasukan, kung kaya't wala itong magawa sa tuwing binubully dahil ayaw nitong mabawian ng scholarship. Pinag-aralan niya ang mga taong makakasalamuha niya, pinag-aralan at inalam niya kung ano ang mga kahinaan nito para sa oras na may magtanggal sirain siya ay muunahan niya.
"Ah... Sorry, nag-aalala lang kase ako. Paniguradong babalikan ka ng grupo nila Lyca dahil sa pagtulong mo sa'kin" nakayukong sabi nito. Habang pinaglalaruan ang sariling mga daliri.
Umupo si Mania mula sa pagkakahiga at buntong hiningang tinignan ang dalaga. Alam niyang babalikan siya ng mga yun' dahil sa ginawa niya pero hindi niya na kinagugulat ang bagay na iyon dahil parte naman yun' ng kanyang plano. Inabot niya ang balikat ng dalaga at marahang hinagod ito bilang mensahe na ayos lang.
"Alam ko" aniya saka tumingin sa malapad na field na nasa harap nila.
Alam niyang hindi palalagpasin ni Lyca ang bagay na iyon. Alam niyang sa oras na 'to ay baka sinusumpa na siya nito dahil sa galit. Kilalang kilala niya ang buong pagkatao nito, kilalang kilala niya ang buong pagkatao ng buo nitong pamilya.
"Hindi ka ba na tatakot na balikan ka nila? Anak sila ng may ari ng school at ano mang oras ay maari ka-- tayong patalsikin" malungkot ang boses nito at pumipiyok dahil naiiyak. Alam niyang may malaking posibilidad na paalisin siya pero napaghandaan niya ang bagay na 'to.
"Walang papatalsikin sa'tin, pangako yan" may konpyansiya niyang sabe sa dalaga.
Kumunot ang noo ni Justine dahil sa tono ng pananalita ni Mania. Masiyado itong kampante at kalmado sa lahat ng nangyari samantalang siya ay halos hindi na mapalagay dahil sa takot na matanggalan ng scholarship.
"Paano ka naman nakakasigurado? Scholar lang ako dito at ano mang oras na naisin niyang magsumbong sa dean ay tatanggalan ako ng scholarship" nagsimula nang humikbi ang dalaga habang tinatakpan ang sariling mukha ng kanyang sariling palad.
Ngumisi si Mania at mabilis na tumayo at saka pinagpagpagan ang uniporme. Tumayo siya sa harap ni Justine at inalok niya ito ng kanyang kamay para tumayo.
"Sa'n tayo pupunta?" Nagtatakang inangat ni Justine ang kanyang ulo kay Mania pero mabilis din naman niya itong tinanggap.
"Gusto mo diba na masigurado na hindi tayo patatalsikin sa paaralang 'to?" Ani Mania at buong pwersang hinila ang dalaga para tulungang makatayo.
Tumango si Justine saka nagpadala sa paghila ni Mania. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin, basta ang nais lang niya ay huwag siya--silang mapatalksik sa paaralan. Napansin niyang nilalakbay nila ang daan papunta sa opisina ng dean nila, kabado siya at nagsisimulang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung anong pinupunto ng bago niyang kaibigan at kung saan ito humuhugot ng kumpyansa para maging ganito kakalmado.
Huminto sila sa tapat ng pinto ng opisina ng dean ng buo nilang eskwelahan makaraan ang ilang segundo ay pinihit na ni Mania ang pinto ng may ngisi sa labi. Bumungad sa kanila si Lyca at ang dean nila maging ang mga nagkalat na mga gamit sa loob. Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng opisina dahil sa mga basag na vase na nagkalat sa sahig at mga punit punit na mga papel na nasa ere.
"Paalisin niyo sila sa paaralan ko!" Malakas na sigaw ni Lyca habang dinuduro ang may katandaan ng dean.
"Sinong papaalisin?" Tanong ni Mania na animo'y inosente at walang ideya sa nangyare kahit batid naman nitong sila ang tinutukoy nito.
Mabilis na napunta sa kanya ang atensiyon ni Lyca maging ang dean ng paaralan. Bahagyang nagtago sa likod ni Mania si Justine saka yumuko.
"Kayo! You and that b*tch is not worthy for my school. How dare you para kalabanin ako, and you Justine Kaye Santos you don't have scholarship anymore and you're not belong here this school is only for those people like me " sarcastic itong tumawa saka nagkrus ng kamay.
Mabilis na lumuhod si Justine sa harap ni Lyca at umiyak habang nagmamakaawang bigyan pa siya ng pagkakataon at huwag kunin sa kanya ang scholarship.
"Lyca I'm sorry, please forgive. H-huwag mong kunin sa'kin ang scholarship ko kailangan ako ng pamilya ko at inaasahan nila akong makapagtapos ng pag-aaral, nagmamakaawa ako sayo" pagmamakawa ni Justine habang nakaluhod sa harapan ni Lyca na ngayon ay tuwang tuwa sa nakikita.
"I don't need your apologize Justine, and do you I think I care about you and your poor family?" Ani Lyca saka sarcastic na tumawa.
"Maawa ka-" naiiyak na sabi ni Justine na agad na pinutol ni Mania ng kanyang tawa.
"HAHAHAHA! Ops... Sorry hindi ko sinasadya. Hindi ko kase mapigilan ang sarili kong matawa sayo Lyca nakakatawa ka pala akala ko pa naman ay mas mataas ka dito" ani Mania at bahagyang pinaglapit ang daliri at natatawang pinakakita kay Lyca.
Inis na lumapit si Lyca para sampalin si Mania pero mabilis siyang hinawakan ng dean para pinigilan ang susunod niyang aksyon.
"Let go of me Mrs. Bitahaw!" May bantang sabi ni Lyca sa matanda.
"Please stop this Lyca, your father and I can't let this people go. Mrs. Santos is our top one student in whole campus malaking kakulangan kapag pinatalsik mo siya dahil sa maliit na bagay and Mrs. Sison is also have share in this school at kapag pinatalsik mo siya ay maaring bumagsak ang paaralang ito"
BINABASA MO ANG
The Murder's Diary
Misteri / ThrillerDugo ang isa sa mga bagay na kinakatakotan ng tao. Dugo ang siyang dumadaloy sa katawan mo upang mabuhay sa mundong ibabaw. Isang pulang likido na kadalasang makikita sa mga krimen kung saan palaging may buhay na binabawian. Maraming uri ng tao ang...