Chapter 1

16 2 0
                                    


First Encounter



"Hey!Jin Ri gusto mo bang sumama sa amin mamaya?"Tanong ni Iya sakin umiling ako Dahil may gagawin ako
mamaya pagtapos ng School tatayo
nasana ako pero may narinig akong boses Bata na humihingi ng tulong tumingin ako sa paligid pero wala naman tsaka may humawak sa
balikat ko na aking kinagulat.

"Oh ok ka lang? Para kang nakakita ng multo Eto nga pala pinabinigay ng mama mo nung napadaan ako sabahay niyo"Sabi ni Mingyu na kababata ko mama ko at magulang niya mag. kaibigan nung mga High School ang mama ko at magulang niya nung mismong birthday ni mama Ininbita sila ni mama at dun kami Nagkakilala binigay niya sa akin ang isang lunch box ayy kaya naman pala hindi mabigat ng kunti ang bag ko Dahil nakalimutan ko to'h nagpasalamat ako sakanya at tsaka na siya Pumasok sa classroom niya na katabi lang mg classroom ko.

Pagkatapos niyang ibigay ang lunch box ay umupo na ako sa desk ko dahil
ilang minutes nalang tutunog na ang
Bell pagkatapos ng ilang minuto dumating na ang Teacher namin kasabay ng Pagtunog na bell.Tumayo kami at binati ang teacher namin at bumati ng pabalik at tsaka na nagsimula ang aming unang Takdang Aralin.

Sa kalagitnaan ng klase ko narinig kona naman ang bata na humihingi ng tulong sa akin hinimas ko ang ulo pero Kahit akong gawin ay pilit siyang humihingi ng tulong sa akin kaya nagpasya ako na mag-paalam at pupunta ng Restroom agad naman akong pinayagan ng teacher ko at dali dali din akong lumabas ng klase paglabas ko nakita ko sa dulo ng Hallway yung bata na humi
hingi ng tulong sakin.

Nakita ko siyang umiiyak habang hu
mihingi ng tulong sa akin dahandahan
ko siyang nilapitan hanggang ilang ha
kbang nalang ang ilalakad pero may
Humablot sakanya na mabilis na bagay Na hindi ko malaman kung ano yon Dali dali kong pumunta sa kinaroroonan
nung bata at tinignan siya sa Magkabilang hallway pero hindi ko siya nakita.

"Ano yon?"Bulong ko sa sarili ko
Sinuklayan ko ng paharap ang buhok
Ko gamit ang kabilang kamay ko at hu
minga ng malalim at sinabing ilusyon
lang yon dahil hindi ako kumain ng
agahan tinignan ko ulit at tsaka
na ako pumunta ng Rest Room
at bumalik nasa Klase.

Tumunog na ang Bell kaya nagsilaba
san na ang mga kapwa kong studiyante At dumaretso na sa canteen paglabas ko palang bumungad nasi mingyu sa gilid ko at sinabing sabay daw kami kumain at agad naman akong pumayag Pagdating namin sa canteen may tumawag agad sa pangalan ni mingyu
at agad naman namin hinarapan ang taong tumawag sakanya.

Nakita ko ang apat na lalaki na nakaupo sa isang table na sa bandang
Kaliwa habang yung isa naman ay ku
kaway sakanya at sinenyasan na pu
munta daw siya dun tumango siya at
Hinila niya ako para sumama sakanya
Paglapit namin ay agad akong pina
Kilala ni mingyu sa kanila"Jin sila ang mga kaibigan ko nung elementary grade pa ako sina Chan Seokmin Seungkwan Vernon na half korean at
American at si Minghao na pure chinese"Pagpapakilala ni mingyu saka
nila at sinabi ng isa sakanila na dito
Nalang kami umupo bago pumayag si
Mingyu ay tinanong muna ako ni mingyu kung gusto ko tumango ako at umupo na kami sa bakante na pwesto
Doon at kumain na.

~~~~~~~~~~~~~~~

7:00 p.m at uwian na kasalukuyan Akong naglalakad para umuwi na ng bahay nauna na sa akin si Mingyu dahil sinundo siya ng mama niya na naka kotse inaalok niya ako na sumama
na sa kanila pero tinanggihan ko dahil masarap maglakad lalo na kapag malamig.

Ng paliko na ako sa isang kalye biglang may tumawag sa akin tumingin ako
pero wala namang tao tumuloy na
akong maglakad pero tatlong
hakbang palang may tumawag na naman sa akin humarap ako sa likod pero wala namang tao ng pagharap Ko nakita ang isang babae na kasing Edad ko.

Itinaas niya ang kanang kamay niya
At parang tinuturo niya ata ako
may gusto siyang sabihin pero hindi
ko maintindihan dahil wala akong
marinig mula sakanya lalapitan ko
sana siya pero may napansin akong anino na parang ahas na malaki humarap ako at dun kona nakita ang kakaibang nilalang kulay itim ang mga mata niya at matatalim yung mga pangil at ang katawan niya ay kulay itim namay kaliskis.

Napa Atras ako dahil sa nakita ko
At yung babaeng nakita biglang sumigaw"Tumakbo kana!"Ang sigaw
niya tumakbo ako agad pauwi ng bahay tumingin ako sa likod Nakita yung nakakatakot na hayop na
Hinahabol ako binalik kona ang
tingin ko sa harap at nakita ko na
yung bahay namin binilisin ko
pagdating ko sa harap ng pinto kumatok was ako ng malakas ng ilang
beses pero walang sumasagot kaya kinapa ko ang mag kabilang bulsa ng blazer ko don pero wala yung susi
kinapa ko naman ang maliit na
bulsa ng bag at dun ko nakita
ang susi dali-dali kong binuksan pagbukas ko ay agad akong
pumasok At Sinara ko din ng
mabilis.

Dinikit ko ang likod ko sa pinto habang hinahabol ko ang panghinga
Ko nakita ko si mama na natutulog sa
sofa tinanggal ang Sapatos ko at
nilagay sa lalagyanan dumaretso ako
sa kusina para uminom ng tubig
pagharap ko nakita ko si mama na
nasa upuan na nakaupo habang
Kinukusot ang mga mata niya.

"Kadadating mo lang ba?"Tanong
niya tumango ako at sinabi kay mama na aakyat na ako pagakyat ko ay
naligo agad ako at pagkatapos
humiga na Ako sa kama at pinikit
Let's ang mga mata ko hindi na inisip
ang mga nangyari kanina.

Nagising ako dahil sa sipol ng ibon
umupo ako sa kama at inunat ang
Katawan ko at tsaka na ako pumunta
sa banyo para maligo pagbaba ko ng
You kwarto nakita ko si mama na naghahanda na ng agahan nakita niya
ako at bumati ng good morning at tsaka na niya ako pinaupo para
kumain"Kamusta naman ang School mo?"Tanong ni mama habang paupo
sa gilid ko"Maayos naman po mama"
ang sabi ko at tumango siya kumuha
na ako ng kunting Pagkain dahil
maaga akong umaalis.

Pagtapos kong kumain tumayo ako agad at isnuot na ang sapatos ko palabas na sana ako ng bahay tinawag
ako ni mama at sinabing yung lunch box ko kinuha ko naman ito at nagsabing aalis na ako habang naglalakad ko may tumawag sa akin
Humarap ako sa likod at nakita ko
si mingyu na naglalakad huminto
ako para hintayin siya.

Paglapit niya sa akin binati ako ng good morning at bumati din ako sakanya habang naglalakad kami ay
nagkwekwentuhan kami ng masasaya
hindi kona sinabi sakanya ang
nangyari kagabi pagkatapos ng 15 minutes ay nasa school na kami sabay kaming pumasok sa kanya kanya naming mga klase pagpasok sa klase ko nakita kong nagbubulungan ang mga kaklase kong babae.

"Jin Ri Alam mo ba na may bago Transfer na student dito satin at ang sabi-sabi pa lalake daw siya at gwapo pa"Sabi ni Iya sakin nung pagupo sa desk ko ang sagot kolang ay
'Ah ganun ba'dahil hindi ako yung babae na tipong kinikilig sa isang gwapong lalake.

Umupo nalang ako at hindi na pinansin ang mga pinag-uusapan nila
Hindi ko maalis sa isip ko ang nakita
ko kagabi bata palang ako ay
nakakita ng kaluluwa ng patay kahit pero ni minsan wala pa akong nakita na ganun Kaluluwa din bayon?


• M A X I N E •

THE REAPERS | Blitz of HollowWhere stories live. Discover now