Chapter 1

40 17 17
                                    

"ommoo, kami na ni Kiannn"

halos mapatid na ang litid ng dalaga sa kasisigaw.

namamaos na rin ang boses nitong akala mo ay ilang segundo na lang bibigay na.

kumikislap ang kanyang mga mata na parang mga bituin sa kalagitnaan ng gabi.

halos mapunit na rin ang mamula mulang labi nito dahil hindi niya makontrol ang sarili sa kakangiti.

hindi mawari ng dalaga ang nararamdaman

tila walang mapaglagyan ang
kakaibang saya na bumabalot sa kanyang buong sistema

Ito ang kauna unahang pangyayaring naganap sa tanang buhay niya.

"Putcha kung mangarap ka naman napaka imposible pa.... pweee!"

iritang tugon ng kaibigan nito na parang nasusuka.

para itong nakakain ng mapanghing tinapay dahil sa kanyang nakakaasiwang awra

"nukah ba? totoo ang sinasabi ko Miranda.. whaahh!

malakas na bulahaw niya habang pilit na pinipigil ang kilig.
Pulang pula na ang magkabilang pisngi nito.

Dinakmal niya ang mahaba at paalon-along buhok ng kaibigan at hinila hila, dahilan para umikot ikot Ito na parang trumpo.

" P-putang ina ka Margarita.... titigil ka ba o dudukutin ko yang ngala ngala mo?"

galit na banta niya habang nag hahapuhap ng hangin.

parang umuusok na ang kanyang dalawang tenga dahil sa sobrang inis.

Palihim siyang natawa dahil sa eksenang kinalalagyan nila ngayon...

buti na lamang ay hindi sila pinagtutuunan ng pansin ng mga estudyanteng nasa paligid.

" Haha, hindi ka kasi saakin naniniwala.."

natatawang tugon nito habang hinahaplos ang abot balikat nitong buhok.

" Hayy naku, libre lang mangarap Marga, pero yung makatotohanan naman pwede?"

iritang usal nito habang inaayos ang uniporme nitong nagusot ng malakas na hangin.

" Totoo nga, ito yung ebidensya"

kinikilig na tugon niya sabay marahang hinawi ang buhok, lumantad ang mapulang bagay sa kanyang leeg na halatang bago pa lamang.

halos lumuwa ang mata ni Miranda sa nasaksihan . Umawang ng bahagya ang bibig nito dahil sa labis na pagkamangha.

"chi-chi-chikinini?"

gulat na gulat na utas nito.

"oh, naniniwala ka na ba? linagyan niya ako neto dahil sabi niya, a-ano.. uhmm marka daw ito na pagmamay-ari niya na ako"

kilig na sabi niya habang kinakagat ang ibabang labi.

Muli kasing bumalik sa kanyang isipan ang nangyari kanina lamang.

"kyaaaahhh"

napatili siya ng pagkalakas lakas kaya biglang naagaw ang atensiyon ng mangilan ngilang estudyanteng napapadaan.

Hanggang sa napuno na ng bulungan ang paligid.

Napansin niya ring matatalim ang mga pares ng mata ang nakatingin sa kanya.

That Thing called SORRY (On-going)Where stories live. Discover now