-

33 16 15
                                    

kung nakakamatay lamang ang tingin ay gutay gutay at pinaglalamayan na sya ngayon.

para kasing mga bagong hasa ang talim ng mga titig na ipinupukol sakanya ng mga estudyante.

maihahalintulad niya ito sa mga leon na handa ng lapain ang hayop na nasa harap nila.

at pagkamalas dahil siya ang hayop na yun.

ikinurba niya na lamang ang kanyang labi at mas lalo pang idinikit ang sarili sa kasintahan.

Nakaramdam muli siya ng spark kaya agad siyang lumayo.

"Damn it! how dare you fucking bitch, ang kapal ng mukha mong tapunan ng kadiring carbonarang yan ang uniporme ko!"

galit na litanya ng babae sa harapan niya.

"ano bang nangyayari sa aswang na toh?"

tanong niya sa sarili habang nakakunot ang noo.

napaatras siya ng mapagtantong naitapon niya pala dito ang carbonarang hawak niya.

"putikkss ang landii ko kasi may padikit dikit pang nalalaman"

sermon niya sa sarili.

ibubuka niya na sana ang kanyang bibig upang bigkasin ang salitang sorry pero....

"Hey you! dahan dahan lang sa pagsasalita sa girlfriend ko, kung ayaw mong basagin ko yang bungo mo!"

seryosong sambit ng binata sabay hila kay Margarita upang mas lalong mapalapit sa isa't isa.

Bumilog ang mga mata ng babae sa narinig.

Hindi ito makapaniwalang napagsalitaan siya ng ganoon ng lalaking laman ng kanyang puso.
Matagal na kasi itong stalker at tagahanga ng binata

at mas lalong hindi matanggap ng kanyang sikmura na kasintahan ni Kian ang babaeng hindi naman kagandahan.

Nag unahang pumatak ang mga butil ng luha sa pisngi nito dahilan para kumalat ang itim na produktong inilagay niya sa paligid ng kanyang mga mata.

Pinagtawanan siya ng mga estudyante.

Pinasadahan niya ng matalim na tingin ang mga estudyanteng pinag pyestahan sya.

ngunit mas matalim na tingin ang ipinukol niya kay Margarita na sa kasalukuyan ay masaya at nawiwiling kumain kasama ang binatilyo.

"gaganti ako"

utas niya sabay ngisi at binagtas ang daan paalis sa lugar na iyon.

** ****

"K-kian salamat pala k-kanina"

nahihiyang tugon ng dalaga habang hindi makatingin ng diretso sa binata.

nahihiya siya at kinikilig kaya parang wala na siya sa katinuan.

" saan? sa paglibre ko o sa pagtatanggol ko sayo kanina?"

nakangiti nitong tanong habang nakatingin sakanya.

kumikislap ang mga mata nito.

"uhmm.. ah.. ehh.. "

nag aalinlangan na sambit niya habang kinakamot ang batok.

"uhh, pwde both?" p-pero yung pag tatanggol mo talaga s-saaken! "

nahihiya niyang tugon.

" Babe, of course I'm your boyfriend.. it's my responsibility na ipagtanggol ka"

malumanay na tugon ng binata saka pinisil ng marahan ang kanyang kamay.

napako ang tingin niya sa kanyang kamay.
Hangang ngayon pala ay hawak pa rin ito ni Kian.

may kakaiba na naman syang nadama ngunit hindi nya na lamang ito pinagtuunan ng pansin.

Pakiramdam niya ay uminit ang kanyang pisngi.

"ito na ba ang tinatawag nilang blush?"

tanong niya sakanyang sarili habang palihim na napapangiti.

"K-kian, nandito na ako sa classroom"

nauutal na sambit niya habang pinapakiramdaman kung bibitawan na ba ng binata ang namamawis nitong kamay.

umaasa siyang hindi pa......
hindi pa- sapagkat nawiwili pa siya sa kakaibang pakiramdam.
Pakiramdam na Hindi niya sigurado kung mauulit muli.

"sige babe, study hard"

nakangiti nitong tugon habang dahan dahang inihihiwalay ang kanilang magkayakap na palad.

medyo nalungkot siya
dahil wala na yung "heaven feeling" habang magkadikit ang kanilang mga palad

Bahagyang bumilog ang kanyang mga mata dahil sa malambot at malamig na bagay na dumampi sa kanyang noo.

"Whaaah.. hinalikan niya ba ako sa noo? "

sambit niya sakanyang isipan.

Tumigil ng bahagya ang pag tibok ng kanyang puso dahil parang nakuryente siya sa halik nito

Hanggang sa namalayan niya na lamang na malayo na ang pigura ng kasintahan.

Halos hindi na siya makahinga sa bilis ng mga pangyayari.

"paano kaya kung sa labi niya ako hinalikan? siguro patay na ako ngayon!"

bulong niya habang hinahaplos ang labi.

parang timang siyang napangiti at huminga nang malalim.

-INHALE
-EXHALE
-INHALE
-EXHALE - - - -

That Thing called SORRY (On-going)Where stories live. Discover now