Natigil bigla ang tawanan.
Tila may anghel na dumating sa loob ng classroom dahil biglang nagsitikom ang mga bibig nito.
May takot ang mga mata at hindi makagalaw.
"I said, what's happening here?
pag uulit ng tanong ng binata.
medyo kumalma na ang kanyang boses pero nababalot pa rin siya ng malamig na awra.
" K-kian mylabss si Margarita kasi... "
pagbabasag ng katahimikan ni Reynold.
Bading niyang kaklase na matalas din ang tabas ng dila."what about her?"
seryosong tanong niya pabalik sabay tingin sa nakayukong si Margarita na umiiyak.
"a-ano kasi... ngumingiti ng mag isa, akala mo naman kung sinong maganda.. duhh!"
Maarteng tugon nito habang umiikot ang mga mata.
"booogshh"
Mabilis na lumapit si Kian sa puwesto ng bakla at malakas na inupper cut ito.
halos tumalsik ang panga nito sa lakas ng impact.
Nabigla ang lahat sa naganap.
"How dare you to judge my girlfriend!"
galit na litanya nito at akmang susuntukin ulit ang nanginginig ng bakla pero huli na ang lahat.
hinimatay na ito dahil sa takot at lakas ng pagkakasuntok sakanya.
"ano ang totoong nangyari Professor Capin?"
seryosong baling niya sa propesor na ngayon ay nanginginig na.
Ikinuwento nito ang totoong naganap habang sabay sabay na tumatakas ang mga luha nito.
Nakaramdam ng konteng awa ang binata ngunit hindi niya ito pinahalata.
Napadako ang tingin niya kay Margarita na ngayon ay yumuyugyog ang balikat.
umiiyak ito..
UMIIYAK NA NAMAN ITO..
"You are professor, you MUST learn how to protect yourself..dont let others judge and hurt you specially your students!"
seryosong litanya niya sa propesor na nakapag pagaan sa loob nito.
Ibinaling niya ang tingin niya sa mga estudyante.
"YOU, STUDENTS MALAMAN KO LANG NA MANGYARI ULIT ITO, SORRY BUT YOU'LL BE AUTOMATICALLY EXPELLED FROM LEE UNIVERSITY!"
Madiin at malamig na utas niya.
"And lastly, DON'T YOU EVER DARE TO HURT MY GIRLFRIEND AGAIN!"
seryosong tugon niya sabay lapit sa pwesto niya at dahan dahang inangat ang kanyang baba.
Mugto na ang kanyang mga mata
Basang basa na rin ang buong mukha maging ang mga hibla ng buhok na naligaw sa kanyang pisngi.
" Babe, stop crying now, I'm here..."
malambing na tugon niya sabay punas ng palad sa mukha ng luhaang dalaga.
Hindi makapaniwala ang mga estudyante sa eksenang nasasaksihan.
Maging ang Propesor ay nabigla din.Imbes na tumigil sa pag iyak ay mas lalo pa siyang napahagulhol.
dahil sa kauna unahang panahon at pagkakataon ay may isang taong naglakas ng loob na ipagtanggol siya sa mga taong mapanghusga.
Lumuhod ang binata at hinalikan siya nito sa noo.
"Shhh... Babe... enough... para ka na tuloy zombie!"
malambing na tugon nito habang inaalis ang konteng hibla ng buhok na dumidikit sa kanyang pisngi
"K-kian.."
tugon ni niya sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
bumibigat ang dibdib niya. Para siyang bata na humihingi ng kaunting atensyon.
"shhh... I said enough.. dont waste your precious tears for nothing"
"Let's just Date!"
Malambing na tugon ng ginoo na naging dahilan upang mapanganga ang lahat ng saksi.
Si Propesor Capin naman ay nalaglag ang salamin dahilan para mabasag ito. Dali dali niya itong pinulot upang hindi mapansin ng binata.
Lumaki ang kanyang mga mata at pumalakpak ang tainga
"Panaginip ba Ito?"
tanong niya sa sarili habang nakatingin sa mga mata ng kaharap.
Tumalon na naman ang kanyang puso sa tuwa kaya't awtomatiko syang napatango.
Nakatanggap naman sya ng isang nakakahumaling na ngiti bilang sukli sa kanyang pagtango.
Dahan dahan siyang inalalayan ni Kian si upang makatayo..
sabay isinukbit sa makisig nitong balikat ang kanyang shoulder bag.
YOU ARE READING
That Thing called SORRY (On-going)
Novela JuvenilISANG DESISYON. DESISYON kung saan ang akala ni Stacie Lyn ay magbibigay sakanya ng kakaibang kaligayan na matagal ng hinahangad ng kanyang puso. SUBALIT.. Ito ang dahilan ng pagbabago ng takbo ng buhay ng dalaga. Nagdulot...