Ms simple meets Mr famous.

151 1 0
                                    

       Naranasan mo na bang ma-inlove sa lalaking crush ng lahat? Hinahangaan ng mga babae? Hinahabol-habol o tinitilian? In short, sa lalaking famous?

Ako si maxine, 2nd year highschool. Simpleng babae lang pero may mga malalaking pangarap sa buhay. :) Start na ng pasukan, at sobrang excited na ko. :) Naghanda na ko at kumain na ko. Inagahan ko talaga ang paggising ngayon, first day of school ba naman eh? :)

"Ma, aalis na po ako." sabi ko kay mama.

"Oh kumain ka na ba?" tanong niya sakin.

"Opo. :)" sagot ko naman kay mama.

"Ah, sige mag-iingat ka anak. :)" sabi niya sakin.

"Hep! Teka lang, ano nga ulit yung mga hindi mo dapat gawin sa school?" pahabol na tanong sakin ni mama.

"Uhm, bawal mang asar, bawal mang away, bawal sumama sa mga hindi nakakabuti sa pag-aaral ko, bawal maging makulit. :)" sagot ko kay mama.

"Teka teka, may isa ka pang nakakalimutan." sabi niya sakin.

"Ano yun ma?" tanong ko sa kanya.

"Bawal muna magboyfriend." sagot niya.

"Yun lang pala ma eh, madali lang yun. Ako pa ba? Maxine na 'to ma! :)" sabi ko naman kay mama.

Umalis na ko ng bahay at pumunta na sa school.

"Hay, first day of school ko ngayon." sabi ko sa sarili ko. Kinakabahan pa kasi ako kahit sanay na ako.  Syempre, bago ang lahat. Bagong school, bagong mga kaibigan. Naglalakad na ko papunta sa room namin, room 411.

"Kinakabahan talaga ako! :(" pabulong kong sinabi sa sarili ko.

Nang bigla akong akbayan ng isang lalaki.

"Hi miss." sabi niya sakin.

"Sino ka naman?!" pagalit kong tinanong ko sa kanya.

"Ssh, wag kang maingay. Umarte ka nalang na parang girlfriend ko." bulong niya sakin.

"Uh, ang kapal mo!" sigaw ko sa kanya.

Tinulak ko siya at dali-dali na kong pumunta sa classroom namin. Umupo na ko, at bigla akong kinausap ng kaklase kong babae.

"Hindi mo ba kilala yung sinigawan mong lalaki?" tanong niya sakin.

"Hindi, bakit? Sino ba siya!?" pataray kong tinanong sa kanya.

"Uh, siya lang naman yung pinaka famous na lalaki dito sa batch natin." sagot niya sakin.

"Kilala siya ng buong 2nd year, at siya ang pinaka gwapo sa batch natin." dagdag pa niya.

"Wala akong pake kung sinong poncho pilato pa siya!" pagalit kong sinabi sa kanya.

"Haha by the way, I'm ella. :)" sabi niya sakin.

"Ako naman si maxine." pakilala ko sa kanya.

Tapos na ang pagpapakilala, at maaga ang uwian namin. Sabay kaming lumabas ng room ni ella, ng biglang dumaan si

"Mr famous" daw. -_-

"Aba! dinaanan lang ako ella!?" sabi ko kay ella.

"Hahahahaha." tinawanan niya lang ako.

"Hoy ano namang nakakatawa?" tanong ko sa kanya.

"Ano ba sa tingin mo maxine? Ano bang ine-expect mo? Kakausapin ka niya?" tinanong niya sakin habang tumatawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms simple meets Mr famous.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon