"Class dismissed." Agad kong inayos ang gamit ko tapos ay lumabas na. Chineck ko muna ang phone ko para makita kung may text na ba galing kay Zar ngunit wala parin. Yung birthday ng kambal nung gabi na yon, yun na ang huli ko syang nakita.
Zarius:
Goodnight bb, I love you.Yun ang huli nyang text sakin, at pag dating ng kinabukasan ay wala na akong natanggap sakanya. Hindi ko rin sya nabalitaan kung nag enrol ba sya para sa second semester.
Nag aalala na ako sakanya.
Ako:
Hey wru? Nag aalala na ako Zar.After I send that ay naglakad na ako, sinubukan kong puntahan ang garden sa likod ng cafeteria para tingnan kung andoon sya pero wala akong nadatnan ni anino nya.
Pumunta rin akong engineering building para tanungin ang mga kaibigan nya.
Sakto naman na nakasalubong ko si Arkuss at Vino.
"Ysla!" Tawag ni Arkuss, tahimik lang na katabi ni Arkuss si Vino.
"Si Zarius ba nakita nyo?" I asked medyo hinihingal pa ako dahil nag hagdan lamang ako dito sa 4th floor.
"Ilang araw ng absent, Ysla. Wala ba sa bahay nila? O apartment?" Sagot ni Arkuss. Nawalan naman ako ng lakas ng loob. Hindi rin, ilang araw na din akong nagpupunta sa apartment nya at palaging sarado. Sa bahay naman nila nakakusap ko yung mayordoma sinasabing hindi daw umuuwi.
"Hindi eh." Mahina kong saad.
"Sorry, Ysla. Ang akala nga namin kasama mo, ilang gabi narin hindi sya sumusulpot sa gig." Aniya.
Humugot ako ng malalim na hininga.
"W-wala ba kayong alam na pwede nyang puntahan?"
"Wala eh sorry, pero baka napagalitan na naman sya ng tatay nya." Mas lalo akong nag alala sa naging sagot nya.
What should I do?
"Ah sige, Ysla. Mauna na kami ah, ay sumabay ka na pala bumaba maraming manyak dito eh." Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango sa sinabi ni Arkuss. Hindi parin nagsasalita si Vino, I wonder what happened that night between him and Tellie.
Bigo ako nang pumasok sa susunod na subject, halos buong klase ay naging lutang ako at walang ibang inisip kung nasan na ba sya.
"Miss Villareal! I've been calling your name! Ano ba?!" Napatuwid ako ng upo nang sumigaw ang prof. I bit my lip nang lahat ng atensyon ay nasa akin na pala ngayon. Madyado nang lumilipad ang utak ko.
"S-sorry sir..."
"No sorry! Come here and solve the problem here on the board!" Tapos ay malakas nyang hinampas ang white board. Nanginginig na tumayo ako para sagutan. Masama ang tingin sakin ng prof.
"Ayan kase, deserve!"
"Siguro nagsawa na sakanya si Zarius. Feeling naman nya magseseryoso sakanya ang isang Walterson."
"Baka natira na kaya pinagsawaan."
Iilan na narinig ko habang lumalakad papuntang harapan, hindi ako sanay nang nakakarinig ng ganito. Ayaw kong maniwala, dahil hindi naman totoo yon.
Inabot sakin ng prof ang marker, nakahinga naman ako ng maluwag nang nasagutan ko ito. Mabuti nalamang ay pinag aralan ko ito.
Gosh! What's happening to you, Laraya Yslavien!
Natapos ang buo kong klase ng isang araw na lumilipad ang utak ko, bawat oras ay sinusubukan ko paring contacin ang number nya. Pero nabibigo parin ako.
BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...