Kabanata 2

5.5K 128 7
                                    


"Oh Yumi mag miryenda ka na." Sabi ni Mama pagbaba ko ng hagdanan. Nasa sala si Mama nakaupo sa couch at nakaharap sa TV. May nakalagay sa center table na cookies at juice.

Umupo ako sa tabi ni Mama. Kumuha ako ng cookies at kinain. Nakinuod ako sa pinapanuod nya na cooking show. Hilig ni Mama ang pagluluto at bake dahil HRM ang kurso ni Mama noong college siya. Pero noong dalaga sya isa syang supervisor sa isang kilalang hotel dito.

"Ma kasali nga pala ako sa Mr. and Ms. July. Ako yung representative ng klase namin. Okay lang ba Ma?" Tanong ko kay Mama. Tumingin sya saakin at kita ko sa mukha nya ang pagtataka.

Nagtataka si Mama na pumayag ako dahil alam niyang mahiyain akong tao at hindi sanay sa atensyon.

"Okay na okay anak. Ang tagal na akong pinapakiusapan ni Ayane na isali ka sa mga event ng school nyo." Sabi ni Mama saakin. Natawa at napailing ako. Si Ayane talaga.

Close rin si Ayane kay Mama kaya kilala nya si ito. Madalas si Ayane at Yuki lang ang nagiging bisita ko sa bahay.

"Si Ayane nga po ulit yung nagnominate saakin. Pumayag na ako kasi nahihiya na akong tumanggi." Sabi ko. Tumawa naman si Mama at inayos ang buhok ko.

"Okay lang iyon Yumi. Experience na rin bilang high school student para hindi maging boring ang high school life mo anak." Sabi saakin ni Mama. Tumango naman ako sa sinabi nya.

Sabagay. Parang hindi kumpleto ang high school memories if hindi ka lalabas sa comofort zone mo. Baka ito rin yung way na magkaroon ako ng confidence sa sarili ko at mabawasan ang social anxiety ko. Hindi naman habang buhay ay mahihiya ako at iiwas sa atensyon.

Nasa labas ako ng bahay nakaupo sa bench dito sa gilid ng puno ng mangga. Mahangin dito sa labas dahil dumidilim na at wala ng araw. Tinitignan ko yung anim na bata na naglalaro sa tapat ng bahay ng kapitdbahay namin. Minsan naiisip ko buti pa kapag bata walang problema o walang iniisip na ibang bagay. Ang pinoproblema mo lang kung anong pangkulay ang gagamitin mo o kaya naman kung anong laro ang lalaruin mo.

Pero high school pa lang ako at alam kong marami pa akong pagdadaanan na susubok sa lahat ng aspeto ng buhay ko.

Habang nagmumuni muni ako may humintong van sa harap ng bahay namin kaya nabaling doon ang atensyon ko.

Tumayo ako ng makita ko na lumabas si Ate Akira sa van.

"Pasok kayo. Dito na kayo magdinner." Sabi ni Ate Akira sa mga kasama nya. Iyong mga kaklase niya.

Madami sila na nakikita ko dahil nasa harap ko yung van. Nasa labas na ng van si Ate at yung mga kaibigan nya nasa loob ng van kausap nya habang nakabukas ang pinto.

Ngayon lang pinapunta ni Ate Akira yung mga kaibigan nya dito sa bahay. Madalas sa bahay ng kaibigan nya sya nagpupunta. Ang nasabi ni Ate kay Mama noon ay dahil gusto nya ng privacy at gusto ni Ate na kilala muna nya ang mga taong iimbitahan nya sa bahay kaya hindi sya madalas magpapunta ng kaibigan dito.

"Tara guys gutom na ko." Sabi ng babae na medyo chubby. Tumingin sya saakin at ngumiti. Ngumiti din ako sakanya kahit hindi kami close.

Napagpasyahan ng mga kaibigan ni Ate na dito na kumain. Nandito rin yung lalaki kanina sa field. Yung kumuha ng bola saakin.

Nang makita ko sya na nakaupo sa may passenger seat kumalabog na naman yung dibdib ko. May something sa aura nya na naiintimidate ako or hindi lang rin talaga ako sanay na naeencounter ko yung kaibigan ni Ate. Nakikita ko na sila sa school dati pa pero hindi ko sila madalas nakakausap kaya hindi ko gaano kilala yung iba sa kaibigan ni Ate.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon