REST IN PEACE 🌹

58 4 0
                                    

•••••••••••••••••••••••••••••

| REST IN PEACE |

•••••••••••••••••••••••••••••
🌹

"What the heck is that?" hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis at magreklamo dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata.


Gusto ko lang naman magpahinga ng matiwasay bakit pati itong liwanag ay tila ginagambala pa ako?


Magkasalubong ang mga kilay ko habang ginugusot ko ang mga mata ko, unti-unti akong nagmulat ng mga mata at kakaibang liwanag ang lumukob sa aking paningin na dahilan upang mas lalo akong mainis.


"Oh God, can't I just have a peaceful rest?" I rolled my eyes with such annoyance. Padabog akong bumangon at agad akong nagtaka nang mapansin kong nasa ibang lugar ako.


"What the heck, nasaan ako? Ma, Pa, Aryana nasaan kayo?" sinubukan kong tawagin pati ang mga kaibigan ko at naaalala ko pang bago ako nakaidlip kagabi ay narito sila sa bahay.


"Ano nanaman kayang pakulo ito?" muli kong tinawag ang pamilya ko at pagkaraan pa ng ilang saglit ay nakarinig ako ng mga mahihinang paghikbi. Tangina ano 'yon?


Kinakabahan ako, sino 'yong mga umiiyak? Fuck, are they trying to prank me? Because if yes, it's not funny dahil nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot.


"Hoooy, mga baliw kayo h'wag niyo nga akong takotin! Anong ginawa niyo sa kwarto ko, bakit puro gan'to?" ilang saglit pa ay wala akong narinig na sagot. Napatingin ako sa kabuuan ng kwarto at puro puti ang mga palamuti nito, kung hindi lang ako buhay iisipin ko ng nasa loob ako ng isang kabaong.


Bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang lamig at napayakap nalang ako sa sarili ko. Siomai, ano ba kasing pakulo ito? Halos tumalon ako sa gulat nang makarinig ako ng kakaibang kaluskos sa likuran ko. Nanginginig ma'y unti-unti akong lumingon at kulang ang salitang kaba para tukuyin ang nararamdaman ko.


"S-saan nanggaling ito? B-bakit..." kasabay ng pinaghalong kaba at takot na nanaramdaman ko, nanginginig man ang mga tuhod ko'y nilapitan ko ang lamesang may pulang rosas.


Nasisiguro kong wala pa ito kaninang bumangon ako, saan kaya ito galing? "Naks! Mukhang pinaghandaan nila ito ah." tumango-tango ako sa isiping iyon habang ngumingisi ako ng nakakaloko.


"Okay fam, you wanna play huh? Okay let's play!" ngiting nakakaloko ang lumarawan sa aking mukha habang iniisip ko kung paano ako makakaganti sa kanila.


Habang nag-iisip ako ay hindi pa rin nawawala sa pandinig ko ang pag-iyak ng pamilya ko. "Grabe prepared talaga kayo noh? Sige lang, iyak lang kayo diyan kunwari magugulat nalang ako mamaya." hindi ko napigilan ang sarili kong humalakhak ng malakas habang palakad-lakad ako ng pabalik sa kuwarto.


Hanggang sa...


"What the heck-" laking gulat ko nang mapatingin ako sa salamin at doon ko nakita ang sarili kong repleksyon.


"B-bakit... Bakit gan'to ang s-suot ko? Parte lamang ba ito ng prank nila Mama?" kinakabahan ako pero wala akong maramdaman na pagsikip ng dibdib ko.


Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang mukha ko at doon ko natagpuan ang sarili kong nakasuot ako ng makapal na make-up. Unti-unting tumulo ang luha ko at nakapagtatakang hindi man lang nabubura ang make-up ko.


Palakas nang palakas ang mga paghikbing naririnig ko at ang kaninang maliwang na silid ko'y unti-unti itong nilalamon ng kadiliman.  Hinawakan ko ang puting damit na suot ko at doon na ako pumalahaw ng iyak nang mapagtanto ko ang mga nangyayari habang nakatingin parin ako sa salamin.


Parang isang mahika ang naganap at biglang lumiwanag ang salamin at doon ko nakita ang mga kamag-anak at kaibigan kong pumapalahaw ng iyak at kitang-kita ko ang sakit at lungkot sa kanilang mga mata habang may hinahagis silang puting rosas sa isang...


Kabaong?


"B-bakit... P-paano?" napatingin ako sa Mama kong nagwawala at ang Papa at kapatid kong tahimik na umiiyak habang inaalalayan si Mama.


"Ma... Pa, k-kapatid ko... B-bakit... bakit ako nandito? A-ayoko dito, ayoko ditong mag-isa... parang awa niyo na Ma, Pa ilabas niyo ako rito." padilim na ng padilim ang buong silid at doon ko nakita ang sarili kong kabaong na unti-unti ng binababa sa hukay habang tinatabonan na nila ng lupa.


Ang sakit naman non, masaya pa kami kagabi eh. Halos kumpleto pa kami, mga pamilya ko, kamag-anak ko at mga kaibigan ko, everything was just fine last night. Hindi ko man lang alam na last ko na iyon, sana man lang nainform ako para sana sinulit ko na.


Hindi man lang ako nakapag-paalam ng maayos sa kanila. Sayang at hindi pa ako nakahingi ng tawad sa mga mali at kasalanang nagawa ko. Muli akong napatingin sa salamin at halos wala na akong makita dahil hilam ng luha ang mukha ko.


"Good night, Family!" biglang sumagi sa isipan ko ang huling pamamaalam ko sa kanila at tanging ngiti at tawa lang ang naging sagot nila.  It was just a simple good night I gave and I guess I won't be able to wave my good nights ever again.


I was happy. Really happy before closing my eyes last night. It was pure happiness and then here comes the thought that tragedy can always hits you even at the peak of your happiness.


Little by little, my breathing went rough as if there was a stone stuck on my throath. Before darkness consumed the room, words magically appeared on the mirror. With a heavy heart I tried to read the words engrave on it.


Rest in Peace
Aria Muller

BORN: January 1, 1997
DIED: August 1, 2020

We will miss you, we love you.


---

END

Her Majesty Writes | Work of Fiction


Plagiarism is a CRIME

Rest in Peace (One Shot Story)Where stories live. Discover now