Simula

106 4 0
                                    

Simula

Hindi ko tinanggal ang paningin ko sa kanya habang sine-set up niya ang kanyang acoustic guitar sa stage. Ang mga tao ay nakaabang na sa muli niyang pagtugtog. Matagal din siyang hindi nakaakyat ng entablado. Kaya naman marami na ang pumasok sa auditorium at hindi magkamayaw sa pagpwesto.

Sinulyapan ako ni Janiz nang mag-umpisa nang kumalabit ng gitara si Sir.

"Buti maayos na siya, ano?"

Tumango ako at napatingin sa kamay niyang kahapon lang ay pinalilibutan ng benda.

Hindi mawawala sa akin ang makaramdam ng guilt sa nangyari sa kabila ng kanyang sinabi na huwag na akong magpaapekto at magpatuloy sa buhay.

Nakisabay na lang ako sa pagkanta ng mga tao. Paborito ko ito, na siya rin naman ang nagpagkilala sa 'kin.

...No one else makes me feel like you do... yeah...

Kay sarap pagmasdan ang kanyang mukhang kalmado at nakapikit sa bawat linyang kanyang binibigkas.
First time na marinig kong muli na kumanta siya ng love song. Hindi siya on-character ngayon 'di tulad ng madalas niyang pagkanta ng rock songs. Walang 'rakenrol!' o 'rock on!' sa umpisa ng bawat awit niya.
Isang matamis na ngiti lang ang sukli niya sa mga taong sumasabay sa kanya.

"I love you, Sir!" Sabay-sabay na sigaw ng mga tao.

Kahit na napaka-ingay sa loob ng auditorium, rinig na rinig ko pa rin ang pagsabay ng kabog ng dibdib ko. Para akong aatakihin sa puso. Ramdam ni Bela ang pagtahimik ko kaya hinaplos niya ako sa kamay. Hindi ko na siya binalingan. Parang biglang bumagal ang lahat sa paligid ko. Bawat pagbuka ng mga bibig ng mga tao, bawat kurap ng mga matang puno ng paghanga at bawat pagkaway ng mga kamay na sumasabay sa agos ng kanta, iisang pares ng mata lang ang tanging sinuklian ko ng pagtitig— mga mata niyang may nais sabihin.

"And I've never seen nothing like you..."

At nang gabing iyon, nahanap ko ang nawawalang piraso ng puzzle na matagal ko nang binubuo.

Napahinga ako nang malalim, matagal ko yatang napigilan ang paghinga ko sa nasaksihan ko.

"Sigurado akong para sa 'yo ang kantang 'yon, Cha."
Bumulong sa 'kin si Bela. Ngumiti naman sa akin sina Hani, Zely at Janiz.

Parang leon na gustong kumawala ang puso ko.
Hindi ko maamin sa sarili ko sa matagal na panahon na nahuhulog na ang loob ko sa kanya dahil alam ng isip ko kung ano ang nararapat, ngunit iba naman ang sinisigaw ng puso ko.

Gusto na rin kumawala ng mga luha ko dahil sa kung anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko.

"Pero alam naman nating bawal..." sagot ko sa kanila.

My Rockstar Professor (On Going and Republishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon