BlameMaaga akong nagising ngayong araw at naunahan ko pa si Ally. Masyado akong na paparanoid sa pwedeng mangyari sa akin pagka dating ko sa school
Buong maghapon sa school ay nakabantay ang tingin sa akin ng mga studyante. Yung iba ay pinag tatawanan pa ako na parang masyadong kahiya hiya ang nagawa ko
Nag open din ako ng facebook at talagang ngang mukha ko ang lagi kong nakikita sa pag sscroll ko. Yung iba ay nag personal message pa sa akin para lang laitin ako sa ginawa ko
Nagulat si Allyson ng magising sya. Naka ligo na ako at may naka handa na rin ng pagkain dahil nakapag luto na rin ako.
" What is this all about?" Natatawang unas nya. Umupo sya at nagsimula ng lantakan ang mga pagkain na ginawa ko
" Ang aga kong nagising eh" Halos mabilaukan sya sa sinabi ko. Grabe ahh. Bawal ba kong magising ng maaga
" Are you sick Lia? Masama ba pakiramdam mo? " Inirapan ko sya. Hinimas himas nya pa yung leeg at noo ko kaya mabilis kong tinapik ang kamay nya
Matalim ko syang tiningnan pero mukhang di naman nya napansin iyon " Kumain ka na nga! Malelate pa tayo nyan eh"
" Wow ahh! Just wow! Ang aga mo lang nagising akala mo kung sino ka na" nakangising sabi nya
Umismid lang ako at nagsimula ng suklayin ang buhok kong meron pang tuwalya sa ulo
Tiningnan ko ang mukha ko sa repleksyon ng salamin. Nangingitim na ang eye bags ko. Ilang araw na rin akong walang tulog dahil sa pag rereview sa darating na exams. Sumabay pa kagabi na hindi ako makatulog dahil sa pag iisip kung ano ang pwedeng mangyari sa akin ngayong araw
Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng pagka inis kay Canyx. Alam kong mali iyon dahil wala naman akong karapatan na sumbatan sya dahil lang sa hindi nya pagtanggap ng binibigay ko. He's free to reject it. Wala akong magagawa don, pero I admit na sobra ang pagka inis ko sa kanya.
Nakikita ko yung ibang students na nagbibigay sa kanya ng letters, gifts, or some belongings. Tinatanggap nya iyon. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit tinanggihan nya iyong sa akin.
Am I that disgusting To reject?
Napailing ako sa iniisip ko. Nagsimula na akong suklayin ang buhok ko at inayos na ang bag ko. Tapos na ring kumain si Ally at kasalukuyang naliligo na sya ngayon.
Lumabas sya ng may tuwalya sa ulo. Naka unbutton pa yung uniform nya habang nag lalagay ng Suncream sa mukha nya.
Mabuti nalang at hindi si Ally ang nagbigay ng Cupcakes kay Canyx. Siguradong makikipag away sya kung sakaling may mga babaeng tumititig sa kanya
Bawat babaeng lumilingon sa akin kahapon ay sinisigawan nya. Hindi na rin natuloy ang date nila ni Aqkill dahil pinatawag yung aphrodite kahapon ng manager nila. I didnt tell her na hindi maalala ni Aqkill ang pangalan nya
Napansin nya ang paninitig ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay "What! " asar na usal nya
"Kelan ang date nyo ni Aqkill? " Sinamaan nya ako ng tingin
" Do you like Aqkill? I said find your own!" ano daw? Nababaliw na ba tong babae na to?
" Do you think may oras pa ko para don? I dont. Like. Him. Okay? I dont like them. Hindi pa nga tapos iyong issue ko eh" Sumeryoso ang mukha nya
Ibinaba nya ang suklay nya at tiningnan ako ng diretso " You overthink about it, dont you? "
Pwede bang hindi ko alalahanin yon? Nasa akin ang mata nilang lahat, panong hindi ko iyon papansinin. Isang tao nga lang ang tumitig sa akin maiilang na ako eh, pano pa kaya kung halos lahat ng studyante
YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...