Chapter 10

145 10 0
                                    

—ALTHEA POV—

Makalipas lang ang dalawang araw ay nabalitaan na ng mommy at daddy ni Stephanie sa anak nila. Kaya agad na umuwe dito si Elizabeth, ang mommy ni Stephanie dito sa Pilipinas.

“Anak anong nangyari? Sinong may gawa nito sa kapatid mo?” umiiyak na pagkasabi Elizabeth.

“I dunno mommy. Basta nagising nalang ako isang umaga, wala siya sa kwarto niya.” pag arte ko na kunware nalulungkot din ako.

“Kung sino man ang gumawa nito sa kapatid mo. Magbabayad sila.” nanggigil sa galit na pagkasabi ni Melchor.

“Buti daddy, nakauwe ka agad dito sa Pilipinas. Diba nasa business trip ka sa Europe?” sarcastic na pagkakasabi ko.

Akala niya siguro hindi ko pa alam na wala naman talaga siya sa Europe kundi, nandito siya Pilipinas.
“Oo anak, umuwe ako ng malaman ang nangyari sa kapatid mo.” malungkot na pagkakasabi ni Melchor.

Pasimple lang akong ngumiti.

——

Makalipas ang limang araw ay nailibing na si Stephanie. Pero hindi parin bumabalik si Elizabeth sa US. Dahil kailangan pa daw mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng anak nila.

Kinabukasan ay nakipag kita sakin si Hector.

“Pag natapos kana maghiganti. Ano ng plano mo?” seryosong tanong sakin ni Hector.

“Babalik ako sa US. Mamumuhay ako ng normal doon.” sagot ko.

“Paano ako? iiwanan mo na lang ba ako?” seryosong pagkakasabi ni Hector.

“Anong pakialam ko naman sayo?” mataray na pagkakasabi ko.

“Grabe ka naman, akala ko ba ok na tayo?” sagot ni Hector.

“In your dream.” sagot ko saka umalis.

“Mamahalin mo rin ako Althea tandaan mo yan.” sigaw ni Hector.
Napailing na lang ako saka sumakay ng kotse ko.

——

8PM na ng makauwe ako sa bahay nila Elizabeth at Melchor, or should I say, bahay namin.

“Saan ka galing? Gabi na.” bungad ni Elizabeth (mom).

“May pinuntahan lang ako.” seryosong pagkakasabi ko.

“Napano yang sugat mo sa kamay?” agad naman na tanong ni Melchor.

“Wala lang 'to dad, na-aksidente kasi ako motor noong nakaraan.” pagsisinungaling ko.

“Sige, akyat na ako sa kwarto ko. Good Night.” sambit ko saka nagtungo sa kwarto ko.

——

Kinabukasan ay maaga umalis si Melchor. Naiwan lang kami ni Elizabeth at ng dalawang kasambahay sa bahay.

“Pinag bake kita ng cookies. Alam kong na-miss mo 'to, siga na tikman mo.” nakangiting pagkakasabi ni Elizabeth.

“Busog pa ako mommy. Pero thank you.” seryosong pagkakasabi ko.

“Anak, pwede ba tayo mag usap?” malumanay na tanong sakin ni Elizabeth.

“About what?” tanong ko.

“Lagi mo iingatan ang sarili mo. Ayaw kong mangyari sayo ang nangyari sa kapatid mo. Ayaw kong mawalan pa 'ko ng isa pang anak.” seryosong pagkakasabi ni Elizabeth saka ako niyakap.

“Mahal na mahal kita anak.” muling sambit pa ni Elizabeth.

Althea's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon