Si MELISSANG BILUGAN..

88 0 0
                                    

“Labing apat na taon ako nang mangyari ang lahat…

Pakiramdam ko laging umiikot ang mundo ko sa mundo nila.. Alien ba ko?”

ARAW NG LUNES....

Ako nga pala si Melissa Bilugan Black (Kumpleto yan ha). Oo sa pangalan pa lang alam nyo na.  Bilugan talaga ang hugis ko, mapusyaw ang kulay ko, malaki ang mga mata, medyo duling, sarat ang ilong, maraming tagihawat  pero higit sa lahat maganda naman ang tubo ng buhok ko; nasobrahan nga lang kasi ang kapal ng buhok sa ilong ko pati sa kili-kili at mga binti. may konti din sa dibdib. Ang sabi ng mga magulang ko espesyal daw ako kaya ganon at dapat ko daw itong ipagmalaki. Normal ang taas ko bilang isang pilipina at maipagmamalaki kong maganda ang mga labi ko, napakalaki ng nguso ko at mapulang tulad ng mansanas.  Sa tingin ko ito ang pinakamagandang parte ng katawan ko. At di sa pagmamayabang, ako ang may pinakamagandang ngipin sa pamilya ko, tatlo lang ang bungi ko sa baba at 3 lang din sa taas kaya ako'y palangiti ng lubos sa aming baryo. Malinis di ako sa katawan kaya linggo-linggo ako kung maligo sa sapa kasama ang mga kambing at kalabaw. Ito pa pala ang pinaka maituturing na espesyal sa akin. Malinis, matiwasay at sagrado ang pagkatao ko. Wala akong tinatapakan at inaapi. Kaya naman ako ang bida sa istoryang ito haha.

Maliwanag ang buwan ng mga gabing iyon, handa na kaming kumain ng buong pamilya ng may nag-umpisang kumalabit sa kwerdas ng gitara sa labas ng aming bahay.  

Sinisinta kita, (O Imang)

Sa ilalim ng gabi..

Nabighani ng makita sa sapaan sa may di kalayuan...

Lumalangoy kasama ng mga kahayupan..

Si Lino pala. Sya ang anak ng kapitan namin kasama ang kanyang mga kabarkada at nagkakatuwaan. Nanghaharana na naman sakin hahahaha(Sa panaginip)... Matangkad si Lino, matipuno, maputi, mapupungay ang mga mata at may amoy na kahali- halina. Gabi-gabi kong naririnig ang matikas na boses nya. Pero sana sa akin nya inaalay ang kanta iyon  dahil gusto nya ako. Pero hindi eh..

(sa pagpapatuloy ng kanta)

nang ako'y lumapit mula sa di kalayuan.

ikaw pala'y malayo din sa kagandahan....

akala ko'y Dyosa.. Halimaw sa sapa pala.

hahaha.hahaha

...Hoy! Linong abnormal lumayas ka nga dyan.

...Di naman ikaw kinakantahan ko ba't natatamaan ka ba?

 Sabay buhos ko ng arinolang punong - puno ng ihi at kung anung lumulutang na may amo'y na nakakasuka at makapagbabaliktad ng iyong bituka.

isinaboy ko ito sa kanila mula sa taas ng aming bahay para umalis na sila kasama ng kanyang mga kaibigan. Talagang isinaboy ko ng malakas at pataas para kumalat ito ng todo sa kanila. Subalit nakalimutan kong duling pala ako kaya sa akin din bumaksak ang laman ng arinola at natuluan lang ng kakaunti sina Lino mula sa ibaba. Nakurot pa ako ng nanay ko sa singit at ginarote pa sa sobrang galit dahil pasubo na sila ng kanin at ulam ng maisaboy ko sa kanila ang laman ng arinola.

Sa sobra kong galit ay sinubukan ko silang babain dala ang walis kahit na basang basa ako ng ihi at naliligo sa dumi ng isa sa aking mga kapamilya.. Pagka daka'y may naapakan akong medyo malambot at halos lusaw na bagay na naging sanhi ng aking pakadulas. Sumabit ang Duster na aking suot sa nakausling pako sa hagdanan namen  na nagsanhi ng pag kahubad ng aking damit habang dumadausdos sa hagdanan na una ang ulo. Mga walang modo talaga yan sila Lino at ako ang laging pinagkakatuwaan. Sa aking pagkalaglag diretso ako sa batyang may kaning baboy na dala nila Lino. Asar na asar ako dahil sa pakiramdam ko baboy na baboy ako ng araw na yon.Nagdaan pala sila samen para mangolekta ng kaning baboy dahil may malaki silang babuyan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si MELISSANG BILUGAN..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon