"LIHAM NI MANUEL"

11 3 0
                                    

"Liham ni Manuel"

dedicated to FrancesMiks

Bakit nararamdaman ko na may kulang sakin.
Bakit nararamdaman ko na may kailangan akong malaman. Na kung bakit ka umalis na walang paalam.

Ako si Amanda, ang nag-iisang anak ni Don Leonardo ang cabeza de barangay ng Tondo. May nag-sabi sa akin na may mga alaala daw akong nakalimutan. Ewan ko ba peru di ko masabi na may hindi tama sa buhay ko.

Naglalakad ako ngayon sa dalampasigan patungo sa dating tagpuan namin ni Manuel, ang dating kong kasintahan. Ang taong iniwan ako sa ere. Ang sabi ni ama, pera lang habol nito sa akin.

Narating ko ang munting kubo, ang munting tagpuan namin ni Manuel. Malinis ito at walang bahid na alikabok. Nagmasid-masid ako sa kubo at nalungkot sa naisip, sayang ang relasyon namin ni Manuel. Sa pagmamasid ko, napansin ko ang isang nakatupi na papel sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko ito at pinagmasdan ang makasulat.

"PARA SA PINAKAMAMAHAL KONG AMANDA"

Bilang tumibok ng napakabilis ang aking puso. Ano tong nararamdaman ko? Agad-agad ko itong binuksan at binasa ang liham.

Mahal kong Amanda,

Patawad sa lahat ng kasalanan ko
Ang nais ko lang ika'y makapiling dito sa tabi ko
Pero nagkamali ako
At dahil doon ako'y napalayo sayo ng husto.

Patawad mahal kung ako'y nagkasala
Patawad mahal kung ako'y nawala
Hindi ko ninais na iwan ka
Pero iyon ang itinadhana.

Naalala ko pa ang araw na tayo'y magakasama
Masayang magkasama sa piling ng bawat isa
Kung paano tayo nagmahalan at lumigaya
Sana maulit muli ang masasayang alaala.

Tayo'y nagplanong magpakamatay at magkapamilya
Sinabi mo sa iyong ama at nagalit siya
At sinabi pa'y "HINDI SIYA NARARAPAT SAYO! DAHIL MAHIRAP LAMANG SIYA!"
Masakit man pero tinanggap ko na Hindi talaga tayo nararapat sa isa't isa.

Pero ako'y ipinaglaban mo
Na siyang sabi mo "PANTAY-PANTAY ANG LAHAT NG TAO
MAHAL KO SIYA!
AT WALA NG IBA!"

Nagalit ng tuluyan ang iyong ama
Ipinahanap niya ako sa mga tauhan niya!
At nais niya ako makitang patay na
Nagtago ako Mahal kung saan hindi nila ako makikita.

Nagdesisyon kang magtanan tayo
At ipagpatuloy ang pag-ibig hanggang kamatayan
Ako ang nagplanong kung saan kita isusundo
Ngunit may nakaalam sa ating plano
At isinuplong ito sa ama mo.

Dumating ang araw ng ating pagtatanan
Hinintay kita SA daungan
Na may ngiti SA labi
Dahil makikita Kita muli.

Nagkita tayo at nagyakapan
Pero biglang may bumaril sa akin
Dahilan para mawalan ka nang ulirat
Nakatakas ako Mahal at
Nagtago sa ating tagpuan.

May nagbalita sa akin na nawalan ka ng mga alaala
At ipinalabas ng iyong ama na iniwan kita at habol ko sayo ay pera.

Kasalan ko tong lahat
Patawad Kung ika'y aking iniwan
Mahal parin kita kahit ano man and mangyari.

Alam kong wala na ako pagnabasa mo ito..

SANA'Y PATAWATIN MO AKO. MAHAL KONG AMANDA.

                                                                               Nagmamahal,
                                                                                          Manuel

_____

Natapos kong basahin ang liham na may luha sa mata. Nabuhay lang pala ako sa kasinungalingan! Pinaikot ako ni ama. Lahat ng alaala ko ay muling nagbalik sa aking isipan, noong nagmamahal pa kami ni Manuel. Napa-iyak ako.

"Hindi ako makapaniwala! Bakit nagsinungaling si ama sakin?" Wala sa sariling tanong ko.

Lumisan ako sa kubong iyon dala-dala ang liham na iniwan ni Manuel para sa akin.

Naglakad ako ng wala sa sarili sa dalampasigan. Di ko ma-isip na wala na si Manuel. Napapikit ako at patuloy sa paglalaka-----bogshh!

"Aray!" Napadaing ako ng may mabangga ako at maupo sa buhangin.

"Amanda?!" Inimulat ko ang aking mga mata at tumingala sa kanya.

"Manuel?! Buhay ka?!" Agad-agad ko siyang niyakap at doon sa kanyang bisig umiyak.

"Akala ko wala ka na.." Hinaplos ni Manuel ang aking buhok

"Wag ka ng mag-alala dahil buhay pa ako." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at unti-unting lumalapit ang aming mga labi. 
Sinisigurado ko na hinding-hindi na ako mahihiwalay sa lalaking mahal na mahal ko. Sasama na ako sa kanya habang-buhay. Matapos ang matamis na halikan ay niyaya nya akong maglakad-lakad. Ikuweninto niya sakin ang mga nangyari sa buhay niya matapos siya mabaril.

THE END🌹

Liham ni ManuelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon