CHAPTER 6: GAME-ON

141 10 2
                                    

Gaya ng plano, dumating ang lahat nang naka-facemask at suot-suot ang magagarang gayak.

"Are y'all ready free bitches?" sabay pagkalantog at pagkalampag sa pultahan gamit ang tangan na piraso ng bakal na tubo.

"Yeaaah!
"Let's have fun!"
"Burn the night!"
"Open that fucking gate!"

Inihantad at ipinakita ni Ibe ang ipinuslit na susi sa lahat na naging dahilan ng paghiyaw ng mga ito dahil sa ekstensibong pagkasabik.

Ibinigay niya ang yawe kay Thin upang siya ang magbukas ng kandado ng gate. Lumipas na ang tatlong minuto, natigilan ang lahat dahil hindi pa din nabubuksan ng payat ngunit sakto ang pagka-maskulado ang kandado, "Tabi nga, Ako na!" inis na sinabi ng kambal na si Thick—hindi payat, hindi mataba ngunit thickset at hubog ang pangangatawan. Ipinatabi ang kapatid, at sinubukang buksan ang susi ngunit gaya ng kapatid, hindi niya rin ito mabuskad, "Oooooy!" iritang tinig ni Ibe, "Tabi!" pinaalis ang kambal at saka dagliang ipinihit ang pasukan ng yawe. Walang kahirap-hirap niya itong nakalas at nagsimula nanamang mag-ingay ang lahat. Pagkabukas na pagkabukas ng pultahan, nag-unahan na ang mga dumalo sa Freedroom na naging Pub Party.

Disco on! Drunk switched! Party Mode!

All-set na ang lahat, si Pipe nalang ang kulang.

Game-On, Pipedak!

Pipedak
Ringing...

Twinkle twinkle little star.
How I wonder what you are.
Up above the worl—

"The freak! Seryoso ba siya?" napahalakhak si Ibe dahil sa ringtone ng nasa kabilang linya.

Pagbalik pa lang galing ng opisina ng Dean, ramdam na ni Pipe na may nangyari sa silid habang wala siya. Dinedma niya lang nung una subali't inaasahan na niyang may mangyayaring katulad nito—hindi gagawin ni Ibe ang lahat ng 'yon ng libre at walang kapalit. Sa maikling salita, gusto niyang makipag-laro.

Game-On, Basura!

"Hello?" pagkukubling hindi kilala ang nasa linya, "Sino 'to?"

"Pupunta kang University ngayon o papapuntahin ko Dad ko dito para malaman niya na may party-ing nagaganap sa Freedroom mo— ay! Freedroom KO pala." pananakot ng anak ng dekano.

"Are you threatening me?" malamlim at nagmamatapang na tono.

"Isa. Dalawa. Tatl—",

"Heto na!" pagbitin sa kaniyang pagbabanta.

"I'll give you 20 minutes to arrive here or else—"

"Oo na! Wait may tumatawag." pinutol ni Pipe ang linya.

Subali't ilang segundo lang ay nagtext si Ibe.

To Pipe

Sa spare gate ka dumaan dahil yun lang ang pintuan na nakabukas ngayon and about that time I gave, you only have 19 minutes and 28...27...26...25..."

From Ibe

Dahil malapit lang ang Condo ni Pipe sa GMU, itinakbo niya na ito patungong Uni.

Sa kasagsagan ng paglalakad, napagnuynoy ni Pipe na bakit kailangan pang direksyonan siya ni Ibe kung saan siya dadaan.

How dumb he is. Sasabihin ba naman kung saan ako dadaan. Malamang sa malamang, meron siyang binabalak gawin doon. Maybe trap basta hindi ako dadaan doon. Lakbay ng isip ni Pipe matapos matigilan sa kakamadaling pagtakbo.

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon