EIGHTEEN

475 20 2
                                    


PUMASOK sa loob ng silid ang Tita Andrea ni Toni.

Ipinatong nito sa ibabaw ng bedside table ang dalang isang baso ng tubig at kinuha mula sa loob ng drawer ang bote ng gamot. Binuksan niya ito.

"Thank you, Tita," pasalamat ng dalaga nang bumangon mula sa pagkakahiga at tinanggap ang dalawang tableta ng gamot at baso ng tubig.

Pagkatapos niyang uminom, kinuha rin nito mula sa kaniya ang baso. Saka hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Hindi ka uminom ng gamot kagabi?" tanong nito.

Umiling siya.

"That was the first time po, Tita, na nakatulog ako ng mahimbing," aniya.

"And it's a good thing, pamangkin. Bakit hindi mo pakiusapan si Alex na samahan ka muna gabi-gabi sa pagtulog?"

"Hindi naman puwede 'yun, Tita. May sariling mundo na si Alex."

"Hindi mo ba sasabihin sa kaniya ang totoo?"

"I'm not ready. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Baka mandiri siya sa akin."

At hindi na niya napigilan ang pag-agos ng luha.

"Toni, it wasn't your fault. Hindi naman siguro ganung klase ng tao si Alex para mandiri siya sa'yo."

Niyakap siya ng tiyahin.

"Tahan na. Everything will be fine. Kapag ready ka na, sabihin mo sa kaniya."

Kumalas si Toni.

"I'm in love with Alex, Tita," pag-amin niya.

"I know. The way you keep talking about her nang nasa ibang bansa ka pa, manhid lang ang hindi makakahalata. But my dear pamangkin, huwag mong kalimutan na may nobya na si Alex."

At mas lalo siyang nasasaktan.

"May other option ka pa, di ba? Uuwi tayo sa probinsya. Magpapatayo tayo ng restaurant tulad ng gusto mo. You can start a new life. Pag-isipan mo munang mabuti ang magiging desisyon mo. Kapag ipinagpatuloy mo ang pagmamahal mo kay Alex habang may girlfriend na siya, ikaw lang din ang magdurusa. And I can't take it na ganito ka, nasasaktan."

Tumango-tango ang dalaga. She's thankful andito ang napaka-supportive niyang tiyahin.

Maya-maya lang, nahiga na uli siya. Kinumutan siya ng tiyahin bago siya iniwan.

Bago pa siya tuluyang nakatulog, mukha ni Alex ang nakalarawan sa isip niya.

**KANINA pa siya ayaw dalawin ng antok.**

Nakailang beses na siyang bumangon para maglakad-lakad sa loob ng kwarto, hoping na makatulong para mapagod at makatulog.

Malapit na mag-ala una ng gabi.

No.

Umaga na.

Panay tingin niya sa hawak na phone.

Tatawagan ba niya si Toni?

No.

Ayaw niyang maistorbo ang tulog nito.

Ngunit pagkaraan ng ilang minuto, nakikita niya ang sariling dinidial ang numero nito.

Walang sumagot.

Tinawagan niya uli.

Wala pa ring sumasagot.

Nag-aalala na siya.

Sa pang-apat na tawag, wala pa ring sumasagot.

Wala ba sa tabi nito ang phone?

Tumawag uli siya.

𝐔𝐍𝐃𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐎𝐕𝐄- 🏳️‍🌈𝐆𝐱𝐆✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon