"One of our men got a hint kung saan posibleng nakatira ang mama mo. Ichecheck daw nila ngayon"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Oo, masaya ako kasi posibleng makita ko na ulit si mama kung nandoon nga siya sa lugar na sinasabi ng mga tauhan nina Arra.
Pero natatakot din ako at kinakabahan. Paano kung may ibang pamilya na siya? Paano kung hindi niya ako makilala? Ilang taon na kaming hindi nagkikita. Paano kung ayaw na niya sa akin? O sa amin? Kaya niya kami iniwan.
Alam kong may malalim na reason kung bakit bigla nalang siyang umalis at nang-iwan. Iyon ang pinanghahawakan ko kaya nako control ko ang galit ko sa kanya. Kailangan ko munang malaman ang kuwento nila bago ako mang judge.
"You okay?" Tinanguan ko si Ria na nakahawak sa braso ko at may pag-aalala sa mukha
"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ni Maricar
Nagkibit balikat ako, "ewan. Hindi ko alam "
"Pwede namang sumasa sa mga tauhan namin kung gusto mo. Wala ka bang gagawing importante ngayon?"
"Saan ba ang lugar? Malayo ba?" Dahil kung hindi ay sasama ako. Marami akong assignments pero kaya ko namang gawin iyon mamayang gabi hanggang bukas. Pero kung malayo, tingin ko ay kailangan kong mag hintay ng sabado para mapuntahan ang lugar.
"Gyeonggi-do lang. One hour away kung mag sasubway o bus. Minutes lang kapag taxi pero alam mo na, mahal."
Malapit lang. Tinignan ko ang oras at nakitang maaga pa naman kaya nagpasya ako na sumama na. Mas maaga ko makita si Mama, mas maganda. Kailangan ko pa siya kausapin para kina Mike.
"Anong oras alis? Sasama ako"
Kinuha ni Arra ang phone niya at may tinawagan. Tauhan siguro nila. Tahimik lang kaming naghihintay sa kung anong sasabihin niya. Si Maricar ay nakatitig lang sa akin na tila binabasa kung anong nasa isip ko.
"Nasa labas na raw sila. Tara na" agad kaming tumayo at mabilis na naglakad palabas ng school gate. Nangunguna si Arra sa paglalakad habang si Ria at Maricar naman ay sinasabayan ako.
"Ayun sila!" Ani Arra at itinuro ang isang kulay itim na van. Bumukas ang pinto nito at may lumabas na gwapong lalaki, isa siguro sa mga tauhan nila.
"Good afternoon, Ma'am" bati niya sa amin
Isa-isa kaming umakyat sa van at agad ding tumulak paalis. "Guys, si Marco, leader ng Agent four", itinuro ni Arra ang gwapong lalaki kanina. Naka itim na t-shirt ito. Maputi at matangos ang ilong.
Parang gusto kong makatrabaho si Agent Marco ah. May opening kaya sa company nina arra? Charot
"Eto naman si Agent Louis, ang kanang kamay raw ni agent Marco" She gave an emphasis to the word 'raw'
Gwapo rin si Agent Louis but I like Agent Marco more. Agent Louis is a bit totoy unlike Agent Marco na masculine and macho.
"Siya iyong anak noong pinapahanap namin" nilingon ako ni Agent Marco na nakaupo sa passenger seat. Si Agent Louis ay sumulyap lang dahil siya ang nagmamaneho.
"We'll make sure na mahanap ang mom mo po as soon as possible" ani Agent Marco. Nagpasalamat ako at tumitig na sa nga dinadaanan namin.
Ilang minuto lang ang binyahe namin dahil mabilis mag drive si Agent Louis at naka private car kami. Kung nag subway ay aabutin raw ng isang oras ang biyahe.
"Eto iyong address na nakuha ni Agent Louis" itinuro ni Agent Marco ang isang simpleng bahay. Nag doorbell si Agent Louis at may lumabas na isang matandang babae.
Nagkorean ito at wala akong maintindihan sa sinabi niya. Si Agent Marco ang nakipag-usap sa kaniya. Fluent mag korean si Agent Marco at aakalain mong hindi siya foreigner dahil sa bilis at linaw ng mga salita niya.
"Kamsahamnida" ani Agent Marco
Pumasok na ang matanda sa loob ng bahay at kami naman ay bumalik na sa sasakyan. Nilingon ako ni Agent Marco at malungkot na tinignan, "negative. Matagal na raw umalis ang mom mo sa kanila. Dati silang amo ng mama mo at hindi na nila alam kung nasaan na ito"
Bumuntong hininga ako sa narinig. Lahat sila ay nakatitig sa akin ngayon at tila tinitimbang ang ekspresyon ko. Pilit akong ngumiti kahit na naiiyak sa disappointment, "guess I shouldn't have raised my expectations too high, huh" pilit akong tumawa pero ni isa sa kanila ay walang nag react.
"Uwi na tayo" sabi ko nang wala pa ring nagsasalita sa kanila. Tinignan ko si Agent Marco at tinanguan. Tumango rin siya sa akin bago binalingan si Agent Louis at sinabihang mag drive na pauwi.
Madilim na sa daan. Tulala lang akong nakatingin sa kalsada, blanko ang isipan. Back to zero nanaman. Magandang idea na nanghingi ng tulong si Arra sa mga Agent nila dahil ngayon ko lang na realize na mahihirapan pala talaga ako kung kami lang ang maghahanap.
"Dorm ka uuwi?" Nabasag ang katahimikan ng kausapin ako ni Maricar.
Oo nga pala at hindi na ako sa dorm umuuwi. Umiling ako, "kailangan ko sa bahay ng 30 DWO" nilingon ko ang phone ko at nanlaki ang mata ng makitang mayroong ten missed calls sa isang unknown number.
May isang message rin na nagtatanong lang kung nasaan ako. Kasalukuyan kong nag tatype ng reply ng mag flash ang number. Tumatawag!
Mabilis ko itong sinagot, "yeoboseyo?"
"Finally!" Anang lalaking boses. Kumunot ang noo ko ng makilala ang boses. Tinignan ko ang numero, as if makikilala kahit na hindi naka save ang number.
"I've been calling you since 5 PM. Where are you? The producers and managers are worried!" Aniya sa mahinahong boses
"Ah eh who's this?" Alinlangan kong sagot. Tahimik lang ang mga kasama ko na paminsan-minsang sumusulyap sa akin, nagtataka sino ang kausap ko.
"Lee Min Ho" nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ulit ang mabilis na tibok ng puso ko. I can't believe na si bebelabs ang kausap ko sa phone!
"Where are you? I will pick you up" luminga linga ako para makita kung nasaan na kami. May madadaanan kaming bus stop kaya ayun ang sinabi ko sa kanya. Matapos iyon ay nagpaalam na siya at sinabing hintayon ko siya roon at susunduin niya ako! Owemji!
"Bababa ako sa bus stop" itinuro ko ang bus stop kay Agent Louis.
"Bakit? Sino tumawag?" Tanong ni Ria
"Si bebelabs. Susunduin niya raw ako sa bus stop kaya kailangan kong bumaba roon"
"Ay taray ginawang taga-sundo ang isang superstar" anang Maricar na ngayon ay malaki na ang ngisi, nang-aasar.
"Sa bus stop daw" ani Arra na mabilis namang sinunod ng mga Agent.
Bumaba ako ng nakahinto na ang sasakyan at magpapalam na sana sa kanila ng naunahan ako sa pagsasalita ni Agent Marco.
"We will wait until your sundo is here. It's already dark and it's dangerous para maiwan kang mag-isa"
Luminga linga ako para hanapin ang dangerous at dark na sinasabi ni Agent Marco pero ang nakita ko lang ay ang nagtitingkarang ilaw ng mga establishments at sasakyan, pati na ang mga taong naglalakad.
"Oo nga. Saka para makita rin namin si Lee Min Ho. Ano ka, ikaw lang may karapatang makakita ng idol?" Ani Ria at bumaba na rin sa sasakyan.
Wala na akong nagawa ng silang lahat ay nagsi baba narin sa sasakyan maliban kay Agent Louis na nagpaalam na mag papark lang sa malapit na convenient store. Pagbalik niya ay may dala na siyang nga kape at hot chocolate at isa isa kaming binigyan.
"Ano sayo?" Tinignan ko ang kay Ria at nakitang kape rin ang sa kanya, "ay kape rin"
"Bakit? Ano ba sayo?" Tinignan niya ang akin, "hindi ba 'di ka umiinom ng kape?" Tumango ako
"Palit tayo" nagulat ako ng iabot ni Agent Marco sa akin ang kanya. Hot chocolate pala ang sa kanya.
"Nakakahiya naman" sabi ko at tinanggihan ang alok niya pero ipinilit niya kaya wala na akong nagawa.
"Umiinom naman ako ng kape. Kape is my twin, you know" aniya bago nilagok ang kaninang kape ko. Wala na akong nagawa kundi inumin na rin ang hot choco.
Maya-maya lang ay may nagpark na kotseng itim. Mukhang mamahalin ah. Bumaba si Lee Min Ho na siya palang nag dadrive. Mukhang mamahalin ko din ang driver ah. Charot
Naka simpleng hoddie lang siya at pants. Casual. Napatingin ako sa suot naming uniporme. Napaka layo sa pormahan niya.
Lumapit siya sa amin at bumati, ganoon din ang mga kasama ko. "Let's go to the resto and have some dinner" aniya
Inanyayahan niya ang mga kasama ko at ang mga walang-hiya ay walang atubiling sumama. Sa kotse ni Lee Min Ho ako sumakay at tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Nakasunod sa likod ang sasakyang sinasamyan nina Ria.
"Where did you go after class? I went to your school just only to find out that you weren't there"
Napalingon ako sa kanya. Nagpunta siya sa school? "We went to Gyeonggi-do" sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at sumulyap sa akin. Nagpark siya sa resto at akala ko ay bababa na kami pero nagsalita siya kaya napahinto ako, "What did you do there? It must be important because you went there right after school"
Sasabihin ko ba? Ano naman ngayon kung malaman niya na hinahanap ko ang mama ko? Nagpasya ako na wag na munang sabihin dahil baka mamaya ay maka-abala pa sa kanya.
"Nothing. My friend decided to tour us there so" nagkibit balikat ako.
Tumango siya at hindi na nagsalita. Sabay kaming bumaba sa sasakyan at nakitang naghihintay na sa may entrance sina Ria. Luminga-linga ako ng mapansing wala ang dalawang agent.
Sinulyapan ako ni Lee Min Ho, nagtataka siguro kung ano ang hinahanap ko. "Sina Agent Marco?" Tanong ko kay Arra ng makalapit kami.
May panunuya sa tingin nila na hindi ko nalang pinansin. "Nagpaiwan sa sasakyan. Ayaw raw nila kumain eh"
What? Hinanap ko ang sasakyan nila at nakitang nakatayo sa labas si Agent Marco, tulala habang naka baba naman ang window ng driver at nakasilip doon si Agent Louis.
Tumingin din si Lee Min Ho sa tinitignan ko pero wala siyang sinabi. "Tawagin mo Arra, hindi pa nag didinner ang dalawang iyon" sabi ko
Tumango si Arra at mabilis na nag dial sa phone niya. Nakita ko naman na sinagot ni Agent Marco ang phone niya at napalingon sa side namin. Sinenyasan ko siyang lumapit sila at narinig ko rin na sinabi ni Arra na sumabay na silang kumain kaya wala silang nagawa kundi ang lumapit.
"Hindi pa kayo nag didinner gaya namin kaya sumabay na kayo" nginitian ko si Agent Marco.
"Let's go" napalingon kaming lahat kay Lee Min Ho na nagpatiuna ng pumasok. Agad naman kaming sumunod sa kaniya papasok. Iginiya kami ng isabg waitress sa isang maliit na parang kwarto. Private room.
Kaunti lang ang tao dahil anong oras na rin. Agad din naman sjnerve ang pagkain namin. Ito rin iyong resto kung saan kami nag audition noon. Kumuha ako ng lobster na agad kong pinagsisihan.
Hindi ako marunong mag bukas! Napalingon ako kay Agent Marco na nasa harap ko ng marinig ko ang mumunting tawa niya. Sumimangot ako sa kaniya. Kinuha niya ang lobster na binubuksan ko at walang hirap na binuksan iyon. Ibinigay niya sa akin iyon kaya nagpasalamat ako.
"Tss." Napalingon ako sa katabi ko na kanina pa tahimik. Anong problema niya? Mali ba na kasama namin ang mga friends ko? Baka mahal dito at napagastos siya? Pero hindi ako ang nag imbita, siya!
Tumingin siya sa akin at sumimangot. Kinunutan ko lang siya ng noo dahil hindi ko magets ang gusto niyang iparatin. Umiling siya sa akin at bumulong, "Don't flirt with that guy" aniya na ikinatulala ko.
What?
BINABASA MO ANG
Love, LMH
FanfictionIsang babaeng laki sa hirap at nabigyan ng pagkakataon na makapunta sa Korea at makasama ang kaniyang paboritong Oppa na si Lee Min Ho. Ang akala niya ay simpleng programa lamang ang kaniyang napasukan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila...