Chapter 3
Aisler's PoV
Sabado na ngayon at nagising ako na nandito na sa kwarto ng condo ko. Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi, naalala ko lang ay may babaeng umakay sa akin papasok ng aking kotse. Siguro siya na 'yung naghatid sa akin dito.
Bumangon na ako at pumunta sa banyo para maghilamos. Pagkalabas ko sa banyo ay nagtungo na ako sa kusina para sana maghanda ng aking kakainin, plano ko sana magprito na lang dahil magprito lang ang alam ko. Pero may nakita ako sa mesa na note at nakalagay doon na 'Good morning. I cooked your breakfast it's on your fridge' sabi ng nakasulat kaya kinuha ko na ang pagkain na nasa ref at isa itong sinigang.
Tapos na akong kumain at nakaligo na ako. Nanonood ako ngayon ng TV nang biglang tumunog ang aking phone. Tinignan ko kung sino ang nagtext at si Josh pala.
Josh: Bro, punta ka dito sa SM mall malapit sa condo mo. Hinatyin ka lang namin mga 9.
Me: OTW.
Tinignan ko ang oras ng phone ko at shit, it's already 8:48 am. Mabilis akong nagbihis at pinakain ko muna si Jack bago umalis. Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse patungo sa mall.
Nandito na ako sa mall at hinihintay ko na lang ang mga ugok. Tss 9am tapos wala parin sila. Mga sampong minuto na akong nandito sa labas ng mall kaya napag-isipan kong pumasok, baka nasa loob na sila mga ugok pa naman ang mga 'yon.
Nagikot ikot muna ako dito sa mall hanggang sa nakita ko sila sa labas ng Toy shop. Tss ano naman ang ginagawa nila doon, bibili ng laruan. Tss ano sila mga bata.
"Ba't kayo nandito?" Tanong ko sakanila kaya napalingon sila sa akin. "Kami nga 'yong nagaya sayo, tapos tatanong mo kung ba't kami nandito" pamimilosopo ni Rey. Tss bobo talaga hindi get's ang point ko.
"Ang ibig kong sabihin ba't nasa toy shop kayo?" Paglilinaw ko ng tanong ko. Bigla naman silang ngumuso sa kung saan na banda. Kaya tinignan ko kung saan at biglang uminit ang ulo ko na si baliw pala kakalabas lang ng toy shop at may dalang malaking stuff toy na panda.
"Ba't ka nandito?" Inis kong tanong sakanya kaya naman napatingin siya sa gawi ko at abot langit na ngumiti. "Good morning Aisler" bati niya at lumapit sa akin ako naman ay umiwas sakanya dahil nagtatangkang yumakap siya sa akin.
"Ah, bro siya 'yong nagaya sa amin na mag mall. Libre naman niya kaya pumayag nalang kami." Tumingin naman ako kay Gio na pinipigilang tumawa. Tss. Sana siya na lang 'yong kinukulit nitong baliw na'to.
Sa wala akong magagawa dahil nandito narin naman ako kaya papayag na lang akong dito 'tong baliw na'to at sabi niya libre niya naman lahat. Tss mapagtripan nga 'to.
"Hoy" tawag ko sa baliw kaya lumingon siya sa akin na nakangiti. "'Di ba libre mo naman 'to?" Tanong ko at tumango tango siya na parang baliw na bata. "Tara sa men's ware" sabi ko na sinangayunan naman ng apat. Tss mga buraot pa naman ang mga kaibigan ko.
Tignan na lang natin kung saan aabot 'yang panglilibre mo pag ako na 'yong gagastos.
Nasa loob na kami ng men's ware at tulak tulak ngayon ni baliw ang isang push cart. Lagay lang ako ng lagay ng kahit anong gusto kong damit. Ganon din silang apat.
Maya maya pa ay puno na ang cart ng mga damit at pumipila pa si baliw sa counter. Tignan natin kung kaya niyang bayaran 'yon. Mga mamahaling brand pa naman 'yung pinili ko para mas mahirapan siya.
"Bro, dami naman ng pinamili mo ah" sabi ni Gio na nginisihan ko lang. "Gusto ko lang naman ichallenge kung hanggang saan kaya ng kanyang bulsa. Siya naman ang nagsabing libre 'di ba" sabi ko at nag smirk.

BINABASA MO ANG
I Kissed A Wrong Person
Roman pour AdolescentsAisler Ehvan ay isang heart broken na playboy. Meron siyang isang babae na minahal mahigit sa tatlong taon ngunit siya ay iniwan ng walang dahilan. Sa 'di sinasadyang pangyayari ay makikilala niya ang babaeng magpapatibok ulit ng kanyang puso at ang...